untitled
viviti

*4: Sleeping prince *

 

 

“Yap! She was the one I was talking about yesterday! Guys, meet Harrow Kaneko, the little sister of Jiaolian.”

 

Nagmamalaking sabi ni Eiji sa mga kaibigan niya. Bilib na bilib sa sarili.

 

Oohh.. So that’s why?  I just overreacted earlier. Akala ko naman kasi kung ano na. Kasi naman eh! Kung makapag-react. Haaayyyyy. Ewan.

 

“I didn’t know that Jiaolian has a sibling.”

 

Hindi pa rin makapaniwalang bulalas ni Tori.

 

“Yeah. So do I. He never told us!”

 

Gulat na gulat namang reaksyon ni Fuji.

 

“That was something really new!”

 

Manghang-mangha naman si Dennis.

 

“I didn’t believe Eiji yesterday ng nagkwekwento siya sa condo ko. Barbero kasi yan, eh.”

 

Naalala ko naman ang sabi ni Eiji nung nasa gym kami. Sa tingin ko doon sila naghang-out kahapon. Great! Pinag-chichismisan pala ako ng mga ‘to sa condo ni Dylan.

 

“Ganyan naman ang mga yan eh. Lagi akong inaaway. Hindi sila naniniwala sakin pag may sasabihin ako.”

 

Nagtatampong sabi ni Eiji kaya ayun, binatukan ito ni Rei.

 

“Eh pano kami maniniwala sayo, napaka-barbero mo. Kahit anong kwento nalang, sinasabi basta magkaroon lang ng topic.”

 

“Oo nga. Puro kalokohan ang nasa isip mo.”

 

“Uy! Nagsalita ang hindi!”

 

“Hindi naman, ah! Bakit? Hindi ba totoo ang sinabi ko sa inyo kahapon?”

 

Parang naiiyak na si Eiji nun kaya pinagtanggol ko siya. Naawa na kasi ako. Pinagkaka-isahan na.

 

“Hey. Stop it guys. Naiiyak na si Eiji, o. Inaaway niyo na siya.”

 

Nagulat nalang ako ng niyakap ako ni Eiji.

 

“Tama, tama. Bad kayong lahat. Simula ngayon, si Harrow na best friend ko. Ikaw na ha, Harrow?”

 

Nagpa-cute pa ang loko.

 

“Sira! Gusto mo lang maka-chansing diyan,eh. Dapat ako din!”

 

Papalapit na si Dennis sakin para yumakap din ng batukan naman siya ni Dylan.

 

“Enough of that childishness, you two.”

 

Sa tingin ko, si Dylan ang pinaka-leader ng group nila kasi natahimik agad sina Dennis at Eiji. Kapag nagsasalita ito, nakikinig talaga lahat.

 

“But Ruke, pare, bakit hindi mo sinabi kahapon na totoo pala ang sinasabi ng makulit na yan?”

Sabay turo ni Dylan kay Eiji.

 

“You never asked.”

 

Walang kalatuy-latoy na sagot nila.

 

“Kasi nga, hindi namin alam na alam mo pala ang totoo. And besides———–“

 

“Well, you could at least realize that I am part of the Thimbleweed.”

 

“Right. It totally slipped my mind.” Sarcastic na sabi ni Dylan.

 

“Does it really matter?”

 

He positioned himself to sleep again, I guess. At hindi nga ako nagkamali.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Maya-maya lang ay narinig na namin siyang naghihilik.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com