*59: COLLEGE MUSICAL PLAY *
Nakaupo lang ako sa backstage habang pilit na mine-memorize ang lines ko sa gagawing play. Si Seth naman, medyo malayo-layo sakin. Ewan ko ba sa kapatid kong yun. Kanina kasi, biglang may tumawag sa kanya sa celfone at hanggang ngayon kausap niya pa rin. Hindi naman niya sinasabi kung sino. Napatigil lang ako sa pagbabasa ng lumapit sakin si Seth. Nasa tapat pa rin ng tenga niya yung kiddie phone na binigay ni Ruke.
“Do you need something, Sweetie?” Ngumiti sakin si Seth ng kakaiba.
“Do ya’ want to talk to Daddy, Mommy? Ya’ know, I know ya’ alweady miss him.” Nagulat ako, siyempre. Wala talaga sa isip ko na si Ruke yung kausap niya kanina pa. Kaya ayon, hindi ako nakasagot agad. Si Seth din naman, parang nakikinig pa sa sinasabi ng bruho sa kabilang linya. Maya-maya lang, tumingin ulit sakin si Seth pero malungkot na.
“Ah... Daddy doesn’t wanna talk to ya’, Mommy…” Again, nagulat na naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang tamang reaksyon ko dun. Kaya ayun, nagkibit-balikat nalang ako kahit pa nga medyo naiiyak na ako. Nakakainsulto kaya yun.
“Its okay, Sweetie. I don’t want to talk to your Daddy either.” Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para marinig ng bruho. Ang magaling ko namang kapatid, ang bilis talagang makaramdam.
“Oh look, Daddy, Mommy’s gonna cry now…”
“Seth!” Hindi ako pinansin ni Seth. Nakinig lang siya saglit sa bruho tapos ibinigay na sakin yung phone niya. “Hello?!” Pagalit kong sabi. Tumawa muna ng nakakainsulto ang bruho.
“You really are crying there? Nawala lang ako, naging iyakin ka na. Nahahalata tuloy kung gaano mo ako kamahal. Ganyan ka ba talaga ka-obsess sa kin ha, Harrow?” Tumawa na naman ang bruho.
“Kapal mo talaga! Hoy bruho, wag na wag ka na talagang babalik dito at baka kung ano pa magawa ko sayo!”
“Ano ka ba? Naiintindihan ko yun… Alam ko naman na... love hurts!” Napatili nalang ako dun dahil sa kapilosopohan ng bruho! Kahit kailan talaga, lagi nalang siyang may idinadahilan at nakakapuntos pa talaga siya! Naibabalik sa kin yung sinasabi ko. Kaya ayun, pinatay ko nalang yung phone para hindi na siya makatawag ulit. At malaking pasasalamat ko na rin na pumasok na ang tatlong bakla sa backstage kaya hindi na nakapagtanong sakin si Seth.
“Harrow, malapit na tayong mag-umpisa. Ready ka na ba?”
“Ah… O-oo.” Sagot ko nalang kahit na kabado pa rin ako. Oo nga pala, ngayong araw na na ito gaganapin ang College Musical Play. Ang bilis, noh? Parang kahapon lang, nagre-rehearsal pa lang kami. Kung ano man ang kahihinatnan nito, hindi ko na alam yun. Bahala na…
“Ladies and gentlemen, we proudly present to you, a College Musical Stage Play that you don’t want to miss!”
Habang sinasabi yun, pumuwesto na agad ako sa pinakagitna ng stage. Nakarinig ako ng mga palakpakan. Nang nag-umpisa nang mag-narrate ang tatlong bakla, yung red curtain, unti-unti ring bumukas. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang sobrang daming tao. Yung iba nga, sa sahig nalang naka-upo. Tapos yung mga Thew pa, nasa pinaka-unahan.
Naguluhan tuloy ako. Wala naman si Ruke sa Pilipinas pero bakit ang dami pa ring nanonood? Sa tingin ko, para sa akin lang naman, marami lang bumili ng ticket noon dahil kay Ruke. Siyempe, kahit bruho yun, maraming patay na patay dun. Pero dahil pumunta na nga siya sa America, sino pa kaya ang aabangan nila diba? Alangan naman ako.
Napatingin ako kay Dennis na nasa stage rin. Oo nga pala, nandito pala ang makulit na ‘to. Marami ring fans ‘to, eh. Siya yung magpia-piano kaya kasali siya. Nag-umpisa na nga siya sa una kong kakantahin. When There Was Me and You yun.
Pero instead na iyon ang kakantahin ko, iba yata ang naging tune niya kaya napatingin ako ulit kay Dennis. Nagtatanong ako sa pamamagitan ng mga mata ko. Siya naman, nag-thumbs up lang sakib. Nalaman ko agad ang kantang yun. Yun ang kanta nung sa wedding booth noon. Yung theme song 'daw' namin ni Ruke.
At nang mag-umpisa na nga ang Thank God I Found You, bigla na lamang naghiyawan lahat, yung iba pa nga parang kinikilig, merong nagwawala na dun sa hindi malamang dahilan. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit nagkaganun bigla ang mga tao?
Ako lang yata ang walang alam, ah...


bravenet.com