*45: REGIONAL TOURNAMENT GAME*
Nag-aayos ako ng mga dadalhin kong gamit mamaya para sa game ng marinig kong may kumatok sa pinto.
“Mommy?” Bakit kaya gising pa ang batang ‘to?
Pinagbuksan ko si Seth. “Yes, sweetie? I thought you’re sleeping already.”
“Nooo… Whewe awe ya’ goin’, Mommy?” Tanong niya ng makita ang dala-dala kong knapsack.
“Mommy’s going to watch the regional tournament. I have to be there because I am the basketball team’s manager.” Hindi ko na nagawang magsinungaling sa kanya.
“Can I come with ya’, too?” Umupo siya sa kama ko tapos isa-isang tiningnan ang laman ng bag.
“No.” Okay lang naman na isama si Seth kung wala sanang pasok kinabukasan.
“But I also wanna watch Daddy play basketball!” Alam kong mangyayari ito kaya nga pinatulog ko si Seth ng maaga para hindi niya malamang pumunta ako sa regional tournament. Malas lang na nagising pa rin siya.
“You have to wake up early tomorrow, Seth. Why don’t you go to sleep again?” Umalis na nga si Seth pero alam kong masama ang loob niya.
“I’m gonna call Daddy.” Banta niya sakin bago sinara ang pinto.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya sakin dahil papano naman niya matatawagan si Ruke? Wala naman siyang cell phone at hindi naman siya marunong gumamit nun kung saka-sakaling makahiram siya. Isa pang dahilan, hindi niya alam ang telephone number ni Ruke sa bahay nito. At kahit tumawag siya dun, siguradong nakaalis na si Ruke. Maaga silang pupunta sa regional tournament.
Kasasara ko palang ng bag ko ang biglang mag-ring cell phone ko. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, number ng bruho ang naka-register. Ano na naman kaya ang kailangan nitong lalaking ‘to?
“Hello?”
“Nagsumbong sakin si Seth… Ayaw mo daw siyang isama sa game?” Hinihingal pa ang bruho, halatang galing pa lamang sa warm-up.
“He phoned you?” Nakita kong pumasok ulit si Seth sa kwarto ko pero hindi na siya lumapit sakin. Nakatayo lang siya sa may pintuan, nakikinig sa pakikipag-usap ko kay Ruke.
“As a matter of fact, yes he did.”
“How did he do that?” Wala talaga akong maisip na paraan kung paanong natawagan ni Seth si Ruke.
“Using his brand new phone.”
“May cell phone na siya? Wait… Wala naman siya nun, ah. You mean you bought him one?” Bakit hindi ko man lang nalalaman yun?
“Yep. I also taught him how to use it and he learned so fast.” I heard him sigh.
“Look, just bring him with you. That was my real plan anyway, it just totally slipped my mind.”
“May pasok siya bukas, Ruke.” Pagpapaalala ko sa kanya.
“I’m gonna take care of his excuse letter. Basta isama mo nalang si Seth.” Toot… Tooot… Toooot… Tama ba namang babaan ako ng phone? Napaka-ungentleman talaga.
Nilapitan ko si Seth at sinamahan sa kwarto niya. “You’re being a spoiled brat, Seth… And honestly, I do not like it.”
Pagkatapos ko siyang mapalitan ng damit, niyakap agad niya ako. “Dun wowwy, Mommy, I’m still a good boy.”
Natawa nalang ako sa sinabi niya at niyakap din siya. “Really? You promise Mommy that?”
Totoo naman kasi ang sinabi niya sakin. Kahit naman hindi na pwedeng hindi masusunod ang gusto niya lalo na nga’t nandiyan na si Ruke na kinukunsinti siya, mabait pa rin si Seth.
“I pwomise.” Tinaas pa ni Seth kanang kamay niya na akala mo nagswe-swear talaga.
“Ya’ wanna see the phone that Daddy gave to me, Mommy?”
“Sure.” Pinakita nga niya sakin ang ibinigay sa kanya ni Ruke.
Kiddie phone yun, talagang para sa bata lang. Ngayon ko nga lang nalaman na out na pala sa market yun. Para ding ordinary cell phone, ang pinagkaiba nga lang, limited lang ang services ng kiddie phone. Pwede siyang pang-tawag, pang-text. May online dictionary and stories na pambata. Iba’t iba ang games at mayroon ding mini TV na puro educational channel.
Masasabi kong pagdating sa bata, ingat na ingat si Ruke sa pagpili ng mga bagay. Gusto niya, may matututunan lagi si Seth sa mga binibili niya.
“This is so cute, Seth. Did you thank your Daddy for it?”
“Yeeesss…” May kinuha siyang paper bags sa ilalim ng kama niya.
“Daddy also gave me this… This… And this…” Madami pa siyang ipinakita sakin. Lahat siguo ng latest sa panahon ngayon meron na ang kapatid ko.
“He bought me all these toys, too!” Diyos mio! Hindi kaya mamulubi si Ruke sa batang ‘to?
“Okay… Enough of that already, sweetie.”
Ako na kasi ang nahihilo sa dami ng mga gamit niyang lahat ay bago…


bravenet.com