*56: WE KISSED AGAIN *
Nang sumarado na yung pinto ng bahay namin, saka lang parang natauhan si Ruke. Tumakbo din siya ng mabilis para habulin si Seth. Pati ako, napatakbo na rin. Nag-aalala na kasi ako sa nangyayari. Kung magalit pa naman ang kapatid ko, parehas kay Ruke. Siguro naman alam niyo na rin yun dahil nga sa nangyari noon sa gym.
Kung yun nga, hindi lang makakapunta si Ruke sa birthday ni Seth, halos ma-eskandalo na kaming lahat, ito pa kaya? Gusto kong sisihin si Ruke dahil kasalanan malaki rin naman ang kasalanan niya. Kung hindi sana siya nakipaglapit masyado kay Seth, hindi sana mangyayari ‘to.
In the same way, na naaawa ako sa kanya. Kung tutuusin naman, wala siyang obligasyon samin ni Seth at naging mabuting ‘daddy’ pa nga siya, eh. Lahat ginawa niya para lang maging masaya ang kapatid ko na dahilan na rin para maging masaya ako. Ang dapat kasing sisihin ang mga lintek na NBA recruiter na yan, eh! Kung hindi nalang sana sila pumasok sa eksena, eh di happy family pa rin kami.
Natigilan ako sa pagkikipaghabulan. Teka, nasabi ko ba talaga yun? Happy family? Nyeeek! Ano na pa itong nangyayari sakin? Pati ako, nababaliw na rin.
“Hindi… Matagal nang pangarap iyon ni Ruke. Sino ba kami ni Seth para unahin niya?”
Kausap ko sa sarili ko na narinig siguro ni Ruke dahil napatingin siya sakin. “You were saying something?” Nakakunoot-noo na tanong niya. Umiling agad ako at nginitian siya.
“Don’t mind me… Hehe.” Ayon nga, deadma agad ako ng bruho. Napansin kong nasa may pintuan na ng kwarto ni Seth si Ruke. Paulit-ulit na kumatok siyang kumatok dun.
“C’mon Seth, why don’t you open the door?” Kung ikwe-kwento ko ito sa buong school, wala sigurong maniniwala na si Ruke Kruger, ganito ang itsura. Haggard na haggard at parang hindi alam kung ano ang gagawin.
“NO! Just leave me alone! I dun wanna talk to ya’ evew again!” May binato pa si Seth sa may pintuan kaya napaatras agad si Ruke. Ano ba naman itong si Ruke? Sa lahat ba naman ng pwedeng ipamana niyang traits sa kapatid ko, ang pagiging bayolente pa niya.
“Do you have a key in his room?” Pawisan na talaga siya at parang bang may balak pa akong pahirapan siya dahil yung mga mata niya, nakikiusap. Dahil naaawa na ako sa kanya, tumakbo agad ako papunta sa kwarto ko para kunin yung susi.
“Here.” Parang nakahinga naman siya ng maluwag at nginitian pa ako.
“Thank you.” Binuksan agad niya ang pinto. Nang makita kong hindi naman magulo yung kwarto ni Seth, nakahinga agad ako ng maluwag. Yung binato niya kanina, sa tingin ko bola yun.
Nakadapa lang si Seth sa kama tapos yung mukha niya, nakatago sa unan. Nilapitan siya ni Ruke tapos hinawakan pero lumayo agad sa kanya si Seth.
“Seth… Listen to me---“
“NO! Ya’ lied!” Lumapit agad sakin si Seth tapos niyakap ako. Iyak siya ng iyak. Si Ruke, nakatingin lang samin.
“Seth, come here. Do you want Daddy to buy you some toy?” Sinubukan ulit niyang hawakan si Seth pero mas lalo pa itong sumiksik sakin. “Harrow…” Tumingin naman ako sa kanya. “Can you…” Napabuntung-hininga pa siya nun. “Can you please give us some time alone? I just want to clarify things with him.”
Tumango naman agad ako. Kahit gusto kong marinig ang pag-uusapan nila, mas makabubuti sigurong umalis muna ako. Ayaw naman akong bitawan ni Seth kaya nagtagal muna saglit.
“Mommy!!!”
“Sweetie listen, Daddy just wanted to talk to you. It’s not bad. I’ll leave you two now, okay? You promise that you will always be a good boy, and good boys always obey what their Mommy says to them.”
Mukhang ayaw pa ring pumayag ni Seth kaya lumabas na agad ako sa kwarto. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa loob dahil ni-lock ni Ruke iyon. Hindi ko rin naman marinig ang pinag-uusapan nila. Kahit na dinidikit ko na ang mukha ko sa may pintuan, wala talaga akong marinig na boses. Naghintay pa ako ng ten minutes nang tuluyan nang bumukas ang pinto. Sabay pa silang lumabas.
“That’s a man to man talk, okay, Daddy?” Inabot pa ni Seth yung right hand niya para magkipag-shake hand kay Ruke na tawa naman ng tawa.
“Yes. Usapang lalaki yan.” Yung nga, nagkamayan silang dalawa. Kapag tinatanong ko kung ano ang pinag-usapan nila, tatawa lang sila tapos ang nakakaasar pa, sesenyasan pa ni Ruke si Seth na wag sasabihin then magta-thumbs up naman ang kapatid ko. Nakakainis! Bakit ba ayaw nilang mag-share sakin?! Wala ba akong karapatan?!
Pagkatapos nang dinner, nagpaalam na agad ang bruho na uuwi na. “But Daddy, I won’t see ya’ fow so long. Why dun ya’ sleep hewe?” Paki-usap ni Seth. Ayaw talagang bumitaw kay Ruke.
“I can’t, son. I have----“
“Mommy, can Daddy sleep hewe? Pleaseeeee????” Tiningnan ko naman si Ruke. Sa tingin ko, nag-aalangan lang siya kung papayag ba ako kaya nagrarason siya. Wala namang problema sakin yun, eh. Anim naman ang kwarto sa bahay namin.
“Sure, that is if he wants to stay here.”
“Oh yeah! Let's go Daddy!!!” Hinila na naman niya si Ruke papasok ng bahay. Nakita kong pumasok sila sa kwarto ko. Mukhang dun pa yata matutulog ang dalawa. Sabagay, maliit kasi ang kama ni Seth. Yung sakin yung pinakamalaki. Sa guest room nalang siguro ako matutulog. Pagkapasok ko, nakahiga na silang dalawa sa kama ko. Si Ruke, itinuro yung space sa tabi ni Seth.
“Mommy, come hewe! Join us!” Bata pa nga talaga ang kapatid ko at hindi pa alam ang mga pinagsasabi. Ito namang bruhong ‘to, kinukunsinti pa.
“No need, Sweetie. I’ll just stay in the other room, okay? Good night to the both of you.” Lumapit ako sa kama para kumutan si Seth.
“Halika na kasi. Dito ko nalang matulog. Maluwag pa naman, eh. Ang laki nitong kama mo.”
“Wag na…” Inayos ko ang pagkakahiga ni Seth.
“Mommy, c’mon!”
“I ---“
“Ang dami mo namang arte, eh!” Yun lang at hinila na ako ni Ruke.
Dahil malakas siya at nawalan ako ng balanse, nahatak agad niya ako. And the next thing I know is that….
WE KISSED!


bravenet.com