*43: LEADING LADY*
“Ano ba yang dala mo, Harrow?” Tanong sakin ni Ropy pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom namin. Katabi niya si Mickey na mukhang malalim na naman ang iniisip.
“Books for Seth. Pinabibigay sa kanya ng bruhong si Ruke.” Kilala na ng mga ito ang kapatid ko. Sa katunayan, ninang pa nga ang dalawa, eh.
“Ang sweet talaga ni Ruke na maging Daddy. Hindi ko naisip noon na mahilig pala siya sa bata. Ang sungit kasi at suplado.” Na-kwento ko na rin sa kanila ang mga nangyari noong nakaraang araw.
“Are you okay, Mickey?” Alam namin ni Ropy ang dahilan kung bakit nagkakaganito kaibigan namin. Bumalik na kasi ang girlfriend ni Dylan at inaaway-away si Mickey sa hindi namin malamang dahilan. Nakakainis nga, eh! Ang sarap sakalin ng bruhang yun!
“Of course!” Pilit na pinasigla niya ang boses. “Kumusta na pala si Seth?”
Iniba pa ang usapan. Ang hirap talagang maging brokenhearted. “He’s doing fine, thanks for asking.”
Kaya pala nag-absent si Mickey ng matagal dahil sa family reunion ng mga ito. Sa America pa kasi iyon ginanap kaya natagalan siyang makauwi pabalik dito sa Philippines. “Eh, kayo ni Ruke?”
“Oo nga… Ano na ba ang lagay ninyo ni Ruke?” Panunukso nila sakin. Hindi ko na nagawang ipagtanggol ang sarili ko dahil dumating na ang teacher namin.
Sinabi agad ni Professor Gary ang magaganap sa school namin sa susunod na mga araw. “We are having a welcome party for the Substitute Student Teachers for the month.”
In-explain na sakin ni Mickey dati kung ano yun. Ang mga teachers na yun ay mga estudyante rin ng Shellacian Chamber University School. Galing sa iba’t ibang branches ng school namin. Pinag-combine lahat para makapag-pahinga naman ang mga teacher. Para ring Teachers Day, pero ang tawag yata dapat ay Teachers Month.
“We already assigned your roles for the upcoming activity.” Isa-isa kaming binigyan ng envelop na ang laman ay ang gagawin namin. “Approach me if you have a question regarding on it.”
Nakita kong binuksan na nina Mickey ang sa kanila. “What did you get, Ropy?”
“Tinatanong pa ba yan? Eh, ano pa nga ba, props na naman. Yung sayo?”
“Like yours too. But I guess we’re not on the same design team.” Parehas pala sila ng nakuhang dalawa.
“Ikaw, Harrow?” Excited na binuksan ko yung sakin. Sana naman sa props lang din ako para wala akong masyadong gagawin.
Nang mabuksan ko na, nagulantang ako sa nabasa. “Hoy bruha, bakit hindi ka na makapag-salita diyan?” Pukaw ni Ropy sakin.
“Akin na nga yan.” Inagaw ni Mickey yung papel at magkasabay nilang binasa ni Ropy.
Nang matapos sila, tumingin sila sakin at katulad ng reaction ko kanina ang reactions nila.
“Oh my God! You’re the leading lady of the play!” Hyper na si Ropy.
Nginitian naman ako ni Mickey. “Good luck, Harrow! We’re so proud of you!”
Tumayo ako para puntahan si Professor Gary. “Hindi yata sakin ‘to, nagkapalit lang.”
“Excuse me, Professor Gary.” Mula sa binabasang libro, tumingin siya sakin.
“What is it, Harrow?” Nakangiting tanong siya.
“Professor, I guess there’s a huge mistake here.” Inabot ko sa kanya ang papel na natanggap ko.
Saglit na binasa iyon ng Professor namin pagkatapos binalingan ulit ako. “Youu’re thinking this is not for you?” Tumango ako.
“Of course this is exactly for you, Harrow. You really are the leading lady of the play.”
“But why me? Bakit hindi nalang iba? Ang dami naman sigurong magaling mag-acting dito sa school, Prof.” Ayoko talaga, eh. Nakakahiya!
“We had read your portfolio and we thought you’re perfect for the role.”
“Hindi ko po kaya, Professor Gary. Bakit po kasi ako pa?” Para naman akong nagdra-drama nito.
“There’s another reason why we chose you. I’m afraid I couldn’t tell you now.”
“But—–“
“No more buts, Harrow. Our decision is final.” Pagdi-dismiss sakin ni Professor Gary. Ano ba kasi ang reason na pinagsasabi ni Professor Gary?
Diyos ko… Ano ba namang parusa ‘to?


bravenet.com