untitled
viviti


*54: PAST *

Dinala ako ni Ruke sa pinaka-likod ng school namin. Ang alam ko, minsan lang may pumupuntang na tao dun. Ayaw din kasing payagan yung mga estudyante na pumunta dun, ewan ko kung bakit. Pero dahil si Ruke ang kasama ko ngayon na sobrang tigas ng ulo, walang makakapigil sa kanya kahit na sino.

Pabagsak na umupo siya sa sahig at dahil hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko, pati ako napauo na rin. Tahimik na naman siya. Nakatingin lang sa malayo.

“Sorry…” Napatingin ako sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko masyadong narinig yung sinabi niya dahil parang binulong lang niya iyon sa hangin. Isa pa, hindi typical sa isang Ruke Kruger ang humingi ng tawad kahit pa nga siya ang may kasalanan talaga.

Wala din naman akong maisip na dahilan kung bakit nag-sorry siya, di ba? As far as I could remember, hindi naman ako ang malapit niyang mapatay kanina, so why?

“Alam kong natakot ka sakin kanina. Napansin ko yun dahil nag-aalangan kang lumapit. Don’t worry, kung may mga tao man akong hindi ko kayang saktan…” Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

“Kayong dalawa yun ni Seth.” Nginitian niya ako, pero yung mga mata niya… Parang ang lungkot-lungkot.

Hinigpitan ko din ang hawak sa kamay niya. Kahit lamang sa ganung paraan, maparamdam ko sa kanya na hindi siya nag-iisa.

“Its okay, Ruke. I know you wouldn’t do such a thing without a reason behind it. I understand… Believe me, I always do.”

“You’re right…”
He sighed again. Tumingin na naman siya ng malayo. “That bastard…” Ngayon, hindi lang mga mata niya ang malungkot, pati sa boses niya ramdam ko na parang napipilitan lang siya i-kwento ang nangyari. Napansin ko rin na galit talaga siya.

“Ayos lang naman kung hindi mo kayang i-kwento. Hindi mo obligasyong sabihin sakin kung ano man ang totoo.” Alam ko kasing nahihirapan siya.

“No… Matagal ko nang gustong sabihin ‘to sa taong alam kong mapagkakatiwalaan ko. Sa tingin ko, dapat lang malaman mo ang totoo. Nahihirapan na rin naman akong itago lang sa sarili ko ang nakaraan, eh.”

“Gene… Ang sabihing galit ako sa kanya ay kulang. Galit na galit ako sa kanya! Kung hindi dahil sa kanya, sana buhay pa rin hanggang ngayon ang Daddy ko!” Binitiwan niya ang kamay ko at sinuntok ang pader dun.

“I was in grade six then. Kaaway na ng grupo namin ang grupo niya. Alam kong galit siya samin, lalo na sakin dahil ako lagi ang nagiging MVP sa basketball. Ayaw niyang tanggapin na nalamangan ko siya. Magaling din naman siya pero mas magaling lang talaga ako.”

Napatingin ako sa kanya. Akala ko nagjo-joke lang siya. Ang yabang kasi, eh! Nang makita kong seryoso pa rin siya sa pagkwe-kwento, di nalang ako nagsalita.

“Isang araw, pag-uwi ko sa bahay namin, nakita ko nalang ang Daddy na inatake ng stroke niya. Ako lang ang tao nun sa bahay. Tumawag ako sa hospital pati na sa Mommy ko pero busy lahat. Ang ginawa ko, lumabas nalang ako ng bahay at humingi ng tulong. Pero dahil inabangan ako ng gagong yun kasama ang mga barkada niya, namatay tuloy ang Daddy ko!”

“Hindi rin nagtagal, sumunod na rin ang Mommy ko. Naiinis ako sa saili ko dahil wala na nga ang Daddy ko, pinalungkot ko pa ang Mommy ko dahil wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak.”
Hindi ko talaga ma-imagine na iyakin palang bata si Ruke. Impossible! At ngayon ko lang nalaman na ang dami ko pa palang hindi alam sa pagkatao niya. Ulila na pala siya, kawawa naman. Kaya pala mag-isa lang siyang nakatira sa mansion niya.

“You know what? I really admire, Seth. Once, I asked him what he would do if ever he didn’t find me. Sabi niya, siya nalang daw ang mag-aalaga at magpapasaya sayo para hindi ka na daw malungkot. Sana… Sana pareho nalang kaming mag-isip ni Seth. Kung si Seth siguro ang naging anak ni Mommy, mas magiging masaya siguro siya. Seth is a wonderful kid. I’m glad that he is my son.” Tumingin na siya sakin. Parang okay na siya. Totoo na kasi yung ngiti niya.

“Kaya kahit pupunta na ako sa America, hindi na ako mag-aalala sa inyo. Alam ko kasi, hindi ka pababayaan ng anak ko.”
Sa sinabi niya, ako naman tuloy ang nalungkot. Totoo pala ang balita sa school paper, siya lang nga mag-isa ang aalis. Iinawan na nga talaga niya kami ni Seth.

Tumayo na ako. Ayoko kasing makita niya na naiiyak na ako. “Balik na tayo sa gym.” Sabi ko habang nakatalikod sa kanya.

Tumawa siya. “Kaya umalis ako dun dahil ayoko kong maglinis ng kalat ko, eh. Pabayaan mo na sina Muggy dun.”

Pumunta siya sa harap ko at parang nagulat pa siya nang makitang umiiyak na ako.

“Ang drama mo naman. Para lang sa kwento ko, naiyak ka na.” Tumawa na naman siya at inabutan ako ng tissue.

“Let’s go. I want to visit my son.” Kinuha na naman niya kamay ko at hinila. Manhid ka talaga, Ruke….

 

 









































 

 

 

Manhid!













































































 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com