untitled
viviti


*42: FOR THE FIRST TIME*

 

 

Dala-dala ang lunch box ko, lumapit ako sa upuan ng mga Thew. Nag-aasara na naman nga sila, eh. Nilagay ko sa harap ni Ruke ang pagkain niya.

 

“What’s this?” Tanong niya sakin. Hindi man lang ako inanyayahang umupo! Napaka-ungentleman talaga!

 

“Di mo pa ba nakikita? That’s your food. Hinawakan ko yung noo niya para tingnan kung may sakit pa siya. “Ayos na ba pakiramdam mo?”

 

“Ahhh… Aren’t they so sweet?” Pang-aasar nina K1 at K2.

 

“Shut up!” Bulyaw ni Ruke sa kanila. “I’m fine already. Wala bang gustong kumain ng luto mo kaya naisipan mo mong ibigay nalang sakin?”

 

Kahit gustung-gusto ko na siyang batukan, hindi ko nalang ginawa kasi nga kagagaling pa lang niya sa sakit. “Pinabibigay yan sayo ni Seth.”

 

Totoo yun. Kahit labag man sa kalooban ko na gawan din ang bruho ng lunch dahil siguradong lalaitin na naman niya luto ko, napilitan nalang ako para lang kay Seth. Minsan lang kasing humiling sakin ang kapatid kong yun.

 

“Nahihiya ka pang aminin ang totoo diyan… Alam ko naman nanliligaw ka sakin, eh. Pati pangalan ng anak ko dinamay mo pa.”

 

Napikon na ako ng tuluyan sa kanya. “Bruho ka talaga kahit kalian, Ruke!” Binalingan ko naman ang mga kaibigan niya. “Pasensiya na kayo sakin…” Napataas ako ng kilay. “Anong nangyayari sa inyo?”

 

Paano ba naman, lahat sila nakatungangang nakatingin samin ni Ruke maliban lang kay Dennis na mukhang balak pa atang pumalakpak sa away namin. “Ngayon lang ba kayo nakakita ng nag-aaway?”

 

Unang nakabawi si Dylan. “No… Not that one… Seth? Who’s Seth?” Tiningnan naman nito si Ruke ng maigi. “May anak na kayo?! Explain it to us further, will you?”

 

Si Dennis ang sumagot para saming dalawa. “Yeah… They’ve a son named Seth! He’s a cute little boy. I met him yesterday!” Pagpapasikat niya sa mga kaibigan.

 

Umalma naman agad si Eiji. Ingit na ingit kay Dennis. “Bakit hindi mo man lang ako sinama?”

 

“Umuwi ka na kasi, eh. Kung gusto mo, puntahan nalang natin mamaya si Seth. We’re friends now! He’s a good boy!” Suggestion ni Dennis kay Eiji na natuwa naman.

 

“I’m warning you Dennis… Don’t you ever get near my son again.” Banta ni Ruke sa kanya, hindi pa rin siguro nakakalimutan ang sinabi ni Dennis kay Seth kahapon.

 

“Why not? Oh c’mon! If it was all because of my joke yesterday, then it wouldn’t happen again.” Depensa ni Dennis sa sarili.

 

“Ano na naman ba ang ginawa mo Dennis? Ginalit mo na naman si Ruke.” Curious na tanong ni Rei.

 

“Sinabi ko lang naman kay Seth na mambubuntis muna ako para may kalaro na siya. Masama ba yun?” Aba… Tinatanong pa ba yun?

 

Binatukan siya ni Fuji. “Sira ka pala, eh. Kaya ayaw kang palapitin ni Ruke sa bata kasi tinuturuan mo nang kung anu-anong kalokohan.”

 

Napangiwi si Dennis. “Sorry… Akala ko kasi okay lang sabihin yun. Hindi naman maiintindihan ni Seth na masama pala yun.”

