*44: leading man*
Nagulat ako nang pagpasok ko sa classroom namin kinaumagahan, nakita ko si Ruke na natutulog sa katabi ng upuan ko. Ano na naman kaya ang trip ng bruhong ‘to at dito pa natulog?
“Ruke… Hey Ruke…” Magta-time na kasi. Kailangan na niyang bumalik sa classroom nila baka mag-umpisa na klase nila.
“Hmmmm??!” Yun lang ang nagawa niyang isagot sakin tapos natulog na ulit.Minsan napapa-isip talaga ako kung ano ang pinaggagagawa niya sa gabi at lagi nalang siyang puyat sa school.
“Gumising ka na diyan, Ruke. Male-late ka na sa klase niyo.” Ayaw ko ring mapagalitan kapag nakita siyang natutulog dito sa classroom at sabihing hindi ko man lang siya sinaway. Ang akala pa naman ng mga tao sa buong school, boyfriend ko siya. Wala akong balak magkaroon ng bad record dahil sa kanya, noh.
“Ano ba ang ikinatatakot mo diyan? The teachers are away, okay? Walang klase ngayon.” Nakasimangot na sabi niya.
“Bakit? Asan sila?” Inayos ko nalang ulit ang mga gamit ko tutal wala naman palang klase ayon sa bruhong katabi ko.
“They’re on their stupid meeting talking about that program that totally sucks.” Kailangan pa ba talagang dagdagan ng ‘stupid’ at ‘sucks’ ang sinabi niya?
“Ruke, huwag kang ganyan. Dapat kahit ayaw mong sumali sa activity ng school, iginagalang mo pa rin kahit papano.”
“Why would I do that? Those things are pissing me off big time.” Halata ngang hate na hate niya ang mga yun.
“Kahit na…” Hindi ko pa rin pagsang-ayon sa kanya. “Anyway, what are you doing here? Bakit dito mo pa naisapang matulog?”
“What do you care?” Pagsusungit niya. Sabi ko nga! Isaksak mo sa baga mo yang mga walang kwentang sagot mong bruho ka!
“There he is!” Napatingin kaming dalawa ni Ruke nang may tatlong bading na pumasok sa classroom. Mukhang si Ruke ang kailangan nila, ah
“Go away!” Hindi pa man nakakalapit ang mga ito, sinigawan na sila ni Ruke.
“Hindi! Hinding-hindi kami aalis dito hangga’t hindi ka pumapayag.” Puno ng determinasyon na sabi nila.
“That’s your choice. Patigasan tayo ngayon.” Mayabang na asta ni Ruke. Parang siguradong-sigurado siya na susuko ang mga ito. Ano nga kaya ang gusto nilang ipagawa kay Ruke?
Bigla nalang nagsiluhod ang tatlo. “Fafa Ruke, nagmamakaawa kami, pumayag ka na… Paki-usap naman, oh? Kahit ano gagawin namin basta um-oo ka lang…” Nyek! Akala ko pa naman seryoso sila sa sinabi nila kanina. Bumilib pa naman ako sa tapang na ipinakita nila.
“Don’t call me that, idiots! No damn way! What are you asking me was a total bullshit! I won’t be the leading man of that play! Pumili nalang kayo ng iba.” Ano?! Siya?! Si Ruke ang magiging ka-partner ko sa play kung saka-sakaling pumayag siya?!
“But you were our best choice! Please, Ruke…” College musical ang play na gagawin ng school. Parang high shool musical din pero magkaiba lang ng version.
“Didn’t you hear me? I-would-never-ever-do-that-stupidity!” Mukhang hindi talaga nila mapapa-payag si Ruke.
Tumayo na nga ang tatlo, halatang suko na. “Paano na ngayon yan? Hindi na naman tayo makakapag-practice dahil walang Troy na gaganap.”
“Ewan ko din… Si Fafa Ruke lang kasi ang pinakabagay na Troy kasi siya ang pinakamagaling na basketball player ng school.” Oo nga pala, varsity player si Troy kaya si Ruke ang napili nila dahil siya ang ace player ng school namin. Good choice but also a bad one.
