*34: SETH*
(PART 1)
“Oh, bakit nandito ka lang?” Naka-upo lang si Ruke sa dulo ng gym habang nag ibang Thimbleweed pawisan sa sa kaka-practice.
Itinuro niya sakin sapatos niya. “Anong nangyari diyan?”
He shrugged. “Don’t know. Bigla nalang nasira, eh.”
“Wala ka bang dalang extra?”
“I never ever bothered to bring one.”
Lumapit samin si Ahia. “Oh, Ruke, andito na pala si Harrow, eh.” Inakbayan pa ako ni Ahia.
Napataas ang kilay ko. “Bakit, Ahia?”
“Kanina ka pa hinihintay niyan na dumating.” Nginuso niya si Ruke. “Magpapasama daw siya sayo.”
Tiningnan ko naman si Ruke. “Saan?”
“I’m gonna buy a shoes.”
“Oh… Sorry but I’m too busy today. Kaya mo nang mag-isa yan.”
“Eh, di wag!” Iniwan niya kami ni Ahia dun tapos pumasok siya sa locker room at binagsak pa ang pinto.
“Hala… Nagtampo na tuloy si Ruke sayo.” Paninisi ni Ahia sakin. “Samahan mo na kasi.”
“Binibiro ko lang naman siya, ah.” Malay ko bang maghihinanakit agad ang bruhong yun.
Tinulak-tulak ako ni Ahia papuntang locker room. “Puntahan mo na… Mag-sory ka na dun…” Pumasok na nga ako. Tahimik lang siyang naka-upo sa gilid. Tiningnan niya ako ng masama.
“Pssst..” Hindi na niya ako pinansin.
“Hoy… Joke lang kaya yun. Huwag ka nang magalit diyan.” Nilapitan ko na siya.
“Magbihis ka na, ha? Hihintayin nalang kita sa labas.”
“Halika na.”
“Ipili mo nga ako.” Parang hari talaga kung makapag-utos.
“Ano bang brand ng sapatos mo, Sleeping Prince?” Pang-aasar ko na. Ako din kasi ang taga-bili kay Ahia ng basketball shoes niya noon.
Sumimangot muna siya. “Nike Air Jordan 5.”
Nagtingin-tingin ako kung ano ang magandang kulay. Maya-maya, pinakita ko sa kanya ang napili ko. Kulay white na may red na may halong black. “How about this one?” Ang mahal! Nakakalula! Times ten ang price sa sapatos ni Ahia.
“Not that.” Sumimangot na naman siya. “Ang pangit mo namang pumili.”
“Eh, di ikaw diyan ang pumili!” Naiinis kong sabi. Bruho ka! Inutus-utusan mo ako tapos lalaitin mo lang pala.
Siya na nga ang nagkusa. Halos libutin na namin ang buong store, tiningnan na niya isa-isa ang mga sapatos, wala pa rin siyang nagustuhan. Lahat may dinadahilan siya kung ba’t ayaw niyang bilhin.
“Oh, tapos na tayo dito kanina, ah.” Napansin kong sa lugar na iyon niya ako pinapili ng sapatos niya.
“Alam ko…” Kinuha niya ang sapatos na ipinakita ko sa kanya kanina. “Ito nalang ang bibilhin ko.”
“Akala ko ba ayaw mo niyan dahil pangit?” Sarcastic na ako.
“Ito nalang… Naaawa kasi ako sayo… Baka umiyak ka…”
“Magbayad ka na nga.”
Hindi niya ako sinunod. “Ikaw?”
“Anong ako?” Tinotopak na naman ang bruho. Hindi ko na naman siya magets.
“Hindi ka ba bibili? Ililibre kita.” Naka-ngisi niyang sabi.
“Panlalaki kaya dito!” High blood agad ako kapag sa lalaking ‘to.
“Kaya nga…” Mas lalo pa siyang ngumisi.
“Mukha ka namang lalaki, eh.” Tumawa pa siya ng malakas.
“Ay… Wala na… Ayan tuloy nagbago na isip ko. Hindi na kita ililibre … Ang bagal mo kasi, eh. Better luck next time nalang.” Nauna na siyang maglakad papuntang counter. Bwisit ka! Turn na niyang magbayad nang marinig kong tumunog cell phone ko.


bravenet.com