*49: TICKLES GAME*
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto.
“Who’s there?”
Nang-aasar ba ang bruhong ‘to? “It’s me.”
Pinagbigyan ko nalang siya kahit gustung-gusto ko na siyang hampas-hampasin ngayon din.
“It’s me who?”
“Ruke, isa! Kapag ako talaga mapikon sayo…” Narinig kong tumawa siya tapos binuksan na ang pinto.
“Cool it down, will you?” Tatawa-tawang sabi niya sakin. Wala pa siyang suot na damit. Bastos talaga!
Tinulak ko siya pero mahina lang. “Magdamit ka nga!”
“Asus… Kunwari ka pa diyan. Gustung-gusto mo naman ang nakikita mo.” Nag-pose pa siya na parang muscle man. Tiningnan ko siya ng napakasama kaya kumuha agad siya ng tee-shirt at tatawa-tawang nagbihis.
“O, o, magdadamit na nga ako, eh.” Nang masuot na niya ang damit, binuksan niya ang mini-ref niya tapos kinuha ang chocolate cake at sinindihan.
Sa bahay errr… I mean mansion ni Ruke kami natulog kagabi. Dito kasi gagawin ang birthday party ni Seth. Masyado raw kasing masikip sa bahay namin. Ang liit-liit daw, kung hindi ba naman napakayabang!
Sa kwarto niya natulog si Seth dahil ayaw talagang humiwalay ng kapatid ko sa kanya. Ako naman sa katabing kwarto natulog.
Nilapitan ko si Seth na natutulog pa rin hanggang ngayon. Ewan ko kung anong oras nang natulog ang dalawa. Naglaro pa kasi sila ng basketball kagabi. Nagpaturo si Seth sa kanya. At, oo! May court sa bahay ni Ruke!
“Sweetie, wake up…” Naki-upo na rin ako sa kama ni Ruke na sobrang laki! Ang lambot nga, eh! Mas triple pa ang lambot sa tinulugan ko.
“Seth…” Nag-try ulit akong gisingin siya.
“Hrrrmmm?” Mas lalo pang sumiksik si Seth sa loob ng comforter.
“Get up already, Seth…”
“But Mommy, I dun have classes today…” Reklamo agad niya halatang nakalimutan na kung ano ang meron ngayon.
“Alright… Since it’s your birthday to—“
Napabalikwas agad nang bangon si Seth. “It’s alweady mownin, Mommy?!”
At parang magic na nawala agad ang antok niya. Tumalon-talon pa nga siya sa kama, eh. Tawa lang ng tawa si Ruke habang pinanonood si Seth.
“Mommy! Daddy! I’m alweady fouw yeaws old! Oh yeah!”
“Happy birthday, son!” Nakangiting nilapitan niya si Seth at pinakita ang chocolate cake.
“Wow! My favowite food!”
“Happy birthday, Sweetie! Blow the candle, but make a wish first, okay?”
Tumingin muna siya sakin tapos kay Ruke. Parang nag-aalangan na nahihiya na hindi ko maintindihan si Seth.
“Can I make any wish?”
“Of course, sweetie!”
Tiningnan ni Seth ang chocolate cake niya tapos pumikit.
“I wish I will have a baby bwothew soon!” Then hinipan niya yung kandila.
Nagkatinginan kami ni Ruke. Malapit na ngang mabitawan niyang yung cake eh, mabuti nalang kinuha agad ni Seth at nilagay sa dashboard ng kama.
Una muna niyang nilapitan si Ruke. Niyakap at hinalikan. “Thank ya’, Daddy!”
Gumanti rin si Ruke at ginulo pa nga buhok niya. “You’re welcome, son!”
Tapos sakin naman. “Thank ya’, Mommy!”
“You’re always welcome, Sweetie!” Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kay Seth. Ang cute niya kasi! “Ang laki-laki na ng anak ko!” Binuhat ko siya pero nagpababa agad siya.
“Mommy, put me down. I’m not a baby anymowe.” I heard Ruke chuckled at that. “Mommy…” Tawag ni Seth sakin na nagtatalon-talon na naman sa kama.
“Yes, Sweetie?”
“D’ya’ think God will gwant ma’ wish?” Hindi ako nakasagot agad dahil obviously, nagulat talaga ako sa tanong niya. Bakit ba kasi yun pa ang naisipan niyang hilingin?
“Errr…” Huminto na siya sa pagtalon. Nakatingin nalang siya sakin, halatang ina-anticipate ang isasagot ko. “Aherm…” Napangiwi na ako. “I—“
“Of course, Seth! God will surely grant your wish because you are such a good boy.” Kinindatan ako ni Ruke. Kahit papano, nakahinga ako ng maluwag sa pagsaklolo niya sakin.
“Yehey! Yehey! Look Daddy, Mommy! I can weach the ceiling! I’m a big boy now, wight?!” Tuwang-tuwang sabi ni Seth habang nagtatatalon na naman.
“Right, Son. And do you know what Daddies do to their son that turned big boys?”
“What?” Lumapit na talaga si Seth kay Ruke. Mukhang curious na curious.
“This!” Bigla na lamang niyang sinunggaban si Seth at kiniliti.
“Daddy stop! That tickles!” Namumula na si Seth sa kakatawa. Pinipilit niyang makawala kay Ruke na hindi naman niya magawa.
“But I must do this because our baby’s already big.” Patuloy pa rin si Ruke sa ginagawa.
“Mommy, help meeee!”
Pati ako, natatawa na rin sa kanilang dalawa. “Ruke…” Saglit na tumigil si Ruke at tumingin sa direksyon ko.
“Hmmm?” Si Seth, nakawala na at lumayo agad sa kanya.
“Mommy, thanks!” Hinihingal na sabi ni Seth pero…
Kinindatan ko si Ruke. “Let’s catch Seth and tickle him once more!”
“Good choice!” Tatawa-tawang sabi ni Ruke sakin.
“Waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!” Sigaw ni Seth habang hinunahabol namin siya ni Ruke.
“Somebody help meeeee..."


bravenet.com