Sa akin naman nagsilapitan ang tatlo. “Harrow, di ba ikaw ang basketball manager ng Thimbleweed?”
Tumango ako. “Oo, bakit?”
“Favor naman, oh. Pwede bang malaman namin kung sino ang sumunod na magaling kay Fafa Ruke sa basketball? Wala kasi kaming maisip na papalit sa kanya para sa partner mo sa play.”
“Kailangan kasi magaling talaga baka hindi mai-shoot ang bola. Live pa naman yun.”
Nginitian ko sila. “Sure.”
Mukhang natuwa naman sila sa sinagot ko. “Naku… Maraming salamat, Harrow…”
Tiningnan ako ni Ruke. “You’re the leading lady of the play?”
Wala ba akong karapatan na mag-act sa isang play at ganyan na lamang ang reaction niya? “Obviously, yes I am.”
“And you didn’t even tell me?” Parang na-bad trip siya na hindi ko maintindihan.
“Does it matter?” Hindi na niya ako pinansin.
“Pssst!!!” Tawag niya sa tatlong bading na papaalis pa lamang.
“Kami ba?” Nagtatakang tanong ng mga ito.
“Who else, idiots? Fine, I’ll do it.” Ang sama talaga ng ugali.
Mukhang hindi na-gets ng tatlo ang tinutukoy ni Ruke. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“Tanga ba kayo?! I’m talking about the play. I’ll be her leading man.” Tinuro niya ako.
Miski ako, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Ano ba ang nakain ng bruhong ‘to at biglang pumayag? “Really?! Oh my gosh! Thank you, Fafa Ruke!”
“I told you don’t call me that, freaks!” Akmang sasaktan na ni Ruke ang mga bakla ng dumating si Seth.
“Daddy!!!” Niyakap agad ni Seth si Ruke. Isang araw palang sila hindi nagkikita niyan, ha.
Binuhat siya ni Ruke. “What are you doing here, Seth?”
“We dun have class anymowe. I miss ya. Ya’ didn’t visit me yestewday.” Himig nagtatampo si Seth.
Tiningnan naman ako ni Ruke. “I told your Mommy the reason why I couldn’t fetch you.”
Nginitian siya ni Seth. “Dun wowwy, Mommy explained it to me, but still I miss ya’, Daddy.”
“I miss you too, Seth. Have you seen the gift I gave to you?”
“Yes! I read it too! Thank you, Daddy! I pwomise I won’t play too much Nintendo.”
Halatang natuwa si Ruke sa nalaman. “That’s good, Seth.”
“Paanong…” Nalilito na ang mga bakla sa nangyayari. “Anak niyo siya?!”
“Yes. Why? You got some problem with it?” Parang naghahamon ng away si Ruke.
Umiling-iling agad ang tatlo. “He’s so cute. What’s your name, little boy?” Natutuwang tanong ng mga ito kay Seth.
“S-seth…” Nahihiyang sagot naman ni Seth.
“You’re so cute, Seth. I’m—-“ Kukurutin na sana nila si Seth nang ilayo siya ni Ruke.
“Don’t you dare touch my son!” Ano ba ang ikinagagalit ng bruhong ‘to at ayaw niyang pahawakan si Seth? Mababait naman ang tatlo, ah! “Seth, don’t mind them and I don’t want you talking to them, do you understand?”
“Why, Daddy?” Nagtatakang tanong ni Seth.
“Because they’re gays…” May discrimination pala si Ruke sa gender. Ngayon ko lang nalaman.
“What’s wong with gays, Daddy?” Nakatingin lang si Seth sa tatlo na mukhang nasasaktan na sa panglalait ni Ruke.
“They’re bad people.” Tingnan niyo ang ugali ng bruhong yan! Tama ba namang turuan ng mali ang bata?
Binatukan ko si Ruke at kinuha mula sa kanya ang kapatid ko. “Seth, your Daddy is lying. They’re not bad people. In fact, they are my friends. I’ll introduce you to them, okay?”
“That’s enough already. Let’s go, Seth.” Tumakbo agad palapit kay Ruke si Seth, parang takot na takot sa tatlong bading. Naawa tuloy ako sa kanila...


bravenet.com