*38: PICTURE!*
“Oh yeah!!! Daddy look, thewe’s nothin’ left on my plate!!!” Pagpapasikat agad ni Seth kay Ruke nang maubos na niya ang chocolate cake at milkshake niya.
“That’s good.” Kinuha niya mula sakin si Seth.
“Even though the food tasted not so good, like what your Mommy always cooked for you, you shouldn’t waste it, okay?” Kapag ako talaga mapuno… Nakuuu!!
Tumango si Seth. “Mommy also told me that, wight Mommy?”
Nginitian ko siya. “Right, sweetie.” Ang bruho naman, tinarayan ko pero sinigurado ko na hindi nakita ni Seth.
“Sinabi niya yun para hindi ka magreklamo sa luto niya.” Natawa pa si Seth sa sinabi ng bruho. Bad influence talaga siya sa kapatid ko!
Kung itatanong niyo ay tungkol sa order namin, wala na pong natirang chocolate cake. Akala ko pa naman may maiuuwi kami dahil mukhang hindi naman masyadong ginaganahan ang dalawa sa pagkain. Pero basta siguro paborito na nila ang pinag-uusapan, wala na lang sa kanila kung anuman ang lasa nun. Masarap naman talaga ang binili naming chocolate cake, may kulang nga lang sa ingredients at sobrang mahal pa.
“Where else do you want to go, Seth?” Tumigil muna si Ruke sa paglalakad kaya napatigil na rin pati ako.
“Home???” Parang hindi siguradong sagot naman ni Seth.
“You don’t want to go to the mall? I’ll let you buy all the toys that you want.” Pangungumbinsi ni Ruke. Ang dami talagang pera ng bruho.
“But I have toys at home…”
“You know, the more toys you’ve got, the merrier.” Bruhong ‘to, binabago na ang mga kasabihan.
Nag-iisip pa si Seth kaya nakisali na ako. “What’s in your diary today, Sweetie?” Ginagamit nina Seth ang sinasabi kong diary sa pagsusulat kung ano ang mga gagawin o dadalhin nila kinabukasan. Kaya walang lusot ang mga estudyante kapag hindi nila nagawa assignments nila dahil nakasulat naman yun doon para hindi nila makalimutan.
Tiningnan ulit ni Seth si Ruke. “I’ve to do my homewowk. Maybe I’ll buy toys next time.” Good decision, Seth!
“Okay, if that was your decision.” Binaba na niya si Seth nung nasa lugar na kami kung saan naka-park kotse niya.
“Go inside now. I’ll just help you with your stuff…” Napatigil si Ruke sa sinasabi nang mapansing hindi na nakikinig sa kanya si Seth. “Seth, you got some—-“
“Is this youw caw, Daddy?” Mamimilog na naman ang mga mata ng kapatid ko. Parang hindi makapaniwala sa nakikita.
“Ahmm… Yes… Why?” Nilapitan na namin si Seth.
“You’we supew wich! You have a vewy big caw!”
Sabay pa kaming natawa ni Ruke sa sinabi ni Seth. Tama naman kasi, kasing laki ng limousine ang kotse ni Ruke pero sa tingin ko, hindi naman limousine yun.
Ako muna ang pinauna niyang pumasok tapos inalalayan naman si Seth. “I told you I have zillions.”
“Daddy, who owns this Nintendo?” Pinakita ni Seth kay Ruke ang nakuha niyang laruan.
“Hmmm…” Hula ko, kay Ruke talaga yun. Puro basketball kasi ang laro. “You can keep it.”
“Cool! Thank you, Daddy!” Niyakap niya si Ruke at nag-umpisa nang maglaro ng basketball. Mahilig din kasi si Seth ng basketball, eh.
“You’re always welcome.” Tinuruan niya si Seth ng mga tricks.
“Seth, tell me, how did you know I am your Daddy?” Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako sa isasagot ni Seth.
“I saw youw pictuwe.” Sumandig si Seth sakin.
“You have a picture of Ruke, Sweetie?” Paano nangyari yun?
Umiling si Seth. “Noooo… You do.”
Si Ruke, tumingin agad sakin ng nakakaloko. “Iba na yan, Harrow, ha…”
“Shut up… Hindi naman sakin yun, eh, kay Ahia yun.” Sa awa ng Diyos, hindi na niya ako pinakinggan.
“What makes you so sure I am your Daddy?” Pagpapatuloy na tanong ni Ruke kay Seth.
“Ahia told me that Mommy gotta crush on you… He also said you awe my Daddy…” Ahia talaga! Tatawagan ko siya once na makauwi kami ni Seth!
“May isa pa akong anak?!” Aba… Kina-career talaga niya ang pagiging Daddy ‘kuno’ ni Seth.
“He meant Ahia, our Ahia. That’s Jiaolian for you.” Si Seth, hindi na kami pinansin pa. Laro lang siya ng laro.
