*48: PROBLEM SOLVED*
Napatingin kaming lahat sa labas ng gym nang makita naming may mga taong papapasok.
“What the…”
“Whoa!”
“Holy cow!”
Yung lang ang nagawang sabihin nina Dylan, Dennis, Fuji, Eiji, Rei, Tori at Ayame nang makita nilang napakagulo ng gym.
“Kaaayos lang namin ng gym…” Maya-maya, narinig kong sabi ni Ruke.
Sa nakikita ko sa mukha niya, parang handang-handa na siyang sugurin at patayin kung sino man ang nagkalat sa gym.
“Who the hell did this?”
Naghiwa-hiwalay agad ang Thimbleweed para ipakita si Seth na natatakpan nila kanina. Tiningnan naman sila ni Ruke isa-isa.
“What’s with—“
Binalik ulit niya ang tingin sa direksyon ni Seth nang sa wakas ay mapansin na niya ito.
“Seth? Seth, stop!”
Napatigil naman si Seth nang marinig ang boses ni Ruke. Sisipain na kasi ng kapatid ko ang isang napakalaking basket na puno ng bola. Kung hindi siguro dumating si Ruke, gumugulong na ngayon ang mga bola.
Nilapitan agad ni Ruke si Seth at hinawakan ang mga kamay. “Hey… Why are you crying, Seth?”
“I-I won’t t-talk to ya’ anymowe! You’we all bad! Liaws! Liaaaaaawwwwwssssss!!!” Binawi niya ang kamay niya kay Ruke then tinalikuran niya kami. Kumuha siya ng isang upuan at hinila iyon sa pinakadulo ng gym tapos umupo.
Kami naman ang binalingan ni Ruke na parang nako-confuse na sa nangyayari. “Inano niyo ba anak ko?!”
“Wala po kaming kasalanan, Captain! Si Harrow po!” Anong ako?!
“Hala…. Lagot ka, Harrow!” Dumagdag pa sina Dennis at Eiji.
“Shut up!” Mas lalo tuloy nag-init ang ulo ni Ruke.
“Kung mangungulit lang kayong dalawa dito, mas mabuti pang umalis nalang kayo!”
Natahimik naman agad ang dalawa. Ayan tuloy, nabulyawan… Ang kukulit kasi, eh.
“Will you explain to me what happened?” Tanong sakin ni Ruke.
Ipinaliwanag ko naman agad kung ano ang totoong nangyari kanina. Kay Ruke lang nga dapat yun kaso mukhang interesado rin ang iba sa nangyari.
“That’s the whole story…” Pagtatapos ko.
Napahawak si Ruke sa noo niya. “Oo nga pala… Why did I ever forget that one?”
“Aba… Malay ko sayo.”
“You should have waited for me first before telling him that.”
“May mababago ba? Yun pa rin naman ang mangyayari, eh.”
“No. Hindi sana mangyayari ‘to.” Iniwan niya kami tapos lumakad papunta kay Seth. Tumahan na rin ito sa pag-iyak pero namumula na ang mga mata at ilong.
Umupo si Ruke sa sahig. “Seth… Come here…”
“No.” Nakasimangot na sabi ni Seth.
Mukhang nag-isip muna si Ruke ng magandang sasabihin.
“If you don’t come near me, you’ll never ever see me again.” Pananakot ni Ruke na gumana naman dahil yumakap agad sa kanya si Seth.
“Dun do that…” Nag-umpisa na namang umiyak si Seth. Halatang natakot sa sinabi ni Ruke.
“Hey, hey, hey… Hush now, Seth… It wouldn’t happen. I’m just trying to scare you so that you’ll come near me again.”
“Mommy told me about the national touwnament that was why I got angwy. It makes me sad that you can’t come to my biwthday…”
Natawa si Ruke. “I’ll be there at your birthday Seth.”
“Pero Ruke, paano ang game niyo?” Okay lang sana kung Regional Tournament lamang yun.
“Kaya na nila yan, right team?” Tiningnan niya sina ang mga ka-teammates niya.
“Siyempre naman, Captain! Kami pa! Mas magaling pa nga kami sayo, eh.” Biro ni Mitts.
“Liaw!” Sigaw na naman ni Seth. Napatingin tuloy kaming lahat sa kanya.
“What’s the problem, Seth?”
Tinuro ni Seth si Mitts. “Mitts is a big fat liaw! He said they’we bettew than ya’! Liaw!”
Akmang susugurin na ni Seth si Mitts nang pigilan siya ni Ruke.
“Ooopppsss… Seth, he was not serious with what he said.”
Tawa kami ng tawa doon.
“Mana sayo anak mo, Ruke.” Pailing-iling na sabi ni Dylan.
“Oo nga. Nanunugod eh.” Sang-ayon naman ni Dennis sa kapatid.
“Mas matapang pa nga siya kay Captain…” Sabi ni Mitts na kanina ay medyo namutla. Tumawa ulit kami.
“Dun lie again. It’s bad.” Pangangaral ni Seth.
“Yes, Sir!” Parang tanga na sumaludo pa si Mitts sa kapatid ko.
Lumapit si Ruke sakin. “I think you owed someone an apology, Seth.” Binigay niya sakin si Seth.
“M-mommy… I’m sowwy…” Nahihiyang sabi ni Seth sakin.
“It’s all right, Seth… Pero wag mo nang gagawin yun, ha? I don’t want you to be a violent boy someday.”
“Pwomise… I won’t…”
“Okay… Enough with that drama. Seth, aren’t you gonna invite us to your party?” Nakakainis ka talagang Dennis ka! Sinira mo moment namin!
“Uncle Dennis! Yeah! You awe all invited, wight Mommy?” Nakangiting tanong sakin ni Seth.
“Ha?!” Patay! Kung pupunta sina Dennis, mas lalong mamumulubi ako! Ang tatakaw tapos mahihilig pa sa mahal na mga pagkain!
“Nakakainsulto ka naman, Harrow. Bakit parang ayaw mo kaming papuntahin, ah.” Kunwari, nagtatampong sabi naman si Eiji.
“Hindi naman sa ganun…” Napangiwi ako.
“I guess you’re worrying about the money, right?” Sabihin mong ikaw ang gagastos! Sabihin mong ikaw ang gagastos! Pleaseeeeeeeeeeeee?????
“That’s really a very big problem of yours, Harrow.” Tumawa siya doon nang nakaka-asar. “Halika na, Seth.”
Nag-umpisa na nga silang magsi-labasan lahat para mag-snack muna.
“Hey, Harrow!” Napatingin ako sa bruho na nasa pintuan na.


bravenet.com