*2: MY TWO BEST FRIENDS*
“Sugoiiiiiii!”
Someone who just entered the gym said. Nang tingnan namin, it was Eiji Macken, the twin brother of Fuji Macken, who also happened to be two of the best friends of Ruke.
“Oh, boy.” Murmured Ruke. Umiling-iling pa nga siya, eh.
“Ruke! Dylan’s condo, later." Sabi ni Eiji kay Ruke. Tapos bigla nalang siyang tumingin sa direksyon ko at nanlaki ang mga mata tapos ngumiti. A weird smile.
“Wow!” Sabi niya, lumapit sakin at hinawakan pa ang kamay ko.
“Ang ganda mo naman! Pwede bang manligaw?” Excited na tanong niya sakin. Siyempre, dahil nagulat ako, hindi ako nakapagsalita agad. Prangkahan ata ‘to, ah! Tapos bigla nalang….
~TOINK!~
“Aray! Jiaolian naman, eh! Bakit mo ginawa yun? Ano kasalanan ko?" Ngumuso pa siya nun. Tama nga sila. Ang kulit-kulit-kulit ni Eiji. Laging masayahin, malikot, at ang harot. Daig pa niya ang bata.
“DON’T-TOUCH-HER.” May hand gesture pa si Jiaolian habang sinasabi yun kay Eiji.
“Huh? Don’t tell me, she’s your girlfriend? Malas mo naman, Miss.” Kumindat pa siya sakin. Kaya ayun, nabatukan na naman ni Jiaolian.
“Idiot! She’s my little sister!”
“What?!”
Sabay-sabay na sabi nila at sabay-sabay rin na nanlaki ang mga mata. Ooopppsss. Nakalimutan ko bang sabihin? Jiaolian ‘Ahia’, as what I call him [Ahia means Kuya], is my big brother. His full name is Joe Ryan Kaneko. He was the captain of Thimbleweed during his high school and college years. He is twenty-six now while I am twenty years old. When Jiaolian finished his course, he was asked to coach the college department men’s basketball team, the Thimbleweed. If you wanted to know what was his job, well, my big brother is a teacher in our P.E. class. Only few people knew that we were siblings. One of the reasons maybe because I just transferred here this year. I studied at the U.S. but I had to come back here in the Philippines for some reason. Maybe I will tell you next time, okay?
“Really? How come I didn’t know that? My bad.” Kakamut-kamot pa ng ulong sabi ni Eiji. Parang amazed na amazed pa rin ito.
“Yes, so if you don’t mind, get your hands off my sister, young man.”
“Ooopppsss. Sorry po, Ahia.”
“Nah. It’s—– pardon, Eiji? What did you call me back then?” Akmang babatukan na naman ni Ahia si Eiji pero umiwas na si Eiji nun.
“Huwag po! Joke lang po yun, Jiaolian! Maawa po kayo sakin. Madami na po bukol ko, oh!”
Hindi ko na talaga napigilan, tumawa na ako. “Ahia naman. Tama na yan. Kawawa naman si Eiji.” Nginitian ko si Eiji na tumango-tango naman sakin.
“She’s right, Jiaolian!” Tapos pabulong na sinabi sakin, “Mabuti ka pa, mabait. Hindi tulad ng Ahia mo. Hehe.” Malas lang, narinig siya ni Ahia.
“I heard that!”
“Ha?! Ah eh. Sabi ko po, gwapo po kayo Jiaolian!” Umiling-iling nalang si Ahia. Ang kulit-kulit talaga ni Eiji. “Eiji Macken nga pala. And you are?” He extended his right hand to me.
“Harrow. Harrow Kaneko.” I reached his hand and shook it with mine.
“That’s enough. Get out of here, Macken. Bumalik ka na sa practice niyo.”
“Sungit talaga.” Bubulong-bulong na sabi ni Eiji tapos tumakbo na papunta sa pintuan ng gym. Tumambling-tumbling pa nga siya. Ang likot-likot talaga!
“Bye-bye, Harrow!” Pagkatapos sabihin yun, tuluyan na siyang umalis.
“Ang kulit-kulit talaga ng batang yun.” Pailing-iling na sabi ni Ahia. Napangiti nalang ako. “Alright! Practice ulit kayo.”
For an hour, I just sat there and watched the practice game proceeded again. Hindi ko napigilang humanga sa galing ni Ruke na maglaro. Oo nga, magaling din naman ang mga ka-teammate niya pero siya, pwede nang i-consider na professional basketball player. Nung nag-bell na, huminto na ang mga players sa paglalaro.
“Alright. We’ll just continue tomorrow. That’s all for today. Dismiss.”
Nagsi-alisan na kaming lahat. Umuwi din ako agad. Magkaiba pala kami ng bahay ni Ahia. Doon siya sa condo niya ako naman, sa bahay namin na ipinamana sa amin ng parents namin. Masyadong malayo kasi ang bahay namin sa SCUC kaya napagpasyahan niya na sa condo nalang niya tumira. Motto kasi ni Ahia, “TIME IS GOLD.” Ayaw na ayaw nitong nale-late. Kaya ayun, magkahiwalay kami ng bahay. Okay lang naman sakin yun. Kaya ko naman. Isa pa, mas mabuti na yun para matutunan kong maging independent.
