*51:GREAT DREAM*
“Bakit ka andito? Di ba, rest day ninyo ngayon ni George?” Tama ang sinabi ni Ruke na pahinga namin ni George tuwing Sunday sa pagiging manager nila.
“Kung hindi niyo naman sana kinalat ni Seth ang locker, natutulog pa sana ako ngayon.” 7:00 pa lamang ng umaga nun. Nung isang araw ko lang nalaman na ang kalat-kalat na naman pala ng locker namin. Ewan ko ba sa kanilang dalawa ni Seth kung bakit di nila magawang dahan-dahanin ang pagkuha ng mga gamit. Tinawanan lang ako ng bruho!
“Tumigil ka sa kakatawa diyan at baka hindi kita matantiya!” Bad trip talaga ako. Paano ba naman, ilang araw na akong kulang sa tulog. Unang dahilan, yung sa birthday ni Seth. Madaling araw na nang matapos. Nakalimutan ko pang gumawa ng mga school works at bukas na ang deadline. Patay na patay talaga ako!
“Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon? Wag mong sabihin…” Tinaas-baba niya mga kilay niya tapos tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
“Ano?!” Bwisit talaga ang bruhong ‘to! Siya, ang saya-saya niya, ako naman, nagdurusa! Kaasar!
Tumawa na naman siya nang nakakaloko. “Natupad na ba wish ni Seth?”
“Anong wish?!” Dahil masakit ang ulo ko, di na ma-absorb ng utak ko ang mga pinagsasasabi niya.
Ngumisi siya. “You know, about the baby brother he mentioned during his birthday wish.” Tiningnan ko siya ng sobrang sama. “Uyyyy… Buntis na siya. May bago na kaming baby…” Hindi na talaga ako nakapagpigil, binigyan ko na siya ng sunud-sunod na batok.. “Aray! Aray! Hey!” Puro yun lang ang maririnig mo sa kanya habang umiiwas sakin.
“Yan ang bagay sayong bruho ka!” Si Ruke, minsan lang yang mang-asar, pero tagos na tagos naman sa isang beses lang. Talab na talab talaga to the point na parang gusto mo na siyang patayin! Inayos agad niya ang buhok niya ng makalayo sakin.
“Bakit kaya ganun pag buntis, noh? Masyadong mainitin ang ulo.” Nakakalokong ngumiti pa siya sakin. “Ang gwapo siguro ng magiging kapatid ni Seth. Ako ba naman ang paglihian mo!” Nag-snap pa siya dun.
“Hindi ako buntis, bruho ka! Wag kang gumawa ng kwento diyan!” Mas lalo pa niyang nilakasan ang tawa niya. “Kailan ba babalik si Seth?!” Iniba ko nalang ang topic at baka malimutan kong bawal pumatay ng tao.
Sinama si Seth sa outing nina Jash. Dapat hindi ko papayagan yun kasi walang magbabantay, nag-aalala ako, pero itong bruho nang nasa harap ko ang nagpasya para sa kapatid ko. Sa kanya na rin kasi nagpapaalam lagi si Seth kapag may gusto. Obviously, nagkakampihan ang dalawa. Isa pa, panatag na rin ako kahit papano. Pinasama naman ni Ruke si Mang Jefferson na nag-alaga sa kanya simula bata pa siya. May bodyguards pa!
“The day after tomorrow. Sa araw na iyon ko na rin ibibigay birthday gift ko sa kanya.” Sabi niyang parang hindi na makapaghintay na ibigay kay Seth yun. Nahihiwagaan talaga ako sa regalong ibibigay niya kay Seth. Bakit ba hindi pwedeng maibigay yun sa mismong birthday ng kapatid ko?
“Okay…” Lumakad na ako papuntang locker room. Nang papapasok na ako, saka naman niya ako kinausap ulit.
“Pssst!!! Harrow!!!” Andiyan na naman yang nakakainis na ngiti niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Alam ko kung ano ang totoong dahilan kaya ka pumunta dito.”
“Oh really? Tell me…” Pakikisakay ko sa topak niya. Kinindatan niya ako bago sinabing…
“Gusto mo lang akong makita, eh. Siyempre, ayaw mong hindi nakikita ang crush mo kahit isang araw lang.”
“Bwisit ka talagang bruho kaaaa!!!” Pabalibag na isinara ko ang pinto ng locker room. Nagulat tuloy sina Muggy na nasa loob pala. “Sorry…” Nahihiya kong sabi. Kahit sa loob ng locker room naririnig ko pa ang halakhak ng bruho sa labas.
Nagkatinginan sila. “Si Captain ba yung tumatawang yun?” Palihim na sumilip sila sa labas.
“Si Captain nga!” Para bang hindi sila makapaniwala sa nangyayari.
“Nandiyan na pala si Jiaolian, labas na tayo.” Tinodo na nila ang pagbubukas ng pinto. Nakita ko na rin si Ahia, may kasamang mga foreigner.
“I know those guys! They’re the NBA recruiters!” Pati ako, napatayo na rin. NBA?! Ang pangarap na masalihan ni Ruke, bakit nandito sila? Nilapitan ng mga ito si Ruke na mukhang nagulat din base sa reaction niya. Nag-usap ang mga ito. Si Ruke patango-tango lang.
Tapos nung sa pinaka-huli na, napansin kong masayang-masaya silang lahat at nag-shake hands pa. Kahit si Ruke, kakaiba ang ngiti niya ngayon. Yun bang, wala nang sinuman ang makakasira sa araw niya. Nang makaalis na ang mga NBA recruiters, nagsidatingan naman ang mga staff ng school paper.
“Ruke Kruger, we heard that the NBA recruiters were here for you. Did you accept their invitation?” Kinabahan kaagad ako. Lahat ng mga mata, nakatutok kay Ruke. Inaabangan ang sasabihin niya. “Well?” Halatang excited na ang reporter na malaman ang isasagot ni Ruke.
“Yes…” Nag-umpisa nang umalis si Ruke tapos tumigil saglit ng malapit na siya sa pintuan.
“After all, it has always been a great dream for me ever since…”
Great dream? Diyos ko… Pupunta siya sa America… Paano na kami ni Seth…???


bravenet.com