untitled
viviti


*55: OVERHEARD *

Kumakain na si Seth ng lunch nang makarating kami sa bahay. Hindi pa nga nakakapasok sa dinning room si Ruke, tinakbo na agad siya ni Seth at niyakap.

“Daddy!!! Daddy!!! You’we hewe!!!” Habang tumatagal, mas nagiging malapit silang dalawa sa isa’t isa. Mas close pa nga sila ni Ruke ngayon kumpara sakin.

“How are you, Seth?” Akala mo naman, isang daang taon sila hindi nagkita dahil sa tanong niya. Eh, kahapon naman, buong araw silang magkasamang dalawa.

“I’m fine, Daddy. How bout ya’?” Halatang masayang-masaya si Seth na dinalaw na naman siya ngayon ni Ruke. Parang hindi man lamang sila nagsasawa sa isa’t isa.

“Great! Especially that I saw you already.” Kung titingnan mo itsura ni Ruke, parang hindi siya nagwala kanina. Binulungan ng kapatid ko si Ruke pero narinig ko naman.

“Daddy, Mommy was sad this mownin’.”

Habit na siguro nilang dalawa yun na imbes sekreto yung ibubulong, pinaparinig pa nila. Sana, sinabi nalang, ganun din naman pala ang kalalabasan. Napatingin sakin si Ruke tapos kay Seth na naman ulit.

“Really? Tell me all about it, son.”

“When I woke up, I saw hew in my woom. She was about to cwy.” Kwento pa ni Seth na akala mo ordinaryong bagay lang yun. “I know what will make her happy, Daddy!” Parang pinapasikat pa ni Seth yun.

“What is it, Seth? Wow. How come that you know it and I don’t?”  Ito namang si Ruke, ewan ko kung talagang bumilib o sinasakyan lang si Seth para hindi magtampo sa kanya.

“Ya' just have to hug hew. She told me that it would make hew happy.”

“I never told you that, Seth.” Kontra ko naman agad ang sinabi ni Seth. Alam naman ninyo ang ugali ni Ruke, iba ang takbo ng pag-iisip. Napatingin naman silang dalawa sakin.

“But when I hugged ya’ eawliew, ya’ became happy.” Nagtatakang na siguro sakin si Seth. Err… Ang hirap talagang mag-explain sa bata. Nilapitan ko siya at mahinahon na nagpaliwanag.

“Well, it’s different in your case because-----“ Di ko pa man natatapos yung sasabihin ko, sumingit na naman sa usapan ang bruho. Ang masama pa, mukhang may binabalak na namang masama dahil sa expression ng mga mata niya.

“Do not believe with what your Mommy’s saying, Seth.” Binaba muna niya si Seth tapos dahan-dahang lumapit sakin. Dahil hindi ko namang ine-expect na yayakapin niya ako, hindi tuloy ako nakawala sa kanya. Kahit palag ako ng palag, hindi niya ako pinakawalan. “Sus… Pakipot ka pa diyan. Alam ko namang gustung-gusto mong yakapin kita noon pa, eh.”

Kung wala siguro ang kapatid ko, nasakal ko na ang bruhong ‘to. Pinakawalan na niya ako pero humirit pa. “Uyyy… Look Seth! Your Mommy is in total bliss now!”

“Anong total bliss ang pinagsasabi mo diyan?! Nakakainis ka talaga kahit kalian!” Asar na sabi ko sa kanya.

“Alam mo, Harrow, the more you hate, the mowe ya’ love!”

“Seth!” Nagulat talaga ako sa kapatid ko! Ang bata-bata pa, kung anu-ano na ang nalalaman!

“See? Even Seth knows it!” Tatawa-tawang sabi ni Ruke. Halatang tuwang-tuwa siya na may kakampi na siya. Napatingin ako kay Seth. Ano ba yan?! Pati ba naman kapatid ko nakikipagsabayan na rin sa pang-aasar sakin?! Nakakainis talaga ang bruhong ‘to! Sarap paslangin! Hanggang sa natapos kaming kumain, hindi ako tinigilan ng dalawa. Ewan ko ba. Hyper sila, eh. Naging peaceful lang ang araw ko ng nagyayang mag-basketball si Seth. Hindi rin naman nagtagal ang laro nila dahil nakatulog agad si Seth. Siguro pagod pa siya sa nangyaring outing nila ng best friend niya. Hiniga lang muna siya ni Ruke sa may bench doon. Ako naman, pinilit siyang turuan ako sa tamang pag-shoot.

“Napapansin ko, ha? Parang ayaw mo talaga akong payagan mag-shoot ng kahit isang bola. Pinagloloko mo ba ako?” Nakakailang tira na kasi ako sa bola pero laging mintis. Si Ruke naman, tawa lang ng tawa. May nalalaman pa siyang tamang position ng mga kamay, sablay naman palagi. “Sabihin mo nga sakin ang totoo, tama ba ang hinala ko?” Mas lalo pa siyang tumawa ng malakas. Sinasabi ko na nga ba!

“Bruho ka talaga! Porke ba pupunta ka na sa America next week para maging player ng NBA, naging mayabang ka pa lalo!”

"Uyyy... Bakit may hinanakit ka diyan? Siguro mami-miss mo ko ng sobra kapag nasa America na ako, noh? Araw-araw ka sigurong tatawag, magte-text, makikipag-chat sakin. Aminin..."


“You’we goin’ to Amewica?”

Napalingon kami nang magsalita si Seth. Nagising siguro siya dahil sa ingay namin ni Ruke.

“Sweetie, come here.”

Pero hindi ako pinansin ni Seth. Nakatingin lang siya kay Ruke ng masama.

“Ya’ lied! Ya’ pwomise that you’we nevew goin’ to leave us again! I hate ya’! Liaw! I dun wanna talk to ya'!”

Pagkatapos nun, mabilis na tumakbo si Seth papalayo. Nang tingnan ko si Ruke, nakatulala lang siya. Parang hindi pa rin makapaniwala na sinigawan siya ni Seth.

 












































Diyos ko…

 





























































Panibagong problema na naman ‘to...




















































































 

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com