untitled
viviti
You still don't understand, do you? You're right. To be the number one basketball player in the whole world is my great dream. But...."











"You are my greatest dream."

*HAPPY ENDING?*

 

So there. Balik na naman sa dati ang lahat. May klase na naman kami. At yung play? Ayun, hindi na siya natuloy pero uulitin naman daw, eh. Yun nga lang, iba na ang cast and all. Okay lang naman sakin yun, lalung-lalo na kay Ruke na halatang wala namang kainte-interest sa play na yun. Oo nga pala, one month na rin kami ni Ruke ngayon. Parang kahapon lang nangyari ang lahat, noh? Bilis nga, eh! Kumusta yung relationship namin? Ayun, masaya naman kahit pa nga lagi kaming nag-aaway sa mga simpleng bagay, nagkakabati naman agad. Away-bata lang naman, eh. Siya kasi, eh! Sumpungin masyado. Ang yabang-yabang pa. Naku! Kahit pa nga inaasahan ko nang kakalat iyon sa buong campus, nahihiya pa rin ako lalo na kapag inaasar at tinutukso kami ni Ruke. Lagi pa naman kaming magkasama nun. Pati nga mga teacher namin, imbes na sawayin kami, aba, nakikisali pa at halatang kilig na kilig sa loveteam namin ni Ruke! Tsktsktsk. First monthsary namin ngayon at late na ako sa usapan! Kaya eto, sirang-sira na poise ko. Kung bakit ba naman kasi hindi nalang ako nagpasundo sa kanya, eh! Sabagay, mahirap na baka buksan agad niya gift ko. Wala pa namang pasensiya yun!


"You're late." Masungit na sabi sakin ng bruho. Oo, sa wakas, nakarating na rin ako!

"Sorry, ha? Inayos ko pa kasi 'to, eh." Sabay turo sa dinadala kong malaking square na naka-cover sa gift wrapper. Mukhang nun lang din niya napansin na nabibigatan na ako kaya tumayo agad siya para kunin sakin yung regalo ko para sa kanya. "Happy monthsary!"  

"What's this?" Excited na sinira agad niya ang gift wrapper. "Oh, a painting? Hey! It's me! How did you do this?" Namamanghang tanong niya sakin habang inoobserbahan pa rin ang painting na ginawa ko noon pa.

"I have a picture of you. See?" Ipinakita ko sa kanya ang picture niya sa CP ko noong una pa lamang kaming nagkakilala. Yung natutulog siya. Remember?  "I'm glad I decided to make that. You seldom sleep now, you know. Hindi ka na si Sleeping Prince." Bigla na lamang siyang napangiti sa sinabi ko at nakakalokong tumingin sakin.

"Siyempre. Ginising mo kasi ang natutulog kong puso." Sabay hawak sa kamay ko at tinapat niya sa dibdib niya.

"Ang corny mo, ha!" Natatawa kong sabi sa kanya.


"Here. Catch it!"

Nagulat na lamang ako ng bigla niyang ipinasa sakin ang isang bola na may ribbon. "Ano ka ba naman, Ruke?! Bakit ka nagdala ng bola dito? This is not a basketball court in case you had forgotten.” Mabuti na lamang nasalo ko iyon. Ang lakas pa naman ng pagkakapasa niya. At isa pa, pwede naman niyang ibigay ng maayos. Bakit kelangan pa niyang ipasa talaga, di ba?

"What are you saying? That's my gift for you. Happy monthsary!"

"Bola? Aanhin ko na naman 'to? Hindi naman ako marunong magbasketball?" Napangiti na naman siya. May sayad na talaga ang isang 'to.

"Kung titingnan mo, talagang bola lang yan. Pero yung ordinaryong bolang yan, hindi lang yan isang simpleng bagay sa ating dalawa. That's our symbol. Sayo ko lang ipapasa ang puso ko, at ikaw lang ang pwedeng sumalo nun. Get it?" Okay, I totally got it but still speechless. Ayan tuloy, naiilang akong tumingin sa kanya kaya ibinaling ko agad sa iba ang paningin ko. Nang mapatingin ako sa mesa namin, nakita ko ang school paper namin last month issue. Yung siya ang cover dahil sa GREAT DREAM niya.

"Hanggang dito ba naman nakakaabot pa 'to?" Nasa food court pala kami ngayon. Yung pinuntahan namin dati malapit sa playground. Dito kami unang kumaing tatlo nina Seth ( na naglalaro ngayon). Yes, memmorable para sa amin ang kainan na 'to. This is where our happy family started.

"If you haven't decided to come back here in the Philippines, you had definitely been a NBA Superstar now. After all, this has been a great dream since you were still young, right?"

"Listen..." Itinayo niya ako at adun na naman yung tingin niya. Yun yung tingin na yun ang hindi ko makakalimutan dahil kapag ganun siya, may sasabihin siyang tatatak na naman sa puso at isipan ko.

"You still don't understand, do you? You're right. To be the number one basketball player in the whole world is my great dream. But.... you are my greatest dream."

OH MY GOD.


Masisisi niyo ba ako kung yan lang ang naging reaksyon ko? Ang sweet talaga niya, syeeet! Kaya malapit na tuloy akong mapatalon sa gulat ng bigla na lamang akong makarinig ng sigaw at kalabog mula sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko sina Mickey, Dennis at Dylan. Lalapitan ko na sana sila ng bigla akong pigilan ni Ruke.

"No. Stay here." Napanganga ako ng bigla na lamang sugurin ni Dennis si Dylan ng suntok.

"Dylan, you idiot! Bastard!"

"Dennis! Stop it!" Parang walang narinig si Dennis. Patuloy pa rin siya. Pagkatapos nun, hinawakan niya ang kamay ni Mickey na umiiyak at umalis na sila. Si Dylan naman, nakatingin lang sa kanila tapos umalis na rin kaagad. Napatingin ako kay Ruke. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko, may alam siya sa mga nangyayari. At na-confirm ko yun ng huminga siya ng malalim.

"I think it's about time to tell you the truth." Huh?

 

 






























































 

 

What in the world is happening?!



+THE END+

CLICK HERE

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com