untitled
viviti


*47: NATIONAL TOURNAMENT*

 

“Harrow, paki-ayos naman nito.” Ini-abot sakin ni Ahia ang isang brown envelop.

 

“What’s inside of this thing, Ahia?” Curious kasi ako dahil ang bigat!

 

“Papers for the National Tournament next week.” Next week na pala ang tournament? Akala ko, next month pa.

 

Sinunod ko nalang ang ipinag-uutos ni Ahia. Habang inaayos ko ang mga documents sinasabayan ko ding basahin ang mga yun. Nanlako ang mga mata ko nang makita ang schedule para sa game nina Ruke.

 

Ang first national tournament nila ay gaganapin sa mismong araw ng birthday ni Seth! And worst, nakita kong ang lugar kung saan sila magkikipag-laban... Ang layo! Bakit ba kasi dun pa? Kahit maagang matapos ang laro nila, hindi pa rin makakauwi si Ruke dahil makakain lang ang oras niya sa biyahe. Besides, kulang pa ang isang araw para makabalik siya dito. Patay… Paano na si Seth nito?

 

“Seth?!” Sa sobrang pag-iisip ko kanina, hindi ko man lamang namalayan na nasa harap ko na pala kapatid ko.

 

“Hi, Mommy. Do ya’ know whewe Daddy is?”

 

“He’ll be here in an hour.” Napaaga kasi ako ng pagpunta. Mamaya pa ang practice ng team. “Kanina ka pa ba diyan?”

 

Tumango si Seth at umupo sa kandungan ko. “Whatcha doin’?”

 

“Just fixing some things.” Minadali ko na ang pag-aayos.

 

“Ya’ need some help? I’ll help.” Hindi ko na nga siya napigilan. Tumulong siya sakin.

 

Habang tinitingnan ko siya, napansin kong kakaiba ang saya ni Seth sa araw na ito. Siguro dahil sa birthday party niya. Ayyy… Ewan. Ngayon na nga siguro ang tamang oras para sabihin sa kanya ang bad news.

 

“Seth…” Tumingin siya sakin.

 

“Ya’ kinda look sad. Ya’ got some pwoblem, Mommy? Ya’ know, ya’ can tell me and I will solve it!”

 

Natawa ako sa sinabi ng kapatid ko. Kung makapag-salita kasi, parang hindi three years old. “I don’t have a problem but I have to tell you something.”

 

“About what?” Sobrang lapit na sakin ni Seth. Di ko talaga alam na may pagka-chismoso din pala ang kapatid kong ‘to.

 

“Before I tell you, promise me first that you won’t get mad.”

 

“Why? What’s it all about?” Nagtatakang tanong niya.

 

“Promise me first…”

 

Tinaas ni Seth ang kanang kamay niya. “I sweaw.”

 

Yakap-yakap ko siya habang sinasabi ang bad news. “Your Daddy can’t make it to your birthday, sweetie.”

 

Medyo lumayo siya sakin. “What d’ya’ mean, Mommy?”

 

Bigla akong kinabahan. “Daddy has to play for the National Tournament and it is the same date as your birthday.”

 

Pinaliwanag ko sa kanya kung bakit hindi pwedeng makapunta si Ruke.

 

“That’s not… twue…” Nagpupumiglas siya at tuluyan nang humiwalay na sakin.

 

“Seth… Come here…”

 

“No! You’we lying!” Nagulat nalang ako nang bigla siyang magwala! Diyos ko! Kailan pa nag-umpisang maging bayolente ang kapatid kong ‘to?

 

Katulad na katulad ng pagwawala ni Ruke ang ginagawa niya ngayon. Tadyak dito, tadyak doon. Itinapon niya ang mga gamit na nasa mesa tapos tinaob iyon.

 

“Seth, ano ba?! Tumigil ka diyan!” Hindi niya ako pinansin. Mas lumala pa tuloy ang nangyari.

 

“No! I hate you! Liar! Liar! Liar!” Sinapa niya ang bola na nasa harap niya.

 

“Papaluin na kita, Seth!” Sinubukan kong lumapit sa kanya pero hindi ko naituloy dahil baka matamaan ako sa mga itinatapon niyang kung anu-ano.

 

Sumaklolo naman sina Ahia sakin. “Anong kalokohan ‘to?!” Napatingin si Ahia kay Seth.

 

“Seth?! Don’t do that!” Pero walang nangyari sa pagsigaw ni Ahia.

 

“Pigilan niyo ang bata!” Yun nga… Hinawakan nina Muggy si Seth para hindi na makagalaw.

 

“Let go of me! Let go of me! I hate all of you! Liars! Liars!” Nanlilisik talaga ang mga mata ni Seth tapos umiiyak na.

 

“Hawakan niyo lang si Seth. Harrow, tawagan mo si Ruke, bilis!”

 

Nang sabihin yun ni Ahia, bigla na lamang binitawan nina Muggy si Seth na nagpatuloy na naman sa pagwawala.  

 

“Bakit niyo pinakawalan?!” Naiinis kong tanong.

 

“Pasensiya na, Harrow, pero kapag kasali na si Captain, ayaw na naming makialam. Kami ang malalagot sa kanya.” Nakangiwing paliwanag ni Muggy.

 

“Urgh!” Tinawagan ko agad si Ruke. Walang sumasagot. “Bakit ba ngayon ka pa natulog na bruho ka?” Nang ika-cancel ko na sana ang tawag, nang may sumagot na.

 

“Hellooo?” Tama nga ang hinala ko, kaya natagalan ang pagsagot ng bruho dahil natutulog siya kanina.

 

“Ruke!!”

 

“What the… Bakit ka ba naninigaw?!” Galit na bungad niya sakin.

 

“Ruke, you need to be here at the gy—-“ Napatingin ako sa cell phone ko ng biglang maputol ang tawag. Syeeeeeeet!

 

 

 























































 

 

 

Empty bat?!





























Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com