*8: RU-KA-WA*
“Ang laki talaga ng topak ng isang yun!”
Naku po! Malala na ata ako. Dahil sa lalaking iyon, napapansin ko, padalas ng padalas ang pagkausap ko sa sarili ko.
Tiningnan ko ang suot ko. Bakit ba siya nakikialam sa tee-shit ko? Pangit daw? Ang sama-sama talaga ng ugali ng mayabang na yun! Ang cute-cute kaya ng suot ko ngayon. White ang kulay ng tee-shirt ko tapos ang may picture ni Rukawa Kaede. Favorite ko kasi siya. I’m one of his fans. Teka nga! Pangit daw eh magkasing-ugali lang sila pero mas masama ang ugali niya! Mas mayabang, mas suplado, mas masungit, mas antipatiko, mas… ah basta! Lahat ng masasamang ugali nasa kanya na!
Napabuntung-hininga ako.
“Baliw na ata talaga ako.”
“Matagal na. Ngayon mo lang ba nalaman?”
“Ay! Anak ng tipaklong!’’
Napasigaw talaga ako dun dahil sa gulat.
“Ano bang problema mo?! Bat ka ba nanggugulat diyan?!”
Naaasar na talaga ako. Sa lahat pa naman ng ayaw ko, yung ginugulat ako.
“Kanina pa kaya ako dito.”
Nakasimangot na pangangatwiran niya.
“Bakit di ka man lang nagsasalita diyan?”
Inis pa rin talaga ako sa kanya. Tiningnan niya ako na parang nababaliw na.
“It’s not my habit to talk to myself. I’m not like… you.”
Pinaikot-ikot pa niya ang index finger niya sa tenga niya. Nilapitan ko siya at hinampas-hampas gamit ang mga kamay ko pero nakailag kaagad siya.
“Nakakapikon ka na talaga, alam mo yun?!”
“Ngayon alam ko na kasi sinabi mo na sakin eh.”
Napaka-pilosopo talaga! Urgh!
“Alam mo, kaugali mo nga si Rukawa pero mas malala ka! Mas masama ang ugali mo! Mas mayabang ka!”
Inulit-ulit ko sa kanya ng mga iniisip ko kanina. Napakunot-noo naman siya sakin. Siguro, hindi niya alam ang tinutukoy ko. Sa itsura ba naman niyan, hindi yan manonood ng Slam Dunk.
Pinagtitinginan na nga kami doon ng mga ka-teammates niya na kalalabas palang mula sa dressing room. Tapos na kasi ang five-minute rest time nila. Magpapatuloy na ata sila sa practice game. Si Ahia naman napansin na nakatingin ang mga alaga niya sa direction namin ni Ruke. Na-curious ata kaya tumingin din siya. Nagulat siya nang makitang nag-aaway kami ni Ruke.
“Basta! Lahat ng ‘mas’, nasa sayo na!”
Humingal na ako ng matapos akong magsalita. Parang nag-isip naman siya. Tapos maya-maya lang, nginisihan ako.
“At bakit ka naman nakanigisi diyan na parang aso?!”
“Di ba sabi mo, lahat ng ‘mas’ nasa akin na?”
Mas lalo pa siyang ngumisi.
“Oo! Ano naman ngayon?!”
“Ibig sabihin, mas gwapo ako kaysa kay Ruwaka na sinasabi mo?”
Tumaas-baba ang kilay niya tapos tinapik-tapik ang balikat ko.
“Hey… Thanks. You flattered me too much.”
Ngumisi muna siya tapos pumunta na sa gitna ng court.
***
Ano daw sabi niya? Paki-ulit nga. Mamamatay na ako sa kayabangan ng taong baliw na yun! Mas gwapo daw siya kay Ruwaka? Huh? Ruwaka?
“It’s RU-KA-WA not RU-WA-KA, for your information!”
Pangugulo ko sa practice game nila. He eyed me as if saying: ‘So?’ then took another shot again. Tinaasan ko nalang siya ng kilay.
“LQ?”
Tanong ni Ahia na mukhang naa-amuse sa amin ni Ruke.
“Ahia!”
Sabay tingin ng masama sa kanya.
“Hey-hey-hey!”
Sabi nito na nakataas pa ang dalawang kamay.
“Take it easy, kid. Di ba boyfriend mo siya?”
Pabulong na sabi ni Ahia.
“Yang antipatiko na yan?!”
Tinuro ko pa si Ruke na seryosong-seryoso na nagpra-practice. Hindi mo aakalain na siya yung makulit na kausap ko kanina. Mukhang masungit na naman kasi siyang naglalaro eh.
“No way!”
Iiling-iling na sagot ko. Parang nagtaka naman si Ahia sa sinabi ko.
“Pero… Akala ko ba kayo na? Balita sa buong campus eh.”
“Well, that was a huge mistake.”
Kwenento ko ang totoo kung bakit nagkaroon ng ganung chismis.
“So, yun. Ewan ko nga kung bakit niya ginawa yun eh.”
“Ahh.. Ganun pala talaga ang nangyari… Oh well, you should at least thank him for saving you.”
“Like I would do that. Hindi ko naman sinabi sa kanyang iligtas niya ako eh. I can handle myself.”
Mayabang na sabi ko kay Ahia.
“You don’t understand, Harrow. If you were here in this school all your life, you could be a witness with what those Jologs could do.”
“Why? What did they do?”
Curious na tanong ko.
“Basta…”
Di ko nalang siya pinilit nasabihin sakin dahil mukhang hindi ko naman siya mapapaamin. Mas na-iintriga tuloy ako.
“Teka nga… Why aren’t you happy? Di ba mahal mo yun noon pa? Naalala ko, pinipilit mo nga ako na hingan siya ng autograph, eh.”
Pang-aasar ni Ahia na nag-work naman dahil naaasar na ako ngayon.
“Noon yun, okay? Past is past.”
Namumulang sabi ko. Totoo naman kasi ang sinabi ni Ahia. Talagang avid fan ako ni Ruke noon. NOON. Dati pa.
“Maybe past is really past but you need to take the past as a part of your life. You need to accept the past in order to live the present and the future. Dahil kung hindi, mababaon ka sayong nakaraan at hindi ka makaka-move on kahit kelan. Kaya hindi totoo na kailangan kalimutan ang nakaraan kahit gaano pa kasakit yun kasi ang nakaraan mo ang dahilan kung bakit iba ka na ngayon. It would always be the best lesson in your life. And your past was the reason why you became a better person. Just accept the past and learn from it. Besides, once you loved a person, you never stopped loving him. It may be more or less but you will never ever stop. So, it only means, mahal mo pa rin ako.”
Napatunganga lang kami ni Ahia doon sa sinabi ni Ruke habang siya dumeritso na sa locker room.


bravenet.com