untitled
viviti

*19: WHAT’S WRITTEN INSIDE*

 

 

“Ako?!” Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang tinuro sarili ko.

 

Sinimangutan na naman niya ako. “Oo nga sabi, eh! Ikaw!”

 

“Paano naman nangyari yun? Pinagtritripan mo naman ako, Ruke.” Kailan pa ako nagbigay ng love letter sa kanya?

 

Sinimangutan niya ako lalo. “Basta! Binigyan mo ko ng love letter. Nakuha ko nga kanina sa locker eh!”

 

Kumunot ang noo ko. “Bakit naman kita bibigyan ng love letter? Patingin nga kung totoo ang sinasabi mo.”

 

Kinuha niya ang jacket niya na nakasampay sa bench. May idinukot siya sa bulsa nun. “Here.”

 

Inabot ko naman. Okay, ako nga ang nagbigay sa kanya ng letter pero hindi naman love letter yun. Short note kaya yun!

 

“This is not a love letter, Ruke.” Napapailing kong sabi. May love letter ba na ang nakasulat…

 

 


 Utang na loob, Ruke, huwag mo nang guluhin ang locker. Nakiki-usap ako sayo.

 

♦Harrow♦


 

Now tell me kung sa tingin ninyo love letter yun? Kahapon ko sinulat yun bago kami umuwi. Nilunok ko talaga ang pride ko for the sake of our locker.

 

Inagaw niya sakin ang letter ko at binaliktad niya. Nakita kong may drawing ako dun. Siguro dahil sa pagmamadali, hindi ko na napansin na scrap paper na pala ang nasulatan ko ng letter para sa kanya. Take note, letter lang yun, walang LOVE.  

 

“That’s the way you’re saying you love me. Dinaan mo nalang sa drawing para hindi mahalata. Too bad I’m too smart.” Ang hangin naman sa gym!

 

“Baliw ka talaga Ruke, hindi naman ikaw yan eh.”

 

“And you think I’ll believe you? Kitang-kita naman ang ibedensiya eh. I play basketball.” Tinuro niya ang left side na drawing. Sa totoo lang, siya naman talaga yan, ewan ko nga lang kung bakit naging kamukha ni Rukawa ang kinalabasan. Siguro dahil anime chibi.

 

“Mahilig din akong matulog.” Right side naman ang itinuro niya.

 

“Si Rukawa yan, Ruke. Rukawa plays basketball, too. He loves to sleep, too.” Mukhang mas nainis si Ruke sa sinabi ko.

 

“Here’s my initial! R..K. Ruke Kruger!” Sumisigaw na naman ang bruho. Balik sa dating gawi.

 

“R.K. means Rukawa Kaede.” Thank God parehas sila ng initial! Yes! Lusot ako!

 

Itinapon ni Ruke ang towel na hawak-hawak niya. Dahil basa at may echo ang gym namin, nagulat kaming lahat. Sina Ahia na masayang nag-uusap-usap kanina, nagtatakang napatingin samin ni Ruke.

 

“Ako nga sabi yan, eh!” Diyos mio! Magwawala na naman ang retarted.

 

“Sige na, sige na, ikaw na yan kung ikaw.” Para wala ng gulo. Nakakahiya kina Ahia.

 

“Napipilitan ka lang yata, eh!” Hindi pa rin naniniwalang sabi niya sakin. Nakasimangot pa rin siya.

 

“Hindi. Ikaw talaga yan. Tama naman mga sinabi mo kanina di ba? The drawing tells it all.”

 

“Talaga?” Ang cute-cute ni Rukeeeeeeeeee!!!

 

Nginitian ko siya. “Oo nga. Ayaw mo naman ata, eh.” Ang babaw naman ng kaligayahan nitong bruhong ‘to.

 

“Basta sinabi mo yan, ha? Tayo na talaga.” Nigiting-ngiting sabi niya.

 

“Ye—–…” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang pumasok sakin ang sinabi niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“NOOO!”

 

 

 

 

*20: LQ?*

 

 

“Pumayag ka na, eh! Wala nang bawian!”

 

Nakuha pa talaga niya akong ngisihan nun.

 

“I was talking about the drawing! Ginugulo mo ako!”

 

Depensa ko agad sa sarili ko.

 

“Excuses…”

 

Tumagilid siya nang konti para siguro itago ang reaction niya pero nakita ko pa rin na napapangiti siya.

 

Bruhong ‘to, pinagtatawanan ako nang palihim.

 

“Hoy! Ano ba?!”

 

“Oo.”

 

Problema nito? Iba ang sagot niya sa tanong ko. May pagkamahina ba siya sa tagalog grammar?

 

“Ano? Malala ka na, Ruke.”

 

Sumasakit na ang ulo ko sa pag-intindi sa mga pinagsasabi niya.

 

“Ibig kong sabihin, hindi na kita pahihirapan.”

 

Sa ano?! May balak ba siyang tapusin ang buhay ko?

 

“What do you mean by that, really?”

 

“You don’t have to court me again. Sinasagot na kita.” Ngising-ngising sabi niya.

 

“Sino naman ang nagsabi sayo na nililigawan kita?” Kapaaaal!

 

“Eh, bakit mo ko binigyan ng love letter?” Ang kulit din niya, ha.

 

“Hindi nga ‘to love letter!”

 

“Whatever, I don’t care. Basta tayo na. Hindi ko ugaling magpaiyak ng isang babae.”

 

Oh really?!

 

“Kaya pala lahat ng fans mo pinaiyak mo na.”

 

“So what?” Baliw talaga.

 

“Well, in case you didn’t know Mister, you had hurt them. It may not be physically, but it was emotionally. One more thing Ruke, dream on, mas liligawan ko pa si Rukawa kaysa sa sumpunging katulad mo.”

 

Mukhang hindi nagustuhan ni Ruke ang sinabi ko. Super simangot ulit siya.

 

Akin na nga yan! Di naman sayo yan eh!” Inagaw niya sakin yung letter at inilagay sa wallet niya.

 

“Ikuha mo nalang ako ng damit!” Aba’t…

 

“Ikaw kaya ang kumuha. Ikaw naman ang magsusuot eh.”

 

“Ikukuha mo ako o guguluhin ko ulit ang locker. Pumili ka.”

 

Dahil alam kong seryoso na siya ulit, sinunod ko nalang siya. Hindi ko alam kung anong tee-shirt ang gusto niya kaya nanghula nalang ako.

 

“O, damit mo.” Nakatingin lang siya sa kamay ko.

 

“Hoy!”

 

Tinabig niya ang damit niya kaya nabitawan ko.

 

“Ano na naman ba ‘to, Ruke? Kung ayaw mo nang damit na ‘to, sabihin mo nang maayos. Nadumihan tuloy.”

 

Pinagpag ko ang tee-shirt niya tapos iniabot ulit. Tinabig na naman niya ang damit.

 

“Ruke!” Kukunin ko na sana ulit nang pigilan niya ako.

 

“What happened to your hands?!” Hinawakan niya ang kamay ko na madaming band aids.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com