untitled
viviti


*52: SCHOOL PAPER *

 

“Mommy… Ya’ goin’ alweady?” Papalabas na ako ng kwarto ni Seth ng magising siya.

“Not yet if you still wanted me to stay.” Lumapit ulit ako sa kanya tutal maaga pa naman.

Bumangon na siya ng tuluyan tapos tinitigan ako. “Why awe ya’ sad, Mommy?” Humahanga talaga ako kay Seth. Matalinong bata siya. Kahit ngumingiti ako, nalalaman agad niya kung masaya ba talaga ako, o malungkot sa isang tingin lang.

“Why don’t you give Mommy a hug so that she wouldn’t be sad anymore?” Yun lang at niyakap na nga niya ako ng mahigpit.

“I will tell Daddy that you’we sad so that both of us give ya’ a hug. And you’ll suwely be happy again! Am I wight, Mommy?” Sa sinabi ni Seth, mas lalo tuloy akong nalungkot. Dahil ang taong tinutukoy niya na magpapasaya sa akin, ay magbibigay rin pala ng kalungkutan sa buhay ko. Kung tutuusin, hindi naman ako masyadong nag-aalala para sa sarili ko. Mas natatakot ako sa magiging reaction ni Seth kapag malaman niyang aalis si Ruke. Kung bakit naman kasi, kung kelan naging malapit na sila sa isa’t isa, saka naman magkaka-problema.

“Seth, do you want to go back in America again?” Dito nalang nakasalalay ang lahat sa magiging sagot niya. Malaki kasi ang hinala ko na ayaw na niya dun lalo pa nga’t di pa naman yata niya nakikita yung naiwala niyang bagay na hindi ko malaman hanggang ngayon kung ano ba talaga.

“Nooo… Not evew…” Sabi ko na nga ba, yung ang isasagot niya.

“You know, your friends already missing you.” Pagpipilit ko pa rin.

“Tis okay, Mommy. I’ve a kiddie phone to text them. I got a lotsa load! I could even use my PC to chat with them. Yestewday, Daddy taught me how to do it!” Kahapon pa nakauwi si Seth galing sa outing. Pero parang hindi man lamang napagod ang kapatid ko sa kalalangoy. Nang sinundo namin siya ni Ruke sa bahay nina Jash, nagyaya pa siya na makipaglaro kay Ruke. Ang isa pang hindi ko rin maintindihan, kung bakit pending na naman ang regalo ni Ruke. Ipinaliwanag naman niya kay Seth ng mabuti kung bakit hindi niya maibibigay kaya okay lang sa kapatid ko.

“Hindi mo pa ba nahanap yung naiwala mo na sinasabi mo noon?” Nahihiwagaan talaga ako kay Seth. Siguro, kung hindi ko alam ang totoo, mapapaniwala ako na mag-ama nga sila ni Ruke. Pareho kasi silang malihim sa mga bagay-bagay. Pati ugali, di na sila nagkakalayo. Nginitian lang niya ako. Not a simple one. Kakaibaang ngiti niyang iyon.

“Alright, if didn’t want me to know what it was, could you at least explain to me why you didn’t want to live in America again?” Tahimik lang si Seth. Nang tingnan ko, nakatulog na naman pala siya. Napabuntung-hininga nalang ako at inayos ang pagkahiga niya tapos nagpahatid na papuntang school.

Kabababa ko palang sa sasakyan ng humarang na agad sakin ang mga Jologs ni Ruke. Nakangisi sila tapos parang nang-aasar kung tumingin. Ewan ko ba kung ano ang problema nila.

“Have you read the school paper today?” Pinakita ng leader sakin ang dala-dala niya na parang magazine. “Poor you…” Binato niya sakin ang hawak niya.

“Basahin mo yan!” Tapos tatawa-tawa silang umalis. Napa-iling nalang ako at tiningnan ang binigay nila sakin. Front page si Ruke! Nang buklat-buklatin ko, halos puro kay Ruke ang nakasulat dun.

Umupo muna ako sa may lobby at nagsimulang basahin ang first page.


 THE GREAT DREAM OF RUKE
KRUGER


THE MODEST REMARK OF YEAR:
“Yes… After all, it has always been my great
dream ever since.”

This is an article that surely inspires all
the readers to try harder for their own goals in life to come true. Sometimes,
we easily give up and put all those dreams behind because the expectations we
have been waiting for so long still won’t work.

But it was
different in Ruke’s case. Yes, you heard it right. Our very own Ruke Kruger has finally
decided to go after his dream. He is flying to the United States of America next
week! He even confirmed it with my interview yesterday. Thousands of people
witnessed it! All the students of Shellac Chamber Universal School, including
yours truly, are so happy for him but sad at the same time. Goodness! We are
definitely gonna miss him!

Anyway, with the help of our one reliable source, it
was said that Ruke bought one ticket. As in just one! Which only means that he
is leaving alone. His girlfriend, Harrow Kaneko and their rumored ‘son’, cute
little Seth will remain in the country.



 Hindi ko pa man natatapos ang pagbabasa ng tawagin ako ni Saggy na ewan ko kung bakit pawis na pawis at parang baliw dahil sa itsura.

“Harrow! Harrow, kailangan mong sumama sakin ngayon din! Bilis!” Nanatili pa rin ako sa pagkaka-upo habang siya ay balisa na.

“Bakit?”

“Si Captain…” Hinila na niya ako. “Si Captain…”




















































 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com