untitled
viviti


*37: LIKE FATHER LIKE SON*

 

“No, stupid.” Naiinis kong sabi.

 

“What I was trying to say is that Seth is my little brother.” Yan ang sinasabi ko sa inyo na mahirap kay Ruke. Pabaliktad ang takbo ng pag-iisip. Masyadong mapang-husga. For example, the wedding booth incident, yung kay Dylan.

“Oh… Sorry about that.” Mukhang nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko. “Magkapatid kayo?”

“Exactly.”

 

“Then why is he calling you Mommy? He could at least call you Achie, right?” Nalilito pa rin pala siya hanggang ngayon.

 

“Our parents died in a car crashed on their way for a business meeting. Seth was only six months old then. Sobrang bata pa niya, noh?” Tinanguan lang niya ako. Nagpatuloy naman ako sa pagkwe-kwento.

 

“My little brother was so used with our Mom around kaya hindi malaman ni Ahia ang gagawin niya nung mamatay parents namin. You see, I lived in America that time. So tinawagan ako ni Ahia, pinauwi muna dito sa Philippines tutal wala na akong pasok nun. Nang makita ako ni Seth, tuwang-tuwa siya, niyakap niya agad ako tapos tinawag na Mommy. Madami talagang nagsasabi na kamukha at kaboses ko Mommy namin.”

 

“Ibig sabihin mukha kang matanda at kaboses pa!” Pang-aasar ng bruho. Patayin ko na kaya ‘to, ano sa tingin niyo?

 

“Kiddin’. Pero ang laki naman yata ng gap ninyo ni Jiaolian kay Seth.”

 

“Oh that one? Fifteen years old palang si Mommy nung mabuntis siya ni Daddy. Menopausal baby si Seth. Nagulat nga kami lahat nung sinabi ng Doctor na buntis si Mommy. Matanda na kasi siya and the fact that college na kami ni Ahia. Akala namin, migraine lang yun pala…” I shrugged, emphasizing about the pregnancy.

 

“I never thought that Jiaolian has two siblings.” Nasa mukha nga niya na hindi siya makapaniwala.

 

“Napansin mo ba na sina Dylan pati na ang Thimbleweed nagulat sa nalaman?”

 

Tumango ako. “Ayaw na kasing humiwalay sakin ni Seth kaya isinama ko nalang siya sa America. Pumayag naman si Ahia kasi nga busy siya sa trabaho at wala siyang alam sa pag-aalaga sa bata. Kaya hindi talaga ninyo malalaman dahil minsan lang kami magbakasyon dito at hindi naman kami pumupunta sa school. Sa bahay lang naming dinadalaw si Ahia.” Paliwanag ko naman.

 

“Eh bakit naisipan ninyong bumalik dito sa Philippines?”

 

“Ewan ko diyan sa batang yan. Sabi niya sakin, may naiwan daw siya dito. Hindi raw siya babalik ulit sa America hangga’t hindi niya nahahanap ang naiwala niya. Hindi ako pumayag nung una kaso iyak siya ng iyak kaya napilitan na rin ako.” Naalala ko pa yun. Halos hindi nga ako kausapin ni Seth nun, eh.

 

“Ano daw ba yung nakalimutan niya dito?” Pati tuloy si Ruke, na-curious na rin kay Seth.

 

“He never told me. Secret daw, eh.” Kinawayan kami ni Seth.

 

“How old is he, by the way?” Pinabalik na ni Ruke si Seth. Dumating na rin kasi order namin kaya tinawag na namin si Seth.

 

“Three.” Pinalitan ko muna si Seth ng damit. Basa na kasi tee-shirt niya.

 

“Akala ko six years old na siya. Ang laki kasing bata at matangkad pa. Ikaw lang yata ang hindi tumangkad sa inyong magkakapatid, eh.”

“Let’s wash your hands first, okay?” Sumunod naman agad siya sakin. Di ko nalang pinansin ang pang-aasar na naman ni Ruke.

Binuhat ko si Seth at inupo sa lap ko. Kailangan ko pa kasi siyang subuan. “Mommy, I can do it ma’self.”

“No. This is your last shirt. Baka madumihan ka na naman.” Sinubuan ko siya para tumahimik.

 

“Seth, you should chew the cake.” Sabi ni Ruke. Napansin siguro na hindi nginunguya ni Seth ang pagkain. Ganun talaga ang ugali ni Seth kapag hindi niya gusto ang lasa.

 

Nginuya naman agad ni Seth ang pagkain niya. “I like Mommy’s chocolate cake.” Sabi niya pagkapos.

 

“You don’t like this?” Ang mahal-mahal pa naman nito. Nakakahiya naman kay Ruke kung sasayangin lang. Isa pa, kapatid ko pa ang nagpilit sa kanyang magpabili.

“I like it but I like youw chocolate cake mowe.” Naka-hinga ako ng maluwag. Mabuti naman.

“So, your Mommy always baked you a cake?” Sa pananalita ng bruho, parang aasarin na naman ako nito mamaya.

“Yeesss..”

“How did it taste?” Hah! Ngayon magkakaalaman na rin. Meron kasing isa diyan na ayaw pang umamin na masarap talaga akong magluto. Ang bata, hindi marunong magsinungaling.

 

Tiningnan muna ako ni Seth at nginitian kaya gumanti rin ako ng ngiti sa siya. Sige Seth, ipamukha mo sa bruhong yan ang totoo.

 

“So baaaaddddddddd…”

 

Sabi ko sa inyo na—– “Seth!”

 

Pagalit kong sabi nang iba sa inaasahan ko ang sinabi niya. Naalala ko nung party, yun din ang sinagot ni Ruke kay Dylan. Pati ang reaction niya nung gabing yun, kuhang-kuha ng kapatid ko!

 

Sobrang lakas ng tawa ng bruho, as in! “That’s my boy!”

 

Seth giggled then embraced me. “Jus’ kiddin’, Mommy.” I smiled at Seth kahit medyo naasar ako. Pero hindi sa kanya kundi sa bruho na katabi namin. Nakapuntos na naman ang ungas. Nalamangan na naman niya ako. Ano ba yan?

 












































Mukhang wala na akong kakampi nito, ah…




































 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com