*9: RUKE’S WEIRDNESS*
Humanga talaga ako sa sinabi ni Ruke. Ang galing niya! Galing lang dahil dinagdagan pa niya ng ka-epalan niya sa pinaka-last sentence.
“Whew! That was the longest lines I’ve ever heard from Captain!”
Namamanghang sabi ng isa sa mga ka-teammate ni Ruke na ang hula ay Tarri ang pangalan. Dalawa pa lang kasi ang kilalang-kilala ko sa Thimbleweed players. First one, Ruke, kasi nga crush ko siya DATI at super duper sikat siya inside and out of the campus. Second one, Muggy, he is the boyfriend of George the other basketball manager. Kaya ayun, nalilito pa ako sa mga names nila dahil wala nang nagko-connect para makilala ko talaga sila.
Ngayon ko lang napansin na nakalapit na pala samin ni Ahia ang mga players. Para kaming nag-oopen forum doon. Nakapalibot silang lahat sakin.
“Believe it or not, Harrow!”
Pangungumbinsi ni Muggy sakin. Para namang di ako naniniwala. Kahit nga ako nagtataka sa mga ikinikilos ni Ruke. Ang daldal kasi niya masyado for the past weeks.
“Oo nga!”
Duet pa sina Saggy at Mitts.
“I agree, too! I agree, too!”
“Me, too! Me, too!”
Mula sa kung saan na sabi ng dalawang makukulit na boses. Sino pa nga ba sa tingin niyo? Yeah. They came from Dennis and Eiji. Ano naman kaya ang ginagawa ng dalawang ‘to dito?
Naalala ko tuloy ang nangyari sa canteen. Yung pinaupo ako ni Eiji sa table nila. Grabe! Di ko ma-take ang mga pinagtatanong ng dalawa! Lahat nalang ata ng pwedeng itanong, kahit gaano pa ka-nonsense yun, tinanong nila sakin. Gaya na lamang ng ‘May daga sa bahay niyo?’ o di kaya, ‘Sa bahay ng isa naming maid, ang dami-daming langgam! Meron din ba kayo sa bahay ninyo?’ Ay, talaga naman! Kung ako siguro ang nanay ng dalawa, maaga akong mamamatay sa mga pinag-iisip ng mga ito! Puro kalokohan! Whew! Buti nalang at hindi ako ang naging nanay nila. Hindi kakayanin ng powers ko!
“What the hell are you doing here? Both of you?”
Hehe. Mukhang mainit na naman ulo ni Ahia, ah. Hindi pa rin pala nagbabago si Ahia. Ayaw pa rin niya ng makukulit.
“Jiaolian naman. Don’t be like that.”
Nakangusong sabi ni Dennis. Ang cute-cute talaga ng dalawang makukulit na ‘to!
“Um. Um.”
Tatango-tangong sang-ayon ni Eiji kay Dennis.
“Teka. Ano nga pala pinag-uusapan niyo kanina?”
Tingnan niyo ang makukulit na yan. May-pa-agree-agree pa silang nalalaman kanina, di naman pala alam kung ano ang pinag-uusapan talaga. Hayyy… Kailan kaya mag-seseryoso ang mga ugok na ‘to?
“The two of you agreed but you didn’t really know what we were talking about earlier? How troublesome.”
Napahawak pa si Ahia sa noo niya. Tumawa lang sina K1 at K2. Parang walang pakialam sa nangyayari.
“Seriously, what happened here, guys?”
Seryoso talaga ang mukha ni Eiji. Hindi bagay. Ahehe.
“Yeah. What gotten into you, guys? You seemed… ah… shocked or something?”
Curiosity was all over Dennis’s face.
“Captain… He’s becoming so weird lately.”
“And it all started when Harrow became his girlfriend!”
Napatingin ako kina Muggy at Mitts. Napaatras naman sila.
“Hala… Ikaw pala ang salarin, Harrow.”
May naninisi bang napakaganda ng ngiti? Sina K1 at K2 (remember the code names?), mukhang masayang-masaya pa sa nalaman nila. Todo-ngiti ang dalawa. Halatang tuwang-tuwa sa mga nangyayari.
“Oo nga, Harrow… What have you done? What did you do to our best friend?”
