untitled
viviti


*58: BASKETBALL *

“Harrow, magsisimula na tayong magpractice para sa College Musical Stage Play in the next five minutes, okay? Kaya you should ready yourself, sistah.”

Yung ang isa sa mga bakla na nagmakaawa kay Ruke noon na gumanap bilang Troy. Silang tatlo kasi ang choreographer ng Musical play.

“Okay.” Dapat nga, noon pa nag-umpisa yung practice namin kaso sa dami ng mga school works, hindi na natuloy. Naglakad na ulit ako pabalik sa pwesto ko kanina ng may maalala akong itanong kaya napabalik ulit ako.

“Paano nga pala yung gaganap na Troy kasi nasa America na siya at sabi niya sakin, h-hindi…” Napabuntung-hininga nalang ako dahil naaalala ko pa rin yung huli niyang sinabi sakin. Nung sinabi kasi niya yun, parang ang wala lang sa kanya tapos masaya pa siya!

“Hindi na ba babalik si Ruke, Harrow?”
Parang nalulungkot rin ang tatlo sa nangyayari. Napabuntung-hininga ulit ako at napakibit-balikat nalang. Ano naman ang isasagot ko sa kanila diba? Di ko naman alam kung ano ang tinatakbo ng utak ni Ruke. Though ayaw ko mang aminin, kahit ako, sobrang namimiss ko na rin ang bruho kahit pa nga palagi niya akong inaasar. Kahit pa nga may pagkaisip-bata siya at mabilis lang mag-init ang ulo, naiintindihan ko ang ugali niya at sa mga pinagsamahan namin, masasabi kong kilala ko na rin si Ruke.

“Hayyyy…” Sabay-sabay na pagbubuntung-hininga ng tatlo kaya bago pa puro yun nalang ang gawin namin, pinaalala ko nalang ulit ang tanong ko kanina sa kanila.

“Siguro, mas magandang maghanap na ulit kayo ng gaganap na Troy para makapag-practice na tayo ng todo. Next week na ang Musical Play, eh.” Suggestion ko na ikinasamid nilang tatlo. Ano ba naman ang problema nila? Wala naman silang iniinom na tubig, ah.

“Okay lang kayo?” Naguguluhan kong tanong. Halos namumula na sila sa kakaubo. At base sa obserbasyon ko, talagang hindi fake ang pagkasamid nila.
Tumikhim muna ang pinaka-leader sa kanila bago sumagot.

“Okay lang us, Sistah.” Maarteng sabi niya tapos sinuklay yung mahaba niyang buhok gamit ang kamay. Parang may gusto silang sabihin sakin pero nakikita ko ang pag-aalangan sa mga mukha nila.

“The three of you want to say something?” Hindi ko na talaga natiis na hindi magtanong. Curious na curious na talaga ako kung ano ang inililihim nila sakin. Tumingin-tingin muna sila sa paligid bago lumapit sakin. As in, todo lapit sila na para bang nagsisiksikan kami doon eh ang luwag-luwag naman ng lugar.

“Sasabihin namin sayo pero promise mo wag na wag mong sasabihin sa iba, okay, Harrow?” Tumango agad ako. Mukha kasing takot na takot sila at kinakabahan, eh. At baka magbago pa ang isip nila at hindi sabihin sakin.

“Sige… Ano ba yun?” Pati ako, napabulong na rin. Mahirap na diba? Mas mabuting nag-iingat.

 

“Bago kasi pumunta si Ruke sa America, kinausap niya kami regarding with the Musical Play…” Sa sobrang bilis ng pagkasabi nila nun sakin, halos hindi ko na nga maintindihan yun at napakahina pa ng boses nila. Mabuti nalang, madali akong makapag-pick up kapag interesadong-interesado ako sa topic.

“Tapos? Anong nangyari? Ano ang sinabi niya sa inyo?” Bakit hindi ko ata alam yun? At bakit naman kasi hindi nalang deretsuhin ng tatlong ‘to ang gusto nilang sabihin, eh. Nabibitin tuloy ako.

“Sabi niya, kapag may mabalitaan raw siyang maging kapartner mo sa play, papatayin niya kami…” Ang sabihing nagulat ako sa nalaman ay kulang. Grabe naman ang bruhong yun! Papatayin agad? Is he for real?

“Eh pano yan? Wala akong kapartner sa play niyan? Ibig sabihin, magmumukhang tanga ako dun?”
Ano na naman ba ang gustong palabasin ng bruhong yun? Kasalanan ba ng tatlo na aalis siya papuntang America at hindi na babalik pa? Natural lang naman na dapat may papalit sa role niya dahil wala na siya dito, diba?

“Sabi niya pa samin, ang pwede mo lang daw maging partner, kapag nagpumilit ka, si Seth lang daw…”

Si Seth?! Ang bata-bata pa kaya ni Seth! Isang nursery tapos ako college, magiging magka-loveteam?! Wow! Ano bang utak meron si Ruke? Ang tindi niyang mag-isip, ha!

