untitled
viviti

*6: Arguing with him*

 

 

Nagpahila lang ako kay Ruke hanggang sa makarating kami sa classroom ko. Pabalibag pa niyang isinara yung pinto. Binitawan niya ang kamay ko tapos umupo dun sa isa sa mga upuan. Alam ko na kaagad ang kanyang gagawin kaya bago pa man mangyari yun, inunahan ko na siya.

 

“Hoy! Wag mo nga akong tulugan!”

 

Ewan ko ba kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko para kausapin siya eh parang bad trip na nga. At tsaka, hindi pa talaga kami nagkausap kahit kalian. Ngayon palang kung tutuusin. Kung pag-uusap nga talaga ang mangyayari samin.

 

“Eh sa inaantok ako eh!  Ano ba kailangan mo?!” Naiiritang tanong nito sakin.

 

“Ba’t mo ako pinagtanggol kanina?”

 

Out of nowhere na tanong ko sa tanong niya. Ngek! Ang labo naman ata nun.  

 

“Ano ba ang gusto mong gawin ko kanina? Awayin rin kita? Sana sinabi mo agad para din na ako nag-aksaya ng panahon.”

 

Sumimangot siya. Eh, ano pa nga ba ang ginagawa niya sakin ngayon? Inaaway lang naman!

 

“Kala mo naman kung sinong maganda. Kala mo naman, may gusto ako sa kanya. Hindi ako pumapatol sa unano, noh. May taste naman ako kahit papano.”

 

Bubulung-bulong pa ito na parang bata, naririnig ko naman. Umismid pa talaga siya. Akala ko ba tahimik si Ruke? Akala ko ba nagsasalita lang siya pag kailangan talaga? Bakit ang daldal niya ata ngayon? Akala ko rin ba seryoso siyang tao? Seryoso bang matatawag yan, eh mas isip-bata pa ata ang lalaking ‘to kaysa kina Eiji at Dennis, eh. Kung totoo man ang kasabihan na maraming namamatay sa maling akala, kanina pa siguro ako nakahalandusay sa lupa. Ano ba naman nakain nitong unggoy na ‘to? At ano bang masama sa tanong ko? Curious lang naman ako kung bakit niya ko pinagtanggol tapos nagalit na siya agad. Nang-insulto pa! Bakit? Kasalanan ko ba kung hindi ako biniyayaan ng height? Kasalanan ko ba kung 5’3” lang ang inabot ko? Sorry ha?! Nakuuu… Kung hindi lang kita mahal na unggoy ka… Teka! Erase-erase-erase! Hindi na talaga kita mahal ngayon! Hmmmpp!

 

“At ano naman ang binubulung-bulong mo diyan? Pwes, para sa inyong kaalaman, Sleeping Prince, narinig kita!”

 

Tinuru-turo ko pa siya.

 

“Narinig mo pala, bat nagtanong ka pa?”

 

Nasupalpal ako dun, ah! Oo nga naman! Ba’t nga ba nagtanong pa ako eh narinig ko naman? Ang tanga-tanga ko talaga!

 

“Palibhasa, tatanga-tanga ka.”

 

Aba’t… Nakakarami na ang isang ‘to, ah!

 

“Why did you tell them that I’m your girlfriend? May taste din ako kahit papano. Akala mo naman, papatulan kita. Akala mo naman kung sinong gwapo. Hindi ako pumapatol sa higante, noh!”

 

Pang-iinis ko sa kanya. Bwahahahaha! Ginaya ko pa talaga mga lines niya. Tingnan lang natin kung sinong magtatagal.

 

“Ano bang gusto mong sabihin ko sa kanila? That you are my girl enemy? Besides, gwapo naman talaga ako. Nakita mo naman siguro yung umaway sayo kanina? Lahat yun, may gusto sakin. Yun palang yun, kulang pa yun. Pano pa kaya sa labas ng campus? And you know what they say, people who have no originality, are leading to insanity.”

 

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

 

“I think… you are the best example! I’m glad that I’ve met one. May taste pala, ha?”

 

Nginisihan niya ako.

 

Suko na talaga ako sa lalaking ito! Ang galing mangatwiran! Grabe! Inismiran ulit niya ako bago sinabing,

 

“Diyan ka na nga!”

 

Umalis na nga siya sa classroom ko. Laki talaga ng topak ng isang yun.

