untitled
viviti


*53: GENE *


Huminto kami ni Saggy sa gym. Nagtaka naman ako sa kanya. Wala naman kasing kakaiba maliban na lamang na walang naglalaro ngayon sa kanila samantalang practice game naman dapat ang nangyayari. Lahat tahimik. Si Ruke, nasa dulo na naman ng gym nakaupo mag-isa. Nakatalikod siya sa amin. Nag-iba lang ang pakiramdam ko ng mapansing tahimik na tahimik ang mga tao dun. Walang kahit isa ang nagsasalita. At katulad ni Saggy, parang balisa lahat. Hindi nga sila gumagalaw, parang may kinatatakutan. Hindi na ako nakatiis, lumapit na ako kina Ahia na sobrang layo ng agwat kay Ruke.


“Ahia, bakit hindi kayo nagpra-practice?” Mukhang lahat sila nagulat pa nang magsalita ako. “Ano ba ang nangyayari sa inyo? Ang weird naman ninyo ngayong araw na ito. Akala ko pa naman, si Saggy lang ang sinasapian." Hindi man lamang sila natawa sa joke ko. Bumuntung-hininga ako at umupo. "Okay, tell me what really the problem here."

 

Huminga muna ng malamim si Ahia bago nagpaliwanag. "Ruke... Nakita ni Ruke si Gene kanina." Mas lalo akong nagtaka. Sino naman ang Gene na yun at napasok sa gulo na 'to? Bakit masyado yata silang nag-aalala na nakita ni Ruke yung taong yun?

"Yung Gene na yun, siya yung mortal enemy ni Ruke. Hindi talaga namin alam ang totoong nangyari, pero kapag nagkikita sila ni Ruke, laging nagagalit si Ruke. Kanina, binugbog na naman niya si Gene. Mabuti na lang, nakita namin at napigilan. Nagalit na pa siya na nakialam kami sa kanila.” Tumingin sakin si Ahia. "Kung hindi kami nakialam kanina sa kanilang dalawa, malamang napatay na ni Ruke si Gene, Harrow."

Dun na talaga ako nagulat. Alam ko namang mahilig makipag-away si Ruke. May pagka-bayolente rin siya kung minsan pero may limit naman. Yun ang pagkakaalam ko. Pero sa kwenekwento ni Ahia ngayon sa akin, nakaramdam na ako ng konting takot sa kanya. I never expected that from him. Sa mga ipinapakita niya sa akin, lalo na kay Seth, masasabi kong mabait naman talaga siya. Madali nga lang mag-init ang ulo at may pagka-isip bata pero nandun pa rin yung fact na, isa siyang mabuting tao.

 

"May nagawa bang masama yung Gene na yun kay Ruke?" Tumingin ako sa direksyon ni Ruke na parang statue na. Ganun ang posisyon niya ng makita ko siya kanina.

"I'm not really sure about that. Bata pa lang si Ruke, mainit na ang dugo niya kay Gene. Siya nga ang dahilan kung bakit lumipat ng school si Gene. Kanina, nag-enroll siya dito pero sa tingin ko, nag-drop na naman siya dahil sa nangyari."

"Kausapin mo kaya siya, Harrow." Suggestion ni Muggy

Tumanggi naman agad ako. Pano kung ako naman ang pag-initan ni Ruke? Ayoko pang mamatay, noh! "Kayo nalang. Natatakot ako."

"Wala naman sigurong gagawin sayo si Ruke. Kapag walang magpalamig sa ulo niya, baka mangyari na naman ang nangyari noon na lahat ng tao nadamay." Napa-isip ako. Ayoko rin mangyari ang ganun. Malapit na siyang umalis. Baka dahil sa nangyari kanina, pati si Seth madamay. Hindi ko naman gustong may samaan sila ng loob kapag pumunta na siya sa America. Tumayo na nga ako at dahan-dahang pumunta sa pwesto niya. Hindi pa nga ako nakakalapit sa kanya, halos mahimatay na ako sa kaba.

"Hey..." Hindi man lamang niya ako tiningnan. Tahimik lang siya at halatang galit talaga. Napansin ko rin na ang dami niyang pasa sa kamay niya. Umupo na sa tabi niya at hinawakan siya sa kamay para tingnan yung mga pasa niya. Hindi naman niya binawi yun kaya medyo nabawasan ang kaba ko.

"Okay ka lang ba?" Hindi pa rin siya sumagot. Kung ako ang papapiliin, mas gusto ko pang magwawala siya kapag galit kaysa sa ganito. Ang tahi-tahimik. "Oi, magsalita ka naman diyan. Sige ka, mapapanis ang laway mo niyan." Deadma pa rin ako. Ano ba naman 'to? Daig ko pa ang may kausap na bato, eh.

"You know, you shouldn't stop yourself. Kung galit ka, magalit ka. Mas masama kapag itinatago, isinasarili mo lang yan. Magwala ka kung gusto mo, pero sana naman, pagkatapos nun, bumalik ka na sa dati. Isipin mo nalang, kung dinadamdam mo pa rin kung ano man ang nangyari sa inyo ng Gene na yun, pwedeng makaapekto sa relasyon mo kay Seth."

Dun na siya napatingin sakin. Blanko lang yung expression ng mukha niya. Ewan ko kung ano sa mga sinabi ko ang nagkatawag sa kanya ng pansin. Kinuha niya yung kamay niya mula sa kin at tumayo. Nag-umpisa na nga siyang magwala dun. Alam kong nagulat sina Ahia dahil imbes na maging okay ang lahat, lumala pa tuloy. Pinabayaan ko lang siya. Kahit sirain niya ang lahat ng gamit sa gym, ayos lang basta pagkatapos nito, wala nang problema.

 

"Sige! Gawin mo lang ang gusto mo, hindi kita pipigilan." Sa sinabi ko, napatingin tuloy lahat sakin.


"Damn you, Gene! You son of a bitch! You're definitely going to pay! I will not stop until you rot in hell!" Yung ginawa ni Seth noon, triple pa sa nangyari ngayon.

"Holy name of Jesus, save us." Gusto kong matawa sa sinabi ni Mitts. Ang OA niya, ha?

"You are so gonna fry, fag!"

"Pareho nga sila ni Seth..." Sabi naman ni Muggy na halatang mas lalong natakot kina Ruke at Seth. Nang matapos si Ruke, nilapitan agad niya ako at hinawakan ang mga kamay ko.

"Let's get out of here." Yun lang at hinala na niya ako palabas habang sina Ahia, naiwang nakatulala.

















































































 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com