untitled
viviti


*34: SETH*

(PART 2)



“Excuse me.” Paalam ko saglit. Lumabas muna ako ng store. “Hello?” Napangiti ako nang makilala kung sino ang tumawag.


“Okay… What do you want?” Nakita kong nakatingin sakin si Ruke, nakakunot-noo. Nagtataka siguro siya kung bakit todo-ngiti ako. “Of course I will. I love you too, baby. Bye.” In-end ko ang call.

 

“Who was that?!”

 

“Ay!! Anak ng tipaklong!” Nilingon ko si Ruke na hindi na maipinta ang mukha. “Ano na naman problema mo?” May nakaaway na naman kaya ang lalaking ‘to?

 

“I was asking you a question! Who the hell was that?!” Inagaw na niya sakin ang cell phone tapos pinindot-pindot. “Seth?! You told him you loved him too, right?! You’re two-timing me?!”

 

“Two-timing ka diyan, di nga kita boyfriend, eh.” Hinala ko siya papuntang Mcdo. “Ako naman ang samahan mo. I’ll introduce you to Seth.”

 

“No!”Nagulat ang mga taong nakapila sa sigaw ni Ruke. Baliw talaga! “I don’t care about that shit!” Aalis na sana siya nang pigilan ko.

 

“Dito ka lang. Mabilis lang naman ang order ko.” Binigay na nga sakin. “Let’s go.”

 

“Saan po tayo?” Tanong ni Mang Jefferson.

 

“Home.”

 

“Hindi po, Mang Jefferson, sa school po tayo.”

 

“Bakit hindi ka nalang sumakay ng jeep mag-isa kung gusto mong puntahan ang boyfriend mo?!” Mainit ang ulo na tanong niya sakin.

 

“Wala na akong pera.” Nakalimutan ko kasi yung wallet ko, isakto lang sa binili ko kanina.

 

“Oh, great!” Hindi na niya ako kinausap buong biyahe. Mabuti nalang, sinunod ako ni Mang Jefferson.

 

“Mang Jefferson, pwede po bang i-deretso niyo kami sa playground ng school?”

 

“Playground?! What a creep!” Pang-iinsulto ng bruho. Hindi ko nalang siya pinatulan.

 

Nang makarating dun, nauna na akong bumaba. “What are you waiting for?” Hindi ko na siya hinintay na sumagot, hinila ko na agad siya pababa.

 

“Ayoko ngang sumama, eh!”

 

“Ssshhh!” Saway ko. Madaming batang naglalaro sa playground. Hindi ko pa makita ang hinahanap ko. Umikot ako para i-check ang buong paligid. Sa wakas, nakita ko ang isang lalaki malapit sa puno, parang may kinukuha.


“Seth!” Napatingin sakin ang isang bata.

 

 

 

 

 




























 

 

 

“Mommyyyyyyyyyyyyy!!!”


“Siya si Seth?!” Napatingin siya sakin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

























 





















 

 

 

“May anak ka na?!

 


 























































































Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com