Kung kelan malapit na malapit na kami sa bahay, saka naman umulan ng malaks. Hindi pa naman kasya ang napakalaking kotse ni Ruke sa garage namin.
Hinanap ko ang raincoat sa bag ni Seth. “Seth, where did you put your raincoat?”
Nakihanap na rin ang dalawa. “I guess I left it at school, Mommy…” Hindi pa naman ako nakadala ng payong at day-off ng mga kasama namin sa bahay ngayon. Lalo na siguro si Ruke. Sa itsura ba naman niyan, hindi siya ang tipo ng lalaking magdadala ng payong.
“Wait up… May jacket ako sa knapsack ko. Isuot mo nalang kay Seth.” Hiningi muna ni Ruke sakin yung susi ng gate. Pagkabalik niya, basang-basa na siya.
“Okay ka lang?” Kahit naman pano, nag-aalala rin ako kay Ruke. “Ako nang bahala kay Seth. Umuwi ka nalang sa inyo para makapagpalit agad.” Bakit kasi hindi nalang yung alalay niya ang pinatakbo niya? Sabagay, marahil naisip ni Ruke na masyado nang matanda si Mang Jefferson.
Binalot niya si Seth ng Jacket. Sa laki ba naman ng jacket niya, hindi ko na makita kapatid ko. “Mas mabilis akong tumakbo sayo. Ako na ang bahala kay Seth. Alalahanin mo nalang sarili mo.”
Wala pang 5 seconds, nandoon na sila sa main door. Basketball player talaga si Ruke. Ako naman ang sumunod na tumakbo. “Thanks! Isasauli ko nalang bukas yang jacket mo kapag nalalabhan ko na. Magpalit ka muna ng damit. May naiwan pa naman si Ahia dito.”
Sinamahan ko siya sa kwarto ni Ahia. “Pumili ka nalang ng damit diyan. Ibalik mo nalang ulit.” Si Seth naman ang pinaliguan ko at binihisan. Pagkatapos kay Seth, ako naman ang nagbihis tapos pumunta na sa sala kung saan nag-uusap ang dalawa.
“But why awen’t you stayin’? If you go, then I will too! You said you’we my Daddy, you should live hewe, too?!” Sa boses pa lang ni Seth, alam kong naiiyak na siya. Sinabi na siguro ni Ruke na hindi siya titira dito.
“Because I’ve to get my stuff at home. Besides, I’m gonna visit you here everyday.” Pang-aalo niya sa kapatid ko.
“Let’s call Ahia and ask him pewmission to let you use his stuff fow a moment.” Paano kaya malulusutan ni Ruke ang batang ‘to?
“I need to get my money in order to buy you a chocolate cake again.” Usually, madaling mag-init ang ulo ni Ruke sa makukulit kaya naman humahanga ako sa kanya sa mga oras na ‘to dahil natatagalan pa rin niya ugali ni Seth.
“Seth, halika na, gawin na natin homework mo. Wag mo nang guluhin si Ruke.” Hindi pa rin kumilos si Seth.
“O, tawag ka na ng Mommy mo.” Nauna na siyang tumayo kaya wala nang nagawa pa si Seth. “Mamaya nalang ako uuwi.” Natuwa na rin ang kapatid ko sa sinabi ni Ruke.
Si Ruke na nga ang nagturo kay Seth sa assignments niya. Nang magawa na nila, nagpa-order siya ng pizza para sa dinner naming dalawa, ininit ko nalang yung kiddie meal ni Seth na hindi niya nakain kanina dahil nabusog na siya sa chocolate cake. Nang matapos, naglaro muna sila ng Nintendo.
“Daddy, I wanna sleep now.” Then Seth yawned.
“Let’s go to your room then.” Kinarga niya si Seth papunta sa kwarto.
“Good night, Daddy…” Papikit-pikit na sabi ni Seth.
Ruke kissed him the forehead. “Good night, son…” Nang masigurong tulog na kapatid ko, saka siya nagpasyang umalis.
Hinatid ko siya hanggang gate para sabay lock na rin. “Thank you for the day, Ruke. Seth really enjoyed it.”
“Don’t mention it. I had fun, too.” Nag-umpisa na siyang sumakay sa kotse niya nang maisipang bumalik na naman. May nakalimutan ba ‘to?
“Siyanga pala, Harrow, naniniwala na ako sa sinabi mo sakin noon.” Alam kong pinagtritripan na naman niya ako dahil nakangisi siya.
“Alin dun?” Sa dami ba naman ng mga yun.
He patted me on the shoulders. “May taste ka nga… Ang galing mo kasing pumili ng crush mo, eh.” At katulad ng lagi niyang ginagawa...
Tinakbuhan na naman ako ng bruho!


bravenet.com