untitled
viviti

*5: MY BOYFRIEND?*

 

“Don’t worry about him, Harrow. Talagang ganun lang yun. Ayaw kasi nun ng kinukulit lalo na at natutulog siya.”

 

“Pero, hindi naman maiiwasan yun. Lalo na at nandito ang dalawang yan. “

 

Tumango nalang ako sa sinabi nina Dylan at Rei. Ayun, nagtuloy lang ang pagtatanong nila sakin habang sina Eiji at Dennis ay patuloy na nangungulit.

 

Sa totoo lang, hindi naman nakapagtataka kung bakit sikat na sikat ang grupo nila sa school namin. Sila kasi ang epitome ng mga lalaking hinihiling ng halos lahat ng mga babae sa mundo. Gwapo, mayaman, sikat, iginagalang, matalino, makapangyaihan at talented pa. Walo silang lahat sa grupo.

 

Dalawa ang makukulit, malalambing, madadaldal at mahaharot, sina Eiji at Dennis. Dalawa rin namanang mababait at palangiti, sina Fuji at Ayame. Soft-spoken kasi at friendly. Ang natitirang apat, Dylan, Rei, Tori at Ruke, masasabing pinakasuplado sa grupo. Tahimik lang sila, tipid na tipid magsalita.

 

Si Dylan, parang laging nakasimangot pero mabait naman siya sakin. Si Rei, kung titigan mo ang mga mata niya, malulungkot ang mga ito. Halatang may problema siya, pero hindi ko naman alam kung ano yun. Malalim lagi ang iniisip. Si Tori, mahilig magbasa ng libro. Paminsan-minsan nagtatanong tapos magbabasa na naman. Si Ruke naman, ang masasabi kong mayabang at masungit sa kanila. Kapag nagsasalita kasi, grabe. Nanunupla agad. Gaya nalang ng ginawa niya kay Dylan kanina. Kung ibang tao siguro yun, nagka-world war III na. Ang mga hirit kasi, nakakainis na nakakatuwa naman. Talagang mararamdaman mo na minamaliit ka at parang tatanga-tanga ka. Ayyy… ewan. Napansin ko nalang na unti-unti nang nagsisi-alisan ang mga tao sa cafeteria.

 

“Let’s go. It’s time already.”

 

Tumayo na si Tori. Sumunod na din kami.

 

“San room ka ba, Harrow? Hatid ka na namin.”

 

Pati ba naman pabalik sa classroom, gusto pa akong kulititin ni Dennis?

 

“Huwag na. Okay lang ako.”

 

“But we insist.”

 

Sumang-ayon ang lahat kay Dylan. Sabi ko nga, magpapahatid na ako.

 

“Saang room ka nga pala, Harrow?”

 

Naalalang tanong ni K1 kanina. Siguro nagtataka kayo kung sino si K1. Well, si K1 o Kulit 1 ay si Eiji. Si Dennis naman si K2 o Kulit 2. O, di ba? Bagay na bagay?

 

“Fine Arts Pilot Section.”

 

Sabi ko sa kanila. Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko si Eiji na napasimangot. Itatanong ko sana kung bakit ng bigla nalang may tumawag sa kanya.

 

“Ahia Eiji!”

 

May lumapit saming 2nd year college student yata siya dahil sa uniform.

 

“Hello Ryo! Bakit?”

 

Tanong ni Eiji kay Ryo.

 

“Ahia Eiji, pinapatawag na kayo ni Coach. Kanina pa nga kayo hinihintay. Mukhang galit na nga, eh.”

 

Hinihingal pang sabi ni Ryo. Halatang tumakbo ito para mahabol kami.

 

“Eiji…”

 

Tiningnan naman ni Eiji ang kambal si Fuji na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.

 

“Fu-fuji… Hehe. Nakalimutan ko. Sorry talaga.”

 

Napapangiwing sabi ni Eiji. Bumuntong-hininga naman si Fuji.

 

“Let’s go.”

 

Tapos naglakad na si Fuji kasama si Ryo.

 

“Una na kami ni Fuji, Harrow. Pasenya ka na tala—-“

 

“Eiji, isa.”

 

Nakakatakot na talaga ang mukha ni Fuji. Totoo nga ang sabi nila, nakakatakot magalit ang mababait.

 

“Coming! Bye, Harrow!”

