untitled
viviti


*61: I PROMISE *

 

Pagkatapos sabihin ni Ruke yun, halos napatulala nalang ako. Yung mga kaibigan naman niya, lahat nagsitakbuhan sa stage tapos hinarass na nila si Ruke dun.

“That’s our boy!” Sabi nila tapos ginulo pa ang buhok ni Ruke. Napasimangot si Ruke pero mukhang hindi naman siya galit.

“All of you ruined everything…” Sa kasamaang palad, tinawanan lang siya ng mga kaibigan niya.

“Sus… Ano pa ba ang gusto mo ha, Ruke?” Tanong ni Dennis habang lumalakad papalit kay Ruke.

“Oo nga naman, Ruke! I gotta hand it to you, man!” Humahangang sabi naman ni Ayame.

“I agree! I agree! And for sure, the feeling is mutual, right Harrow?”
Biglang tumahimik ang lahat tapos tumitig sakin. As if parang hinihintay lang nila ang isasagot ko. Si Eiji kasi, eh! Bakit ba nagkaroon pa ng makulit at prangkang kaibigan itong si Ruke? Napapahamak tuloy ako ngayon.

“Guys, I think we better leave the two here. They need a little privacy.” Haaayyyy salamat! Saved by Dylan ako ngayon! Mabuti na lang, malakas siyang makiramdam.

“Ahhhhhh…” Tutol agad ang lahat at nangingibabaw siyempre ang mga Thew.

“Well, didn’t you hear me? I said, let’s go.” Pero dahil iba na talaga kapag si Dylan ang nagsasalita at nag-uutos, wala nang nagawa ang mga tao doon kundi sumunod. Halata namang nalungkot agad lahat pero isa-isa na ring nagpaalam samin.

Nang kami nalang dalawa ang naiwan dun, napansin kong parang naaalangan at nahihiya na siya sakin. Para bang yung lahat ng lakas ng loob niya kanina ay nadala na ng mga taong umalis. Biglaan nalang talaga ang pananahimik niya. Hindi namna sa sinasabi kong maingay siya, pero noon kasi, nung hindi pa siya, err… nagtatapat ng nararamdaman niya sakin, sobrang kulit niyan. Mas natalo pa niya sina Dennis at Eiji. Hindi ko nga yan mapatahimik noon, eh.

“Akala ko ba hindi ka na babalik dito kahit kailan?” Pagtataray ko sa kanya dahil naiinis pa rin ako kapag naaalala ko ang nangyari sa airport. Tawa lang ang isinagot noya sakin. Pansin ko lang, kung noon palaging simangot ang sinasagot niya, ngayon nag-iba na. Kung hindi naman kasi tawa, ngingisi siya. Minsan naman, ngingiti ng nakakaloko. Either sa mga yan, wala akong nagugustuhan kasi naaasar lang ako!

“Eh di iyak na ng iyak si Seth nun…” Tumingin siya sakin at tinaas-baba ang mga kilay niya. Sa reaksyon niyang yun, alam na alam kong maiinis ako sa susunod niyang sasabihin. “Lalong-lalo na siguro ikaw…”

“Ang kapal talaga! Grabe!” Pabulong kong sabi pero sinadya ko pa ring lakasan para lang naman mapag-isip-isip niya kung gaano siya kayabang. Pero natural, ang bruho, natawa lang sa nasabi ko, tapos maya-maya, bigla nalang siyang nagseryoso.

“Tell me, aren’t you curious of why Seth was not crying when all of you sent me off the airport?” Tinaasan ko siya ng kilay. Kailangan pa ba talagang itanong yun?

“Obviously, I was. Simula nang kausapin mo si Seth nung narinig niya tayong nag-uusap tungkol sa pagpunta mo sa America. Remember the time when you talked to him privately at his room? I was asking the two of you about it, but none of you said a word.” Sa tuwing maaalala ko ang pangyayaring iyon, hindi ko maiwasang hindi mainis kasi parang nasasanay na silang dalawa sa panggu-good time sakin.

“Hmmm… About that thing, huh? Oh, I just told him the real reason of what planned in going their.” Tumigil muna siya saglit. Parang nag-iisip siya ng magandang sasabihin. “Kung itatanong mo pa rin kung anu-ano ang ginawa ko dun…” Ayan na naman ang nakakainis na ngisi niya.

“Oh well… Nambabae lang naman ako dun. Hahaha.” Binatukan ko nga! Sino ba namang babae ang hindi maiinis sa kanya? Hindi pa nga nanliligaw, nambababae na!

“Aray naman, eh!” Sabi niya habang hinihimas-himas ang ulo tapos tiningnan ako ng masama. Ako naman, nag-act ulit na babatukan siya kaya lumayo agad siya sakin tapos nag-sign ng peace sa kamay.

“Ito naman! Joke lang kaya yun! Alam mo namang ikaw ang laman nito, eh.” Sabi niya habang pinapalo-palo ang dibdib niya. Pinaikot ko nalang mata ko kasi naman mukhang katuwaan lang niya ang pagsabi nun! Bwisit!