***
Maaga akong nagising kinabukasan. Naghanda agad ako para pumasok sa school. Naligo, kumain ng breakfast at nagluto para sa lunch ko. Sanay na kasi akong magbaon ng lunch. Curry ang niluto ko, rice and of course, the dessert, Mattone al cioccolato: chocolate brick! Nang maluto, nilagay ko na ang mga ito sa lunch box ko pagkatapos, nagpahatid na ako sa family driver namin na si Mang Bert.
After fifteen minutes, nakarating na ako sa school. Nang tingnan ko ang oras, 6:30 palang. Napaaga yata ako masyado. Konti palang ang mga estudyante. I went to our classroom directly and put down my bag. Since, ako palang ang nandun sa classroom, nagpasya akong maglibot-libot muna. Di ko pa kasi kabisado ang buong school kasi nga transferee ako. Napansin kong magkatabi lang pala ang Fine Arts Classroom at Sports Curriculum Classroom [Pilot Sections]. Ibig sabihin, magkatabi lang ang mga classrooms namin ni Ruke. Nang makita ko ang Bulletin Board Time Table, lumapit ako dun at tiningnan ang schedule for this month.
JULY TIME TABLE
“To ensure good health eat lightly, breathe deeply, live moderately, cultivate cheerfulness and maintain an interest in life.”
1st Week
On nutrition Month Awareness/ Health Hygiene Consciousness
Dr. Filadelfo Rojas, our school physician, shares the task of raising our Shellacians’ health consciousness by his on-going physical examination.
2nd Week
Student Council Organization
Our Shellacians are encouraged to join various interest and organizations sanctioned by the school.
*KKRRRRIIIIINNNNNGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!* Time na pala! Bumalik na ako sa classroom. As usual, nag-lesson lang kami about techniques in drawing. “Saan ka ba galing, babae ka?” Tanong ni Ropy Lernout sakin. Parehas kaming ni Ropy na manager ng Sports Curriculum, magkaiba nga lang na club. Tennis yung sa kanya, eh. “Oo nga. Kanina ka pa namin hinihintay. Bag mo lang ang nakita namin dito.” Yun naman si Mickey Tao. Saming tatlo, si Mickey ang pinakamatalino. Genius na nga ata ang IQ niya. Pano ba naman, lagi siyang naa-accelerate at ito pa ang mas matindi sa lahat! Dala-dalawa ang course na kinukuha. Medicine ang isang course niya. Graduating Pediatrician-Surgeon next year. Kaya lang siya kumuha ng fine arts, para lang pass time at makasama kami ni Ropy. Ang galing, noh? Matagal ko na silang kaibigan. Magkakapitbahay kasi kami. Kababata ko sila. Naghiwa-hiwalay kami nung pumunta ako sa States. Grade six ako nun. Sa States na ako na ako nag-High School at dun na rin ako dapat magco-college. Kaso yun nga, nagkaroon ng konting conflict, kaya nandito na ulit ako sa Pilipinas. Oh well, home sweet home! “Naglibot-libot lang ako. Maaga kasi akong pumasok. Wala pang tao dito sa classroom kaya lumabas muna ako.” “Ang sabihin mo, may hinahanap ka lang diyan.” Heto na naman po tayo. Nagsimula na naman po ang tuksuhan. “Sino kaya yung maswerteng lalake, Rop? Got some clue there, Harrow?” “Yeah right!” I just rolled my eyes. Mabuti nalang, dumating na rin nun yung professor namin kaya di na natuloy yung pang-aasar nila sakin. “Who can tell me the difference between life drawing and expressive drawing?” Asked Professor Gary. I saw Mickey raised her right hand. Oh di ba? Sabi ko sa inyo, genius yan eh! “Yes, Miss Tao. Let us hear your opinion.” “Life drawing builds on observational strategies encountered in foundation courses. Concentration is on study of the undraped human form with explorations of personal styles of mark making with an assortment of media. Foreshortening, gesture, and time extended poses are used in drawing explorations. Outside sketch journals are required with studies done outside class that duplicate techniques and principles from each class day while expressive Drawing is not based on observational studies, but rather the goal is to create “finished” drawings that may be inclusive of any approach (abstractions, nonobjective, representation, realism) using traditional and experimental materials. Assignments are set with objectives that connect students with their personal vision.” She answered. Okay, that was, errr, way too looooonnnnngggggg! “Very well said, Miss Tao.” Hangang-hangang sabi ni Professor Gary. “You may take you seat.” Then the discussion goes on until… *KKRRRRIIIIINNNNNGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!