*10: Secret*
“Ha?”
“Ano?!”
“What?!”
“Sinabi mo ba talaga yun, Harrow?”
“I can’t believe it!
Sabay-sabay na tanong ng Thimbleweed pati nina Dennis at Eiji. Nakanganga sila, nanlalaki ang mga mata. Sino ba naman ang hindi, di ba? Ako lang yata ang speechless. Hello?! Naloloko na ba talaga si Ruke? At kelan ko naman sinabi sa kanya na mahal ko siya?
“Sumusobra ka na talaga, Ruke?!”
“What now?”
Sinimangutan na naman niya ako.
“Akala ko ba di ka sinungaling?! Eh ano naman ang paliwanag mo sa sinabi mo ngayon?!”
“I was just telling them the truth!”
Todo na talaga ang pagsimangot niya nun. Grabe naman! Wala na yatang katapusan ang pagsimangot ng lalaking ‘to!
“Truth?! Truth?! Eh ano naman ang totoo dun sa sinabi mo, aber?!”
“Lahat ng yun, okay?!” Nag-cross arms siya.
“Kelan ko naman sinabing mahal kita?!” Lalong nainis na ako sa kanya.
“Kasasabi mo nga lang, eh.”
“Pwede ba, wag ka ngang pilosopo masyado!”
Nakuuuuu! Masisiraan na ako ng bait sa lalaking itoooooo!
“Pwede ba, wag ka ngang pilosopo masyado.”
Panggagaya niya sakin. Pinaliit pa niya ang boses niya at pilit na ginawang boses-babae. Pati ang action ko habang sinasabi ko iyon kanina ay nakaya niyang gawin pero di bagay. Ang sagwa kasi. Masyado siyang lalaking-lalaki para dun. If this was just an ordinary conversation, I would really laugh at him, but the thing is… It is NOT!
“Well, fine! Remember ealier?”
Tanong niya sakin na nakasimangot pa rin. Nalito naman ako. Ano naman ang kinalaman ng sinasabi niyang ‘earlier’ sa pinag-uusapan naming ngayon? Sa pagkakaalam ko, nilait lang niya yung t-shirt ko nun..
“Great!” Sarcastic na sabi ko. “What about it?!”
“Ba’t ba napakaulyanin mo?!”
Namumula na talaga siya nun dahil sa galit. Ang galing naman niya! Ako pa pala ang may kasalanan ngayon niyan pati ang pagiging ulyanin ko?! Just Great!
“Will you just go directly to the point, Ruke?!” Sa sobrang inis ko, tinadyakan ko ang bola na nasa harapan ko.
“Whoa! Easy, kid.”
Narinig kong sabi ni Ahia sakin. Mukhang natakot din naman ang lahat na nandoon maliban nga lang kay Ruke na napangisi pa nga sa ginawa ko.
“You’re frightening them.” Aba’t, nang-insulto pa! “I see. You’ve forgotten about it already so let me remind you then of what I’ve heard with the little chitchat you’ve had with Jiaolian earlier.”
Natahimik naman ako. Bakit ko ba nakalimutan yun? Narinig pala niya yung pinag-uusapan namin ni Ahia kanina. Patay… So, that was the reason why he was so confident about it. Siniko ako ni Dennis pero hindi naman masakit.
“Natahimik ka, Harrow? Is he telling us the truth?”
Dennis… You are NOT helping so far! I sighed. Calm down, Harrow. Calm down. Nasisira ang talaga ang poise ko sa lang sa bruhong yan!
“He got it all wrong guys.” Luckily, I didn’t stammer with that one.
“Masyado kasing bilib sa sarili.” Pagkatapos kong sabihin yun, nagtinginan naman silang lahat kay Ruke.
“Oh yeah? Let Jiaolian prove it then. Why don’t we ask him.”
Nagmamalaking suggestion niya. Kay Jiaolian naman tumingin ang lahat. Patay na talaga! Wala na akong lusot nito!
Ahia pleaseeee, don’t let me down here. I’m begging you… Huwag mo naman ipapahiya ang nag-iisang kapatid mong babae.
“Well, Jiaolian?” Hindi na napigilang tanong ni Eiji. “We’re all waiting here.”
Halata naman kasing excited na excited na ang lahat sa sasabihin ni Ahia na tahimik na tahimik namang nakatingin sa baba. Maya-maya lang, tumingin siya sakin, then kay Ruke. Sakin then Ruke.
~Dugdug… Dugdug… Dugdug…~
Kinakabahan ako. Di naman obvious di ba? Feeling ko, hihimatayin ako ano mang oras. Then I heard Ahia sighed. This is it… This is really is it! Tapos nag-shrugged lang siya as if telling us ‘Ewan ko.’
“Ahhh…”
Nadismayang sabi ng lahat. Ako naman, na-relax na. Hooooo! Thank God for giving me a very good brother! Thank you, Ahia! Now, I’m safe… And it is all because of you!
“So?”
Nakataas ang isang kilay ko with a victory smile painted on my face. Loseeeerrrrrrrr… Bwahahaha. Nakatingin lang si Ruke sa gitna ng court.
“You know what they say, Harrow?”
Tingnan mo ‘to. Talo na nga siya, hindi pa rin sumusuko. Ang tindi rin ng fighting spirit! He faced me then grinned.
“Silence means yes.” Nilapitan niya si Ahia at tinapik sa balikat. “Thanks, Jiaolian. I owe you one.”
Lumakad na siya papuntang locker room kaya naman, hinabol ko agad siya tapos pumunta sa harapan niya.
“Stop!” Huminto naman siya sa nun.“Stop with your stupid conclusion!”
“You’re calling that a stupid conclusion?” Parang napipikon na. Halaaaaa!
“It was a wise saying, Harrow. Right, guys?” Nagsi-oo naman ang mga traydor. Urgh! Wala na ba talaga akong kakampi dito?! Tumingin ulit sakin si Ruke.
“See? I told you so.” Tinabig niya ako. Napaka-ungentleman talaga!
“I-NEVER-SAID-THAT-I-LOVE-YOU!” Sigaw ko tapos nagbulungan naman sina Eiji at Dennis.
“I heard that somewhere else…”
“Yeah. Me, too… Saan nga ba?”
Nilingon ko sila at tinignan ng masama kaya yun, bigla silang napaatras.
“Sabi ko nga… Tatahimik na kami… hehehe.” Napapangiwing sabi agad ni Dennis.
“Crush lang kita!”
Napahawak ako sa bibig ko. Ang daldal ko talagaaaa! Clumsy! Too late. Isip… Isip… Isip… Aha!
“At NOON pa yun!”
Pinagdiinan ko talaga ang salitang NOON. I heard him chuckled and headed towards me. Inakbayan niya ako tapos iniharap sa iba.
“You heard her, right? Umamin din siya.”
Tumango ulit ang mga traydor. Nang tingnan ko si Ruke, bigla ba naman niya akong nginisihan!
“Let me tell you some secret, Harrow.”
Nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko.
“Diyan nagsisimula yan, eh! Sa crush-crush na yan!”
Secret ba yun?! Eh, halos buong mundo narinig ata ang sinabi niya! 


bravenet.com