“Heh! Shut up!” Pero mas lalo pa niyang nilakasan ang tawa niya. Halos gumulong na nga siya dun, eh. Ano naman kaya ang nakakatawa dun?! Kaya ayon, nagpasya nalang akong iwanan siya pero hindi pa man ako nakakatalikod, pinigilan kaagad niya ako.

“Hey… Wait up.” Huminga muna siya ng malalim at tinitigan ako. “Ikaw naman, di ka na mabiro,eh… Huwag kang magselos. Inayos ko lang talaga yung regalo ko para kay Seth pati na rin ang mga bagay-bagay tungkol sa pagtira doon.”

“Ano ba kasi ang regalo mo kay Seth na dapat noong mismong birthday pa niya mo pa binigay?” Ngumiti muna si Ruke. Halatang proud na proud sa ireregalo niya kay Seth. Kung ano man iyon!

“This is just between you and me, okay? Don’t tell it to Seth, promise me that.” Tumango nalang ako dahil atat na atat na talaga akong malaman kung ano man iyon.

“Oo na. Promise na. Sabihin mo na nga kasi.”

“It’s a basketball court.”

“A basketball court?!” Gulat na gulat na tanong ko sa kanya. Ang laki-laki ng basketball court diba?! Yung lupa palang, magkano na yun? Wala pa ang mga gamit pati na sa pagpapagawa!

“Yeah… A basketball court.” Parang balewala lang sa kanya ang lahat ng nagastos niya para kay Seth. Iba talaga ang mga mayayaman, noh? Pa-easy-easy lang sa pagwawaldas ng pera. Napailing nalang ako habang iniisip ang lahat ng iyon. At madadagdagan pa ang kamahalan nun dahil sa America yun. Siyempre, high-tech na doon, eh. Napailing-iling na naman ako ng matigilan. America?! Bakit sa America niya pinagawa eh para kay Seth yun?! At si Seth ay nandito sa Pilipinas! Nahihibang na ba talaga itong si Ruke?!

“Sira ka ba, Ruke?!” Kunot-noong napatingin siya sakin. Halatang hindi niya maintindihan kung bakit bigla akong nagka-ganito.

“What do you mean? Anong problema mo? Hindi ako sira.”

“Eh kung totoo yan, bakit sa America mo pinagawa yung basketball court ni Seth? Andito po siya sa Pilipinas, Mr. Kruger, baka lang kako nakalimutan mo.”

“No, no, no.” Pa-iling-iling na sabi niya sakin. “Doon na naman tayo titirang tatlo pagkatapos ng semester na ‘to.”

“Ahhh… Ganun ba?” Wala sa sariling sabi ko sa kanya. “Ano????!!! Tayong tatlo???!! Ba’t tatlo tayong titira doon eh ikaw lang naman ang ni-recruit ng NBA??”

“Will you keep your voice down?!” Halatang nagulat siya sa pagsigaw ko. Kasi naman, eh! Nakakagulat rin naman ang mga desisyon niya. “Doon na tayo titira, okay? What do you want me to do? Iwan ko kayo ni Seth dito habang nandun ako? You’re crazy… I don’t believe in broken family, always remember that.” Napatango nalang ako sa mga gusto niya dahil hindi pa rin maabsorb iyon sa utak ko.

“Pero si Seth… Ayaw na niyang bumalik sa America dahil hindi pa ata niya nahahanap ang naiwala niya dito.” Pagkatapos kong sabihin yun, nagulat nalang ako ng bigla siyang tumawa ng pagkalakas-lakas. Ano ba naman ‘to?! Alam na ba niya ang mga pangyayari at ako nalang talaga ang napag-iiwan dito?

“Matagal nang nakita ni Seth ang hinahanap niya.” Tumawa naman siya ng malakas. Baliw na talaga ang bruhong ‘to.

“Ano?! Kelan pa?!”

“The very first time he met me… his daddy…” Napatitig nalang ako sa kanya dahil ewan ko ba, nung sinabi niya yun, parang iyon na rin ang pinaka-most memorable moment ng buhay niya. Lahat ng emosyon, nakita ko sa mga mata niya.

“Nung sinabi ni Jiaolian kung sino yung nasa picture which was me, his dad, tinanong ni Seth kung nasaan daw ba ako. Sinabi ni Jiaolian na nandito sa Pilipinas. Remember when he used to beg you to stay here? Seth planned to search for me. And I’m so glad that he did with your help of course.” Huminga muna siya ng pagkalalim-lalim.

“Ako ang matagal nang hinahanap ni Seth, Harrow. He didn’t have a father for a very long time… So now, I want to make it up for him… And all I can promise you both is that…” He took a deep breath before looking straight to my eyes. I saw sincerity in them.

































































"As long as I can live, I will see to it that the three of us will be the happiest family in the world.”

































































Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com