*39: SICK*
“O, Ahia, bakit naka-upo na naman si Ruke sa dulo? Kabibili lang namin ng sapatos niya, ah. Wag mong sabihin nasira na naman niya?” Nasa dulo ng gym ang bruho ngayon, natutulog.
“Tagal mo kasing dumating, hindi na tuloy ginanahang maglaro.” Tiningnan ko ng masama si Ahia. “He-he-he, joke lang… May sakit boyfriend mo ngayon.”
“He’s sick?” Tinatablan pala siya nun? “Eh di dapat pinapunta niyo nalang muna siya sa clinic para makahiga.”
“Sinabihan na namin yan pero ayaw, eh. Ang tigas ng ulo. “ Pailing-iling na sabi ni Ahia. “Binibigyan nga din ng gamot yan kanina, pinagalitan pa kami. Leave him alone daw. Kaya pinabayaan na naming mag-isa.”
Bigla akong may naalala. “Oo nga pala, Ahia, napakalaki ng kasalanan mo sakin ngayon.”
“Who, me?” Tinuro pa ni Ahia sarili niya at tiningnan ako na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. “What did I do?!” OA niya, ha?
“Sinabi mo lang naman kay Seth na si Ruke ang Daddy niya. Why did you do that? It will definitely complicate things.” Na sa totoo lang ay nangyari na kahapon.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. “Aherm… He-he…” Napakamot siya sa ulo. “Pasensiya ka na, Sis. Remember my last visit in America? I gave you a picture of Ruke to scan it, right? Seth saw that picture… He came up to me just to ask who he was. I told him that he’s Ruke Kruger. Hindi ko naman inakala na iba palang mag-isip yang anak niyo ni…, I mean kapatid nating dalawa, he-he.” Nang-aasar pa talaga. “So, sinabi ko sa kanya, crush mo yung nasa picture na si Ruke nga. Nagulat nalang ako ng itanong niya kung si Ruke ba ang Daddy niya. Naawa ako kay Seth… Yung mga mga niya kasi, puno ng pag-asa. Halos hindi na nga niya ihiwalay tingin niya sa picture ni Ruke kaya nasabi ko nalang na oo. Sorry, ha?” Napapangiwing paliwanag ni Ahia.
Napabuntung-hininga nalang ako. Naiintindihan ko si Ahia. Ako man ang nasa kalagayan niya, yun din ang masasagot ko kay Seth. Kapag kasi malungkot ang kapatid namin, mahahawa ka din. “Ganun ba?” I sighed again. “I understand.”
Mukhang nakahinga ng maluwag si Ahia. “Salamat naman…”
Napatingin ako kay Ruke. Oo nga pala, may sakit pala ang bruho. Matingnan nga. “Teka, Ahia, pupuntahan ko lang si Ruke.”
Akala mo, magpapatintero kami ni Ahia sa pagpigil niya sakin. Siya ang taya. “Yan!” Itinuro pa niya ako. “Ang huwag na huwag mong gagawin.”
Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. “What’s the matter with you, Ahia?”
Balisa na si Ahia. “Basta… Nakiki-usap ako sayo, Harrow, lapitan mo nalang si Ruke kapag magaling na siya.”
Nakakahawa ba sakit ni Ruke? “Bakit nga? Ano ba sakit niya? Di ba sabi mo naman , lagnat lang?”
“Kaya nga… Okay lang siya, Sis. Tulungan mo nalang si George sa pagtre-train sa mga Freshmen.” Ang mga kasama namin sa gym, napapatingin na samin ni Ahia.
“I-che-check ko lang naman kung may lagnat pa siya.” Ano ba naman ‘tong kapatid ko? Ang weird masyado. Nakita kong lumapit sina Saggy samin.
“Anong meron, Jiaolian?”
“Team, lalapitan ng kapatid ko si Ruke.” Mukhang nabahala din ang lahat. Ngayon, pito sila na ang pumipigil sakin.
Noon ko nakitang pumasok ng gym si Dennis. “Naglalaro kayo ng patintero?! Pasali ako! Pasali ako!” Parang batang tuwang-tuwa si Dennis sa nakikita at nakisali nga.
Binatukan siya ni Ahia. “Idiot! What are you doing here again?” Sinunggaban ko ang pagkakataon na lapitan si Ruke.
“Nakalampas na si Harrow, Jiaolian! Ay… Daya naman, panalo na siya.”
Binatukan ulit ni Jiaolian si Dennis. “Tumahimik ka!”
Umupo ako sa tabi ni Ruke at hinawakan noo niya. Parang naiinis na gumalaw siya, binuksan ang mga mata, tiningnan ako ng masama pero wala namang sinabi. “How are your feelings?”
Namumula ang mga mata niya. “Obviously, I’m not fine.” Pabalang na sagot niya.
“Do you really have to be sarcastic?” Pasalamat ka may sakit ka! “Anong gusto mong kainin?”
Narinig ko ang bulungan nina Jiaolian. “Bakit di nagwala si Captain?”
“Ba’t ganun, Jiaolian? Kapag kay Harrow, bumabait si Captain?”
“Oo nga. Wala nga siyang sinabi na kahit ano. Kanina, nang buksan niya mga mata niya, parang magwawala na siya pero nang makita niyang si Harrow, wala siyang ginawa.” Opinyon naman ni Mitts.
Kaya pala ayaw nila akong palapitin kay Ruke kanina kasi baka manakit ang bruho lalo na at may sakit ito ngayon. Talagang mainit ang ulo.
“Ayokong kumain…” Nanghihinang sabi niya sakin.
Ang tigas talaga ng ulo. “Hindi pwedeng hindi. Paano ka gagaling niyan?” Kinuha ko ang cell phone ko sa bag at tumawag sa bahay. “Hello? Opo, paki-init nalang po at ipahatid kay Mang Ambo.” Nakinig ako saglit sa kabilang linya. “Sige po, ipasama niyo nalang po.” Tinapos ko na ang tawag.
Saglit lang naman akong naghintay. Hindi naman traffic sa araw na ito. Napatingin ako sa pintuan nang mapansing may dalawang taong pumasok. Hindi nga ako nagkamali, nandun si Mang Ambo na may dalang paper bag kasama si Seth na tumakbo agad ng makita ako.
“Mommyyyy!!! Daddyyyyy!!” Gulat na gulat na napatingin ang mga kasama namin kay Seth, kahit si Ruke na mukhang nakatulog na kanina ay biglang nagising.
“May anak na kayo?!”
Nagawa pang itanong ni Dennis na parang sa anumang oras ay hihimatayin na…


bravenet.com