 

Tapos tumakbo na siya papalapit kina Fuji at Ryo.

 

“Nakakatakot talagang magalit si Fuji.”

 

Pansin ko nga rin. Tumahimik kasi si Eiji habang nakasunod kay Fuji. Hindi nga siya nakikipag-usap kay Ryo, eh. Nang lumiko na sila, saka kami nagpatuloy malakad ulit para ihatid ako. Para namang maliligaw ako, eh noh?

 

“Maalala ko, saan ka pala nag-aaral dati, Harrow?”

 

Biglang tanong ni K2 sakin. Hehe. Seneryoso talaga ang tawag ko sa kanila, noh?

 

“America. Lumipat kasi ako doon nung mag-high school ako.”

 

“Oh. So you studied here in the Philippines during your elementary years?”

 

“Ahmm… Yeah.”

 

“Pero bakit di ka naming nakikita noon dito sa school.”

 

Nakakunot-noong tanong na naman ni Dennis. Parang binabalikan ang nakaraan.

 

“Because I didn’t study here in SCUS. MPS ang alma matter ko.”

 

“That explains why.”

 

Mula sa pagbabasang sabi ni Tori. Kanina ko pa talaga napapansin na pinagchihismisan na kami sa corridor. Hindi lang pala sikat ang mga kasama ko ngayon, eh, kundi sikat na sikat na sikat!

 

“Sino ba yang babaeng yan?”

 

Narinig naming sabi ng babae sa mga kasama niya. Namumukhaan ko sila. Sila ang Kruger’s Army. Pero bakit sila galit eh hindi naman namin kasama si Ruke ngayon.

 

“Feeling naman niya ang ganda-ganda niya!”

Tinarayan pa ako! Pigilan niyo ako! Masasabunutan ko ang mga ito!

 

“Oo nga! Akala mo naman kung sino!”

 

Umismid namang sang-ayon nung isa.

 

“Why the hell she is with the Thew?”

 

Thew? Ang group kaya nina Ruke ang tinutukoy ng mga chismosang ‘to? Malamang! Sila lang naman ang kasama ko ngayon. Thew pala ang pangalan ng grupo nila. Ang cute naman.

 

“Ang kapal talaga ng pagmumukha!”

 

“Baguhan palang, lumalandi na.”

 

“Scheming bitches.”

 

Inis na sabi ni Dennis. Halatang napipikon na ito.

 

“With what you just said, Dennis, I could really agree with you.”

 

Nagulat ako, I mean kami, nang marinig namin yung nagsalita. Nakita namin si Ruke na nakasandal sa labas ng classroom nila. Naka-cross arms pa siya at masamang tiningnan ang mga babae na umaaway sakin.

 

Pero ang mas nakagulat sa amin, ay nung lumapit si Ruke sa kanyang mga cheerers. Nagtilian ba naman ang mga ito sabay labas ng mga make-up kits nila. Inayos-ayos ang mga buhok at kung ano pang mga kaartehan. Nyay!

 

“Hi, Ruke!”

 

Pa-cute ng pinaka-leader ng mga Jolog sa kanya.

 

“You listen to me…”

 

Dinuro pa ni Ruke yung leader ng mga Jologs tapos tumingin din sa mga kasama nung leader.

 

“Stop messing up with my girlfriend or you have another coming.”

 

“Boyfriend mo/ko si Ruke?!    

 

Sabay-sabay na tanong namin. Sila sakin habang ako, sa sarili ko. Pano naman kaya nangyari yun eh hindi pa nga siya nanliligaw sakin eh.

 

“Pinatulan mo siya?”

 

Narinig kong tanong ng leader.

 

“At sino naman ang gusto mong patulan ko? Ikaw?”

 

 Tumawa pa siya ng nakakainsulto.

 

“You got to be shitting me?! Sa pangit mong yan? Hah!”

 

Napanganga na talaga kaming lahat dun. Nakita kong umiiyak na ang leader ng grupo. Sino kayang hindi maiiyak sa pang-iinsultong yun? Lumapit samin si Ruke tapos hinawakan ang kamay ko.

 

“Una na kami ng girlfriend ko. Ako na ang maghahatid sa kanya.”

 

No reaction sa mga kaibigan niya. Nakatingin lang sila samin. Parang mga bangag.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Let’s go.” 

 

 

 

 

 

 

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com