Paninisi naman ni Eiji at inakbayan si Dennis.
“Bad ka pala. Harrow.”
Pakikisali ng mga ka-teammates ni Ruke. Pati ba naman sila?!
“Akala pa naman namin, mabait ka.”
Ayon na nga ang nangyari. Pinagsisisi nila ako dun. Pinagkakaisahan. Pinagtritripan! Ano ba namang buhay ‘to? Bakit ba ako ang may kasalanan sa ka-weirdo-han ni Ruke? Matagal na namang may topak ang isang yun, eh. At ang hindi ko talaga maintindihan, masyadong big deal sa kanila ang mga nangyayari.
“That’s enough, guys.”
Awat ni Ahia. Hindi ko alam kung anong reason. Naiingayan ba siya o naaawa na siya sakin. Either of the two, thankful pa rin ako sa kanya.
“Lagot ka, Harrow… Pagbabayaran mo ang lahat…”
Aba! May umepal pa talaga! Ang kapal ng mukha mo, tsong! Sabi nang tumi———– teka nga… Huwag niyong sabihing si…
“Ruke?!”
“Yes. Your one and only.”
Then, ngumisi siya.
***
“Whitwhew!”
Hanep! Nag-usap-usap kaya ang mga ito sa pagsipol? Sabay-sabay kasi eh.
“Jerk…”
Pabulong na sabi ko kaya lang napalakas ata.
“Ouch. That kinda hurt, you know.”
Sarcastic na sabi ni Ruke. Eiji chuckled.
“Madaya ka, Ruke. Sabi ko ako ang manliligaw kay Harrow tapos malalaman ko nalang, girlfriend mo na pala siya. How the heck did that happen?! Ang daya mo!”
Sinimangutan lang ni Ruke si Eiji tapos umupo na sa bench. Ako naman ang nilapitan niya.
“Harrow…”
Okay. Drama na ‘to. Di ko alam kung maniniwala ako or what.
“Pinaasa mo lang ako!”
Tumalikod siya sakin.
“Seryoso ba yan?”
Pabulong na tanong ko kay Dennis na nakatingin din kay Eiji. He just shrugged. Lumingon naman si Eiji na… Umiiyak! Hala… Ano na bang gagawin ko? Lalapit na sana ako ng unahan ako ni Ruke.
“Will you stop that Eiji? You’re pissing me off! Akin na nga yan!”
Nag-agawan ang dalawa. Ewan ko kung ano ba yon.
“No! Akin naman yan eh!”
Sigaw ni Eiji kay Ruke. At nag-umpisa na giyera sa pagitan ng dalawa.
“Panira ka talaga kahit kelan, Ruke!”
Inis na sabi ni Eiji nang sa wakas ay makuha na ni Ruke ang… Okay fine. Talking about seriousness. Eye Mo. Initsa ito ni Ruke sakin.
“Masyado kang uto-uto.”
Inismian pa niya ako bago humarap ulit kay Eiji para magpatuloy sa pakikipag-away.
“Ang yabang talaga!”
Inis na sabi ko tapos narinig kong tumawa si Dennis.
“Naniwala ka sa drama ni Eiji?”
Pang-iinis niya. Inismiran ko si Dennis. Natahimik si naman siya. Away ng away pa rin ang dalawa dun. Napatingin lang ulit ako sa kanila ng marinig ko ang pangalan ko.
“Kung ako sayo, wag mo ng ituloy ang balak mong panliligaw kay Harrow.”
“And why is that?”
“Wala ka namang pag-asa sa kanya eh!”
Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Ruke.
“Pano mo naman nasabi yun?”
Parang napikon naman si Eiji.
“Ako kasi ang mahal niya.”
Mayabang na sabi ni Ruke.
“Hoy! Ano ba ang pinagsasabi mo diyan?!”
Pakikisali ko sa kasamaang-palad, di man lang ako pinansin.
“I never thought you could be a liar. Ni hindi mo nga siya totoong girlfriend, eh!”
Pailing-iling na sabi ni Eiji.
Sumimangot si Ruke. “I’m not a liar.”
“Eh, bakit mo sinasabing ikaw ang mahal ni Harrow? Prove it.”
“Sabi niya sakin, eh!”
Sigaw na ni Ruke.



bravenet.com