untitled
viviti


*46: LUCKY CHARM*

 

 

“Seth, when we arrive there, I want you to behave, okay? Your Daddy needs some concentration for the game.” Pagpapaalala ko sa kanya.

 

“I will cheer Daddy! Is that alright, Mommy?” Kahit sa kotse ni Ruke, ang daming nagkakalat na laruan. Wala naman yun noong ihatid niya ako, ah.

 

“Of course, sweetie. Your Daddy will be glad if you do that.”

 

Pinasundo kami ni Ruke sa driver niya nang malamang wala si Mang Ambo. Ewan ko ba sa bruhong yun, kahit sinabi ko na sa kanyang magbu-bus nalang kami ni Seth, ayaw niyang pumayag. Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya sakin kanina nang tumawag ulit siya.

 

“Ayokong ipinasasakay mo si Seth sa bus, lalong-lalo na sa jeep. You are not really sure with the health of those people you are going to mingle with. They might have suffered from a certain illness or something. I don’t want my son to get even one.”

 

Kahit may point siya dun, hindi ko pa rin mapigilang mainis sa kanya. Masyado naman kasi siyang overreacting na ultimo lamok dapat hindi ko mapalapit kay Seth. Kapag mangyari yun, papagalitan na naman ako ng bruho. Sarap sakalin!

 

“Seth!” Nakita kong nakatayo si Ruke sa labas ng gym. Halatang kanina pa hinihintay ang pagdating namin.

 

Excited na bumaba agad si Seth sa kotse at nilapitan si Ruke. “I’m gonna watch ya’ play, Daddy! I’ll cheer you up, too!”

 

“Yeah? You’ll do it for Daddy? Then I’m so happy that you’re here.”

 

Hinila kami ni Seth papasok ng gym. “When will the game start, Daddy?”

 

“Now.” Pinaupo siya ni Ruke sa bench.

 

“Good luck!”

 

“Thanks! I’ll win this for you, okay? Leave it to me!” Nag-apiran pa sila tapos pumunta na si Ruke sa court.

 

Magaling ang kalaban nina Ruke dahil yun ang champion sa region nila. Pero sa nakikita ko, parang pa-easy-easy lang ang bruho. Puro deffense lang nga ang pinaggagagawa niya. Aakalain mong nandun lang siya para mag-jogging sa gitna ng court. Pinauubaya niya sa mga ka-teammates niya ang offense. Sa tingin ko, hindi naman sa hindi siya nakaka-shoot. Mukha kasing sinasadya lang niya yun, eh.

 

“Mommy, why is it that Daddy won’t shoot the ball?” Pati si Seth nagtataka na rin.

 

“I don’t know, sweetie.” Dahil yun naman talaga ang totoo. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya.

 

Nakita kong napatingin si Ruke sa direksyon namin. Kinawayan niya si Seth at nang mag-focus ulit siya sa game nila, bigla siyang nagseryoso. Puro sa kanya na ang bola. Hindi na niya pinagbigyan ang kabilang team. Sa bawat pag-shoot niya, lagi siyang nagta-thumbs up kay Seth na tuwang-tuwa naman.

 

Ang total score ay 179-71. Ngayon naintindihan ko na kung bakit pinapasa lang niya kina Muggy ang bola. Kung wala siguro si Seth dun, hindi na siya maglalaro. Kayang-kaya nang manalo ng Thimbleweed kahit hindi sumali si Ruke.

 

“Daddy!!! Daddy!!! You did it! You won!” Masayang sabi ni Seth kay Ruke na nagpapalit na ng damit.

 

“That’s because you’re here. You’re my lucky charm.”

 

“I am? How bout Mommy?” Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila. Bakit naman nasali-sali pa ako?

 

“What do you think she is?” Hinila ni Seth si Ruke paupo para magkapantay na sila.

 

Binulungan niya si Ruke pero narinig ko naman! “I think she’s youw jinx!”

 

Ang lakas ng tawa ng bruho! Nakakainis! Sabi ko na nga ba, bad influence siya sa kapatid ko, eh! “You got it right, Seth!”

 

Tumawa din ang kapatid kong unti-unting nahahawa na sa kasamaan ng bruho. “That was jus’ a joke, Mommy. Dun be mad.”

 

“I’m not, sweetie.” Ewan ko ba, pero kapag nagiging sweet na si Seth, hindi ko na magawang magalit sa kanya lalo na kapag niyakap niya ako.

 

“Daddy, guess what!”

 

“What?”

 

“I’m tuwnin’ fouw next week! Gonna be my biwthday!” Tumatalon-talon pa si Seth habang sinasabi yun.

 

Mukhang nagulat si Ruke sa nalaman. Oo nga pala, birthday na ni Seth, muntik ko nang makalimutan.

 

“Really? I didn’t know that. You want to have some party or we are just gonna eat outside?”

 

“I wanna have a pawty! I’m gonna invite all my fwiends at school!” Patay! Ang gastos naman nun!

 

“We will have a birthday party then. What theme do you want?”

 

“Kaede Wukawa!” Masayang sabi ni Seth.

 

Napatingin agad si Ruke sakin. “Di ba yun yung nasa tee-shirt mo dati? Yung hindi marunong mag-basketball?”

 

Pumalag agad ako. “Anong hindi? Ace player kaya yun! Super Rookie pa!” Buong pagmamalaki kong sabi.

 

“Whatever, I don’t care.” Kinausap niya ulit si Seth. “You sure about the theme?”

 

“Yeesss.. Wukawa’s my idol but you’we mowe good than him.” Aba… Ang galing ding mang-uto ang kapatid ko, ah!

 

Tumawa ang bruho. “I know.” Yabang! Naniwala ka naman!

 

Nagsilapitan kay Seth ang Thimbleweed. “Aren’t you gonna invite us, Seth?”

 

Napa-isip muna si Seth. “Okay… You can go thewe too! The mowe, the mewwiew!” Ano?! Eh di mas lalong mauubos pera ko dun. At hello?  

 

 

 

 

 

 

 

 
















































 

 

 

Children’s party kaya yun!





































Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com