untitled
viviti


 

*40: MISUNDERSTANDING*

 

Binuhat ko ang kapatid ko nang tuluyan na siyang makalapit sakin.

 

 

“Hello, sweetie.”

 

“Hi, Mommy.”

 

“Long time no see, Seth.” Nag-apiran silang dalawa ni Ahia.

 

“Ahia!!!” Binigay ko muna siya kay Ahia.

 

Nakatulala pa rin ang ibang ka-teammates namin. Hindi siguro sila makapaniwala sa nangyayari lalo pa nga’t involve si Ruke sa usapan.

 

“Tell me this is just a nightmare…” Wala sa sariling sabi ni Dennis.

 

Binatukan na naman siya ni Ahia. Kawawa naman si Dennis, pangatlong batok na niya yun sa araw na ito galing sa iisang tao lamang. “Back to your positions, team!” Ayun nga… Kahit maraming tanong sa mga mukha nila, sinunod pa rin nila si Jiaolian.

 

“Harrow, ito na ang mga pagkain at bag ni Seth. Iiwan ko nalang ba siya?” Kahit si Mang Ambo, parang nalilito na rin sa mga nangyayari. Palihim na tinitingnan niya si Ruke.

 

“Opo, isasabay ko nalang po si Seth sa pag-uwi ko. Salamat po, Mang Ambo.” Tinanggap ko ang mga dala niya, nilagay sa mesa.

 

“Kakakasal niyo lang, may anak na agad kayo?! How the hell did that happen?” Naki-upo na rin si Dennis. Patingin-tingin siya kay Seth na kinakausap pa ni Ahia.

 

“Just go away, Dennis. Stop asking too much question this time. Sumasakit  ulo ko sayo.” Pagsusungit ni Ruke.

 

Hindi siya pinansin ni Dennis. “I want to have a kid, too. Napapahanga mo ako, Ruke, ang bilis mo! Bigyan mo naman ako ng tips.”

 

“Will you shut the hell up?!” Binuksan ko ang mga pagkain. Soup, curry pati sandwich ang ipinadala ko. Lagi namang may stock na luto ko sa bahay namin. Kadalasan, iniinit nalang.

 

“Umayos ka na nang upo diyan.” Binigyan ko ng sandwich si Dennis.

 

“Thanks, Harrow.” Natutuwang sabi niya. “Pakilala mo naman ako sa anak niyo, oh.”

 

“Seth, come here.” Tawag ko sa kapatid ko habang sinusubuan ang nag-iinarteng si Ruke. “Kainin mo na.”

 

Inilayo na naman niya ang bibig niya sa soup. “Ano bang gusto mo? Ako pa magbukas ng bibig mo?” Nawawalan na ng pasensiyang sabi ko kay Ruke.

 

“But I don’t eat that! Curry nalang sakin.”

 

“Ayaw mo din pala ng soup? Mag-ama nga kayo ni Seth.” Pailing-iling na sabi ko habang tinatakpan ang soup.

 

“Hi there, kiddo. You’re Seth, right?” Pakikipag-usap ni Dennis kay Seth nang lumapit ito samin.

 

Mukhang nahihiya pa si Seth kay Dennis. “W-wight.”

 

Ngumiti si Dennis tapos pina-upo si Seth sa tabi niya. “Don’t be afraid, Seth. By the way, I am your Uncle Dennis. A friend of your Daddy.” Nakipag-shake hands pa si Dennis kay Seth na naging komportable na.

 

“Nice meetin’ you, Uncle Dennis.” Nginitian din ni Seth si K2.

 

“It’s nice to meet you too, Seth. You know, my kid will be happy to know you.” Tapos tumawa siya.

 

“Ya’ have a son, Uncle Dennis?” Nasasabik na tanong ni Seth.

 

Mas lalong lumakas ang tawa ni Dennis. Ako man, nagulat din sa nalaman, pati na rin si Ruke halatang nagulat sa sinabi ni Dennis.

 

“May anak ka na?!”

 

“Gotcha!” Kinindatan niya si Seth. “Wala pa, eh. Mambubuntis palang ang Uncle Dennis mo.”

 

Natural hindi siya naintindihan ng kapatid ko. Sira ulo talaga itong si Dennis! Tama ba naman yun na sabihin sa bata. Binato siya ng plastic fork ni Ruke. “Go away, Dennis! You’re pissing the hell outta me! Lumayo ka sa anak ko!”

 

“Ito naman, nagbibiro lang ang tao, eh.” Pero tumayo na rin siya. “I’ll see you soon, Seth. Pagaling ka, pare.”

 

“Okay… Bye, Uncle Dennis.”

 

“Bye!” Umalis na nga si Dennis sa gym.

 

“What do you want to eat, Seth?” Lumapit siya samin ni Ruke.

 

“Mommy, what does Uncle Dennis mean?” Curious na tanong ng kapatid ko.

 

“That idiot.” Narinig kong bulong ni Ruke bago balingan si Seth. “Don’t mind what your Uncle Dennis said. Just eat your curry.”

 

“Okay…” Parang gustong umupo ni Seth sa kandungan ni Ruke pero pinigilan siya nito.

 

“Don’t come near me, Seth.” Pati ako, nagtaka sa sinabi ni Ruke. Bakit ayaw niyang palapitin sa kanya si Seth?

 

“But I want to sit on your lap.” Dahil mana sa kanyang ama na matigas din ang ulo, lumapit pa rin si Seth sa kanya.

 

“I said, stay away from me!” Nagulat ako sa pag-sigaw ni Ruke kaya bigla akong napatingin sa kanya. Mukhang nagulat din siya sa nagawa niya pero huli na ang lahat.

 

Nag-umpisa nang umiyak si Seth. “I hate you, Daddy!” Pagkasabi nun, tumakbo na siya palabas ng gym.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

















 

 

 

 

“Seth!”







































 





















Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com