 

“Which reminds me, we saw a kid yesterday who looked exactly like you Dennis. May nakababatang kapatid pa kayong dalawa ni Dylan di ba? Baka kapatid niyo.” Oo nga, noh. Si Dennis pala ang kamukha ni Jash. Kaya pala parang pamilyar sakin ang batang yun. Napansin din pala ni Ruke.

 

“Yep. Kurp and Kai. Pero hindi ko naman sila kamukha, ah. Nagmana kami ni Dylan sa Mommy namin, while the other two to our Daddy. Kahawig ba talaga namin ni Dylan?” Paliwanag ni Dennis.

 

“No, no, no. It’s just you. I don’t know… Kahit identical twin kayo ni Dylan, hindi ko masasabing kamukha din niya si Jash. That was the boy’s name.” Sang-ayon ako sa sinabi ni Ruke.

 

“Baka naka-buntis ka na kahapon, Dennis at kahapon din nanganak yung nabuntis mo. Possible ba yun?” Ano ba naman ang pinag-iisip nitong si Tori? Ang weird talaga. Kailangan pa bang itanong yun? Malamang, hindi ang sagot.

 

“Eh di mas magaling pa pala ako kaysa sayo, Ruke? Hindi ko na kailangan ng advice mo.” Pagmamayabang ni Dennis. Kung makapag-salita naman, akala mo anak talaga niya si Jash. Wala ngang tatay si Jash pero impossible naman na maging si Dennis kahit pa nga magkahawig sila. “But seriously, it happens most of the time that a person has a look alike. Ganyan talaga ang nangyayari sa mga gwapong katulad ko. Madaming kamukha.” Seryoso na ba yun para sa kanya?

 

“In fact, we happened to see his mother, too. And I say, she was exactly your type.” Pangungumbinsi ni Ruke.

 

“Why? Why? Why? What does she look like? Baka anak ko nga si Jash! I want to have a son, too!” Interesadong-interesado na si Dennis. Nilapitan pa niya si Ruke, halatang hindi na makapag-hintay.

 

Nginisihan siya ni Ruke. “She’s old, fat and short…” Yan ang dahilan kung bakit sinabi kong hindi pwedeng si Dennis ang maging tatay ni Jash at ng mga kapatid nito. Tama naman si Dennis na nangyayari talaga na magkamukha ang dalawang tao kahit hindi magkamag-anak.

 

“Bilib na bilib na talaga ako sa taste mo, Dennis!” Mas lalong lumakas ang tawa namin ng dagdagan pa ni Ruke Dylan ang pang-aasar kay Dennis. Nag-walkout tuloy si K2. Nagalit siguro dahil pinag-kakaisahan namin siya.

 

“Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko na rin kung paanong mapikon si Dennis.” Namamanghang sabi ni Ayame.

 

“Ruke, hindi na tama yung ginawa mo kay Dennis.” Panenermon ko, mukhang nagdamdam kasi si Dennis, eh.

 

“Pabayaan mo yun… Ngayon lang nga ako gumanti sa pang-aasar, eh.” Sabagay… May point siya dun.

 

“I’m going now.” Napapagod na kasi ako sa kakatayo.

 

“Wait…” Hinawakan niya kamay ko na para bang tatakasan ko siya anumang oras.

 

“Can you give this to Seth?” Inabot niya sakin ang isang malaking paper bag at napakabigat. Akala ko pa naman, yayayain niya akong umupo, yun pala, uutusan pa niya ako. “Those are books. Help him read them. I don’t want him playing too much Nintendo. He should focus more with his studies first. And by the way, I wouldn’t be able to fetch him today. You know, the regional tournament is near. Please explain it to him carefully. I don’t want him to hate me again.” Pagkatapos sabihin yun, hindi na niya ako ulit pinansin.

 

Bruhong ‘to, akala mo hari kung makapag-utos. Gusto pa niyang mag-aral mabuti si Seth pero ang sarili niya, hindi man lamang niya mautus-utusan. Lagi nalang siyang tulog sa klase.





















































Bruho talaga!






















































 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com