 

 

 

 

 

*7: Tee-shirt*

 

Wala akong pasok ngayon pero kailangan ko pa ring gumising ng maaga dahil may practice ang basketball team namin. Malapit na kasi ang regional tournament at kasali dun ang Thimbleweed. Andun kasi ang captain nila na super yabang! Hah! Magaling naman talaga siya kaya nga crush na crush ko siya… NOON! Naalala ko naman bigla yung nangyari sa amin nung isang araw. Ano nga kaya ang nangyari sa kanya at ang daldal-daldal niya nun?

 

“At inaway-away pa ko!”

 

Parang baliw na kausap ko sa sarili habang hinahanda ang mga gamit ko na iiwan ko sa gym.

 

One week na din pala ang nakakalipas ng mangyari and insedenteng yun. One week na din akong walang balita kay Ruke. Naging busy kasi ako sa art class ko kaya di ako nakakaatend ng practice. Buti nga at hindi na busy si George, isa pang manager ng Thimbleweed. Siya lang muna ang gumawa ng mga trabaho ko habang absent ako. Naiintindihan naman niya at ni Ahia. Mahirap talaga kapag graduating student ka.

 

Maalala ko nga pala, ang bilis-bilis-bilis-bilis kumalat ng chismis sa SCUS! After one second, alam na ng buong campus na kami na “DAW” ni Ruke! Nagulat nga ako. Ang mas matindi, yung mga teachers na nakakasalubong ko, kinu-congratulate ako. Yung Kruger’s Army naman, though they did not try to get into my nerves again, I could sense that they still hated me. Yung mga lalaki naman, ilag na sakin. Halos wala na ngang lumalapit eh! Malay ko kung bakit, basta ang alam ko, nakakainis naaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

 

Nang matapos na akong mag-ayos ng gamit, naligo na ako at nagbihis. Patakbong bumaba ako. Pumunta ako sa kitchen room para kunin yung tubig na baon ko. Nakakauhaw kayang maglinis ng gym! Lumabas na ako at hinanap ang family driver namin.

 

“Mang Bert, pahatid naman sa school.”

 

Nakangiting sabi ko sa kanya.

 

“Oo ba! Malakas ka sakin eh!”

 

Tatawa-tawang sabi niya niya.

 

“Kumusta na ba ang Ahia mo? Hindi na nadadalaw rito, eh.”

 

“Mabuti naman po siya. Busy po kasi. Malapit na ang regional tournament kaya nagfo-focus sila sa practice.”

 

“Ganoon ba? O, siya. Ikumusta mo nalang ako ha?”

 

“Opo, Manong.”

 

Matagal na naming family driver si Mang Bert. Mabait siya at talagang napakasipag. Parang anak na nga ang turing niya sa amin ni Ahia eh. Namatay kasi ang mag-iina niya dahil sa landslide sa kanilang lugar. Nakita kong nasa tapat na kami ng school. Bumaba na ako.

 

“Salamat po sa paghahatid, Mang Bert. Alis na po ako.”

 

Paalam ko sa kanya.

 

“Ingat ka, ha?”

 

“Opo, manong.”

 

Tumakbo na ako papuntang gym. Late na kasi ako.

 

“Okay. Five minutes rest.”

 

Sabi ni Ahia sa mga players pagka-pasok ko.

 

“Ahia…”

 

Hinihingal na sabi ko.

 

“Sorry po na-late ako.”

 

Hinawakan ako sa ulo ni Ahia at ginulo ang buhok.

 

“Ayos lang.”

 

Ngumiti siya. Ganyan talaga kaming magkapatid. Close din kami. Mabait kasi siyang kapatid at responsible.

 

“Kinukumusta ka nga pala ni Mang Bert.”

 

Naalala ko ang pinag-usapan namin kanina sa kotse.

 

“Ganun ba? Pakisabi dadalaw nalang ako next week. Busy pa kasi ako nagyon eh. Regional Tournament na kasi. Pasensya nalang sabihin mo.”

 

“Yun din ang sabi ko sa kanya.”

 

Tumango lang si Ahia at pumunta na sa dressing room ng mga players. Nandun na rin kasi lahat. Sinundan ko lang siya ng tingin. Alam kong namimiss na rin niya ang bahay namin pati na ang mga taong nakatira doon. Napansin kong may taong nakatingin sakin kaya lumingon ako sa likod ko.

 

“Anong tinitingin-tingin mo diyan?”

 

Pagtataray ko kay Ruke.

 

“Wala.”

 

Pailing-iling na sabi nito at lumakad na papuntang Dressing room. Huminto siya sandali tapos tumingin ulit sakin.

 

“Ang pangit kasi ng tee-shirt mo!”

 

Nakaismid na sabi niya. Tapos nun, tumakbo na siya ng mabilis.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com