*60: THANK GOD I FOUND YOU *
Dahil nalilito na talaga ako sa mga nangyayari at ayaw ko namang mapahiya sa harap ng buong tao sa school, nag-acting ako na kunwari ay lalapitan ko si Dennis. Ginawa ko lahat para hindi nila mahalata na wala iyon sa totoong script.
“You’re walking at the wrong path, Harrow!”
Narinig ko pang sabay-sabay na sigaw ng mga tao dun. Nagtaka na naman ako, huwag nilang sabihin sakin, nabasa na nila ang nakalagay sa script? Hindi ko nalang sila pinansin. Pero hindi ko pa nga naitutuloy ang binabalak kong paglapit sana, si Dennis naman ang pumigil sakin sa pamamagitan ng pag-iling-iling tapos kinindatan pa niya ako at nginitian ng kakaiba.
“Tell me, why are you guys acting strange? Honestly, what’s happening here?”
Sa pagtatanong kong iyun, nagsigawan na naman! Ano ba naman yan?! Wala na ba talaga silang ibang gagawin kundi magtilian dun? Sirang-sira na ang play dahil sa kanila, eh. Humarap ulit ako kay Dennis.
“What?!”
Naguguluhan kong tanong dahil hindi ko na talaga matiis pa ang curiosity ko. Ako nalang ata kasi ang walang alam sa mga nangyayari at nagmumukhang inosente na ako sa stage. Nagawa pang tumawa muna ni Dennis ng malakas. Tinuro niya yung sa may bandang likod ko.
“Why don’t you turn your back, Harrow?” Ewan ko ba. Nang sinabi niya iyon, bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. May isang parte na gustung-gusto kong malaman kung ano ba ang makikita ko kapag sinunod ko ang sinabi ni Dennis, may isang bahagi rin naman ang tumututol. Hindi naman dahil sa ayaw kong makita, natatakot lang talaga ako sa malalaman ko. Pero siyempre, sinunod ko pa rin ang una. Dahan-dahan nga akong humarap.
And there… I just stood there and was not able to decide what to react… I saw the last thing… No. I saw the last person to be exact that I never ever expected to see again in my life. Yes, it’s him. Yes, it’s Ruke! Nakatayo lang siya dun. Nakangiti at nakatitig sakin. Walang pakialam sa mga taong naghihiyawan na dun. Tiningnan niya muna si Dennis tapos parang alam na ni K2 ang ibig sabihin ng pagtitigan nila. Tinugtog na naman niya yung Thank You I Found You habang siya, dahan-dahan lumapit sakin. Mas lalong nagtilian ang mga nandun.
“I thought you’re going to go after your great dream?” Tanong ko sa kanya pero hindi ako sure kung narinig ba niya kasi hindi naman siya sumagot.
♫♫“I would give up everything, before I'd separate myself from you…” ♫♫
Nag-umpisa nang kumanta si Dennis na sinasabayan pa ng mga Thew. Si Ruke naman, tahimik lang at pangiti-ngiti.
“I don’t understand. Why?” Tanong ko na naman pero wala na naman akong nakuhang sagot mula sa kanya.
♫♫ “After so much suffering, I finally found unvarnished truth…” ♫♫
Nainis na ako ng tuluyan sa kanya kaya sinigawan ko na siya. “Bakit ka ba talaga nandito?!”
♫♫ “… You saved my life…” ♫♫ Hanggang dun lang ang pagkanta nila Dennis, puro piano nalang ang ginawa niya.
“What?! You’re just going to stand there and won’t answer any of my questions?!” Huminga muna siya ng malalim tapos tumingin sakin. As in, straight in the eyes!
“Well…” Ngumiti siya. Yun na yata ang pinaka-cute na ngiting ibinigay niya sakin! “The music answers it all.” Mula sa likod siya, pinakita niya sakin yung flowers na hawak niya at tuluyang lumapit sakin, tapos binigay niya. Biglang tumahimik lahat, pati si Dennis, tumigil na sa pagpia-piano.
“Happy 5th month wedding anniversary, Harrow… And I want you to know, how much I thank God I found you…”
“Yes… I love you…”




bravenet.com