“Nababaliw na ba si Ruke? At kayo naman, naniwala naman kayo? Wala naman si Ruke, eh. Wag niyo siyang sundin, hindi naman niya malalaman yun, eh…” Suggestion ko nalang para lumakas ang loob nila. Hindi naman kasi pwedeng habang-buhay nalang silang matatakot nalang kay Ruke. Dapat matuto rin silang lumaban kahit pa nga mga bakla sila.

“Errr… Hindi pa rin pwede, Harrow, eh…” Napataas kilay na ako sa puntong yun.

“And why is that?”

“Hindi ka ba nagtataka kung bakit nandito ang anak ninyo ni Ruke?”
Napa-isip naman ako. Naalala ko rin ang sinabi sakin ni Seth kanina at ang pagpupumulit niyang sumama kahit na dapat, sa araw na ito, dahil Saturday, nasa bahay siya nila Jash para makipaglaro gaya ng ginagawa niya noon.

“Sabi niya gusto lang niyang manood.”
Umiling agad ang tatlo, halatang hindi naniniwala.

“Si Seth kasi ang inutusan ni Fafa Ruke para magbantay samin kung saka-sakaling may hindi kami sinunod sa mga sinabi ng boyfriend mo.” Hindi na ako nakapagsalita sa nalaman. Parang sumakit kasi ang ulo ko sa mga nalaman. Parang hindi pa rin ako makapaniwalang pinagkakaisahan ako ni Ruke pati na ng sarili kong kapatid. Hindi naman sa nagagalit ako, pero hindi ko lang talaga alam ang gusto nilang palabasin.

“Excuse me… Pwede bang bukas nalang tayong magpractice?”

Mukhang nakakaintinding sabay-sabay na tumango agad ang tatlo. Pinuntahan ko si Seth sa inuupuan niya at umuwi na agad kami. Habang nasa kotse na provided pa rin ni Ruke with driver, tinanong ko siya sa lahat ng mga gumugulo sa isip ko.

“Sweetie, tell me, what did you and your Daddy talk about?” Mula sa paglalaro ng PSP na bigay sa kanya ni Ruke, tumitig siya sakin.

“About what, Mommy?”

“Ahmmm… All those times when he was whispering to you… And when we were at the airport…” Mas lalo pang tumitig sakin si Seth tapos ngumiti ng kakaiba.

“You will know, Mommy… SOON…” Pagkatapos sabihin yun, bumalik na naman siya sa paglalaro, at kahit anong pilit ko sa kanya, hindi pa rin niya ako sinasagot. Wow, ha? Infairness, loyal na loyal ang kapatid ko sa bruho. Pagkarating na pagkarating namin sa bahay, pinatulog ko muna si Seth tapos ako naman, pumunta muna sa backyard namin kung saan madalas maglaro ang dalawa nung nandito pa si Ruke sa Pilipinas. Kinuha ko ang bola na ibinigay sakin ni Ruke sa airport. Hindi ko nga alam kung bakit parang ang bigat-bigat ng bola, eh. Iba kasi yun sa mga ordinaryong bola. Parang may something na nasa loob niya. Nang magshoot ako, sablay agad pero sa pangalawa kong pagtira, biglang na-shoot!

“Sabi na sayong huwag mong isho-shoot ang bola, eh!”

Nagulat ako sa narinig! Napatingin ako sa paligid ko, wala namang tao! Biglang tumayo ang mga balahibo ko. Boses ni Ruke yun, eh. At yun din ang payo niya sakin bago siya umalis.

“Ruke, lumabas ka diyan! Ikaw ba yan? Pwede ba, wag ka ngang mang-trip diyan!”

Pagalit kong sabi pero wala pa rin namang lumalabas na tao. Napabuntung-hininga ako. Masyado na ba talaga akong desperada? Nag-iilusyon na ata ako, eh. Kinuha ko ulit ang bola at na-shoot ko na naman agad!

“Sabi na sayong huwag mong isho-shoot ang bola, eh!”

Andun na naman ang boses. At parang malapit siya sa may ring… Napalingon na naman ako sa paligid… Wala pa ring tao… Wala pa ring Ruke…

Nang mag-shoot ako, sablay, tapos ng umulit ako, pasok na naman.

“Sabi na sayong huwag mong isho-shoot ang bola, eh!”


Ayun na naman ang boses and this time, parang nanggagaling na siya sa bola. Kinuha ko agad ang bola tapos pumasok sa loob ng bahay namin. Inalog-alog ko pa nga yun bago ko hatiin, eh. And tumpak! Kaya naman pala ang bigat-bigat kasi hindi talaga siya bola for the sake na pangbasketball. Kumbaga, pang display lang talaga siya. Ang nasa loob, recorder na kapag na-sho-shoot ko ang bola, magple-play siya ng, “Sabi na sayong huwag mong isho-shoot ang bola, eh!”

Huminga ako ng malalim. Ano ba naman yan, kahit wala si Ruke, may ipinalit pala siya para pagalitan ako. And what’s worse is that…

































































 

Bola pa! Tsktsktsk…



































































 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com