* Bell na ulit! Lunch time na! Tamang-tama, gutom na rin kasi ako eh. *** “I’ve a med class today. I can’t join you for lunch. Kukunin ko po kasi ang stethoscope sa bahay. Nakalimutan ko kasi.” “Me, too! Coach asked me to arrange the schedules and the players for the regional tournament. Pano ba yan, Harrow? Ikaw lang mag-isa ang maglu-lunch? Okay lang ba? Pasensya ka na talaga, ha?” Ang malas ko naman ngayon! Wala akong kasabay mag-lunch. Wala pa naman akong masyadong kaibigan sa school. Mag-isa lang akong maglu-lunch ngayon. Ngumiti naman ako sa kanilang dalawa. “Okay lang. Kita-kita nalang tayo mamaya.” Nilapitan ko sila and kissed them on the cheeks. “Take care, okay.” “Alis na kami.” Lumakad na sila papalayo. I just waved them goodbye. Ako naman, dumeretso papuntang cafeteria. Tumingin-tingin ako sa paligid, naghahanap ng mauupuan. Halos puno na kasi lahat. “Hey! Harrow-chan!” Teka. Parang kilala ko ang boses na yun, ah. Parang kay Eiji. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses. “Harrow-chan! Over here!” Tumingin ako sa dulo ng cafeteria, left-side. Tama nga ako, si Eiji ang tumatawag sakin at kumakaway-kaway pa at pinapalapit ako. May mga kasama siya dun. Isa na dun si Ruke. Lahat sila lalaki kaya nag-alangan akong lumapit. Nang tingnan ko ang paligid, nagtitinginan sakin ang mga tao. Lalo na ang mga babae na nakataas ang mga kilay. Ikaw ba naman, baguhan lang tapos tawagin ka ng isa sa mga sikat sa school, kung hindi ka tarayan. Mas lalo tuloy akong naalangang lumapit. Tumingin ulit ako kay Eiji at umiling. Tumungo siya. Naka! Nagtampo ata. Kahit naaasiwa, lumapit ako papunta sa table nila. “H-hey. Are you mad?” Tanong ko kay Eiji ng makalapit na ako. Tumingin naman siya sakin at umiling-iling. “No. Bakit mag-isa ka lang? Wala ka pa bang friends?” “Chismoso ka talaga, Eiji!” Sabi ng lalaking reddish ang buhok sabay bato ng candy. “Nagtatanong lang naman ako, ah! Masama ba? Hindi naman diba, Harrow? Alam mo Dennis Lui-Hiwatari, sabi nga ng mga matatanda, ang taong mapagtanong, daig pa ang marurunong.” Depensa agad ni Eiji sa sarili. Natawa ako. Napaka isip-bata talaga niya. Pero totoo ang sinabi niya. Dennis Lui-Hiwatari pala ang pangalan ng nagsabing chismoso si Eiji. Kung titingnan mo, mukhang makulit din siya gaya ni Eiji. “And where the hell did you get that, Eiji.” Whoa! My, my, my. May kambal pala si Dennis. Magkamukhang-magkamukha sila except for their hair. Brownish kasi ang buhok ng nagtanong ngayon. “Dylan, that proverb is too common. You never heard of that? Ha! Tough luck! Mabuti pa ako!” Dylan? Siya yata yung long time love ni Mickey, ah. Kasi sabi niya sakin noon, Dylan raw ang pangalan nun na isa sa mga bestfriend ni Ruke. “Enough of that childishness, Eiji. Why don’t you let her sit down? Tinawag-tawag mo tapos di mo naman pinaupo.” This time, it was Eiji’s twin brother, Fuji. “Ow. Sorry, Harrow. Upo ka pala.” Ibinigay nito ang upuan niya sakin tapos kumuha ng bago. “Bakit mag-isa ka lang?” “May importanteng gagawin kasi ang mga friends ko, eh.” Paliwanag naman niya. “Oh. I see.” Tumango-tango ito. “Ay! Ipapakilala kita sa mga best friends ko para maging friends mo rin sila. Siyempre, ako muna, baka kasi nakalimutan mo na pangalan ko eh.” Narinig kong bumuntong-hininga ang mga kaibigan nito, ang iba naman ay napa-iling-iling. “Don’t mind them. Ako nga pala si Eiji Macken. I have a twin brother, Fuji Macken. There, oh.” Tinuro si Fuji, kumaway naman si Fuji sakin. “Mas gwapo ako, noh?” Nag-mister pogi pa si Eiji nun. Same reactions yung mga kaibigan niya. Natawa ulit ako. Bakit kaya ganun? Pare-parehas ata ang mga kambal na nakikita ko. Si Eiji kasi, reddish din ang buhok samantalang si Fuji ay brownish. Parehas sila ng Lui-Hiwatari twins. “Pasensya ka na sa kaibigan namin ha? Makulit lang talaga yan. Ayame Reed nga pala. Itong katabi ko naman, ay si Tori Mine.” “Rei Inovo here while this guy beside me is—–“ “She knew me already.” Ruke said na halatang nagising dahil sa ingay ni Eiji kanina. “Oh? How come?” Tori asked. “She is our new basketball manager.” “Ha?! Ikaw pala yun?! Yung sinasabi nila?” They asked me in unison except for Ruke and Eiji. “Ha?” Ano daw? Yun lang ang nakuha kong isagot sa kanila. Ako? Anong ako na sinasabi nila. Nalilito na ata ako, sa totoo lang. And what’s with their reactions?


bravenet.com