untitled
viviti
“Alam mo kasi, Harrow, isipin mo lagi na ako yang bolang hawak mo. Wag na wag mong i-sho-shoot yan lalo na at aalis ako. Dapat palaging mintis para lagi mo akong mami-miss.”

*57: AIRPORT *

Napatingin ako sa pinanggalingan ng eroplanong papel. Si Ruke lang pala, nasa may pintuan ng classroom namin. Ano na naman kaya ang gimik ng bruho at may pa-airplane-airplane pa siyang nalalaman. Tinaasan ko siya ng kilay. Mukhang naintindihan naman niya ang expression ko kaya sinabi niya sakin ang gagawin.

“Buksan mo! And read it!” Halos gusto ko nang lumubog dun sa kahihiyan! Kung hindi ba naman sira ang bruhong ‘to! Tama ba namang isigaw niya yun? Alam na nga niyang nagklaklase ang teacher namin! Eskandaloso talaga! Nakkuuuuuuuuu!

“Mr. Kruger, I won’t tolerate that attitude of yours.”

Patay na… Yung teacher pa naman ngayon, yung pinakakinaaayawan ng lahat. Terror kasi masyado at kahit wala ka namang ginagawang masama, pag-iinitan ka. Tiningnan lang ni Ruke ng masama yung terror naming teacher. Parang naghahamon siya ng ayaw at nagmamayabang samantalang kaming lahat, halos hindi na humihinga dahil sa tension.

“Oh yeah?” Tuluyan na nga siyang pumasok sa classroom namin. Nilagay pa niya yung dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya.

“Then I guess you’re already fired.” Pagkatapos sabihin yun, umalis na agad siya. Yung teacher naman namin, parang natigilan. Hindi na nga niya tinapos yung time niya kasi umalis agad siya. Parang nagmamadali nga at balisa. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga nangyayaring ‘to? Bakit ng sabihin ni Ruke na tanggal na siya sa trabaho ay natakot siyang bigla? Ano ba ang magagawa ng isang sobrang yamang estudyante sa isang ordinaryong teacher? Malamang. Makakaya niyang paikutin ang mundo sa mga palad niya. Lumapit agad sakin si Mickey pagkalabas na pagkalabas ni Mr. Javier.

“Harrow, nakakatakot pala talaga yang si Ruke, noh? Pero akala ko ba ngayon yung flight niya? Bakit pumasok? Ano nga pala ang binigay niya sayo kanina?” Ano ba naman ‘tong si Mickey? Hyper ata ngayon ang kaibigan ko.

“Teka, isa-isa lang ang tanong mo.”
Buti na rin lang, pinaalala niya sakin yung tungkol sa airplane. Biruin niyo yun? Dahil lang sa eroplanong papel, magkakagulo pa dito sa school. At yang bruho naman, aalis na nga, mag-iiwan pa ng eskandalo. Haayyyy… Kelan kaya magbabago si Ruke? Sa tingin niyo?

Nang basahin ko nga ang nakasulat gaya ng utos niya kanina, yung tungkol lang pala sa paghahatid sa kanya sa airport. Kailangan pa naming mag-absent ni Seth para lang sa kanya. Isip-bata talaga yang si Ruke. Pero sabagay, matagal tagal rin namin siyang hindi makikita. Nag-lunch muna kaming lahat, kasama ang buong Thew, Mickey, Ropy at Seth. Tapos nagpahatid na sa airport. Yung mga fans ni Ruke, lalung-lalo na yung mga jologs, todo supporta talaga sa kanya. Meron pa ngang umiiyak, eh. Mga baliw talaga. Si Seth, hindi naman umiiyak na siya ngang pinagtataka ko talaga. Ano ba talaga ang pinag-usapan nila ni Ruke? Ano ba ang man-to-man talk na yun?

“Alagaan mo anak ko, ha?”

“Kahit hindi mo sabihin yan, aalagaan ko talaga si Seth.” Tumawa lang si Ruke.

“Ang sungit mo naman. Ganyan ka ba talaga kapag iniiwan ng mahal mo? Hindi pa nga ako umaalis, pinapakita mo na sakin na miss mo na ako.” Mas lalo pa niyang nilakasan ang tawa niya. Binatukan ko nga. Mabuti nalang, malayo kami sa mga kaibigan niya. Nakakahiya kaya ang pinagsasabi ng bruhong ‘to.

“Heh! Pwede ba, wag kang gumawa ng kwento diyan. At Ruke, ha, sinasabi ko sayo, hindi ko nagustuhan yung ginawa mo kay Mr. Javier kanina.” Umismid lang siya.

“Eh sa nakakainis siya, eh. Bakit ba? Kung mawawala yun sa school, lahat ata ng mga nag-aaral dun, magpapa-party.” May kinuha siya sa bag niya. Nang tingnan ko, bola lang pala. “O.” Sabay abot sakin ng bola.

“Aanhin ko naman yan? Ni hindi nga ako nakaka-shoot, bibigyan mo pa ako niyan?”
Pinagtawanan muna niya ako bago magseryoso. Habit na niya siguro yun.

“Alam mo kasi, Harrow, isipin mo lagi na ako yang bolang hawak mo. Wag na wag mong i-sho-shoot yan lalo na at aalis ako. Dapat palaging mintis para lagi mo akong mami-miss.”

Nung una, hindi ko magets yung ipinupunto niya. Pero nang isipin ko ulit, nalaman ko na. Napatingin nalang ako sa kanya na nilapitan na naman si Seth.

“Take cawe, Daddy! Am gonna miss ya’!”

Niyakap na mahigpit ni Ruke si Seth.

“I’m going to miss you more, son. Remember what I’ve told you, okay?”

“Okaaayyyy…” Natatawang sabi ni Seth. Nagdududa na talaga ako sa dalawang ‘to. Calling all passengers to…. Blahblahblah…

“I’m going to leave now, guys.” Nakipag-shake hands muna siya sa mga barkada niya, bago ako nilapitan ulit.

“Bye, Harrow…” Then he kissed me on the lips. That was the third time he did that. First, yung sa wedding booth. Second, yung na out-of-balance ako dahil sa paghila niya. Yung dalawang yun, masasabi kong accident lang, pero yung ngayon, alam ko, balak na talaga niya. Narinig ko pa yung mga cheers galing sa mga tao. Halos pulang-pula na ako mukha ko eh. Ayun nga, hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na sermunan siya dahil nag-umpisa na siyang maglakad papasok. Pero bago mangyari yun, sinigawan ko muna siya.

“Alam mo Ruke, nakakainis ka! Kahit hindi ka na bumalik dito, okay lang! Hindi naman kita mamimiss, eh!” Hindi niya ako nilingon pero huminto siya. Parang nag-slow motion lahat. Tinaas niya ang kaliwang kamay niya bago sinabing…

“That’s great… Because I’m staying there for good.” And yes, those words made a great impact to my life…






































Because I never thought that it could make me cry like there was no tomorrow…





















































 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com