*33: DOUBLE PARTY CELEBRATION*
BEST WISHES MR. AND MRS. RUKE KRUGER!
Yan ang nakasulat sa tarpaulin na naka-sabit sa labas ng cabin ng mga Thew. Kasama ko si Ropy, si Mickey naman, hindi raw makakapunta. Double party ang ginawa nina Eiji. One is for the reception for our ‘wedding’, then a victory party for the Macken Twins.
Sinamahan kami ni Eiji sa isa sa mga table dun. Hindi pa man ako nakaka-upo, tinawag na ako ni Dylan. “Harrow, can I talk to you?”
Sasagot na sana ako nang magsalita si Ruke mula sa likod ko. “Dylan, can I talk to you first?” Parang hindi makapag-decide si Dylan kung sino ang uunahin samin ni Ruke. Sa huli, si Ruke ang pinili niya.
“Sure. Later, Harrow.” Sa pinakadulo kung saan kakaunti lang ang tao sila umupo. Si Dylan lang ang nagsasalita, parang importanteng-importante ang sinasabi. Si Ruke naman, nakikinig lang. The way Dylan was acting, it was as if he got into a big trouble. Napa-isip na naman ako. Ano kaya ang kailangan ni Dylan sakin? Ang sasabihin ba niya ngayon ay kapareho ng sasabihin niya sana noon kaya inutusan niya si Dennis na hingin ang number ko? But he never tried to call me. Yung tungkol pala sa wedding kanina, pinaliwanag na nila sakin kung paanong naging si Ruke ang groom ko. Kaya pala tinawagan ni Dennis si Dylan para magtanong kung ano ang susunod na plano kasi isang oras na ang nakakalipas, wala pa rin sina Ruke at Eiji. Na-misunderstood ko lang ang lahat. Huminto sila sa pag-uusap nang makitang dumating si Dennis kasama si Mickey. Mickey?! Akala ko ba hindi makakarating ang babaeng ‘to? Magkasabay na sina Ruke at Mickey na lumapit sa table namin. Ang dalawang magkapatid naman ang nag-usap.
“Kukuha lang kami ni Mickey ng pagkain, Harrow.” Hinila agad ni Ropy si Mickey. Alam ko namang sinadya niya yun para makapag-solo kami ni Ruke.
“Wait here, kakausapin ko lang si Dylan.”
“No need.”
Binigyan kami ni Ruke ng pagkain ng matandang lalaki na sumundo sa kanya at naghatid sakin noong Free Taste Day. “Heto na po pagkain ninyo, Master Ruke.”
“Just put it there.” Utos ni Ruke.
Meron din pala para sakin. “Good evening, Miss Harrow.”
“Good evening din po.”
“You can leave us now, Jefferson.” Nag-bow pa ang matandang lalaki bago umalis.
“Anong pinag-usapan niyo ni Dylan?” Nag-umpisa na kaming kumain.
“Wala.” For the first time, walang reklamo si Ruke sa pagkain ngayon, ah.
“Ang tagal-tagal ninyong nag-usap tapos sasabihin mong wala lang?”
Inismiran niya ako. “Basta hindi tungkol sayo kaya wag ka nang umasa diyan.” Bruhong ‘to, ang sama talaga ng ugali. Hindi naman yun ang sinasabi ko, eh. Inubos ko nalang ang pagkain. Sina Ropy at Mickey, hindi na bumalik. Papatapos na kami nang dumating ulit ang matandang lalaking nag-alaga kay Ruke. Dala-dala niya ang box ng chocolate cake na ibinigay ko kanina kay Ruke. “Palagay ako.” Buo pa pala ang chocolate cake.
“Ang laki-laki mo na, nagpapa-serve ka pa diyan.” Pero sinunod ko pa rin naman siya.
“Mukhang masarap yan, ah.” Sumulpot bigla si Dylan.
“Hindi nga, eh.” Sagot naman agad ng bruho.
“Bakit naman?” Parang hindi naniniwala si Dylan kay Ruke. Pano naman maniniwala ang mga tao, eh mukhang sarap na sarap siya sa pagkain. “Magaling naman ang chef na kinuha , ah.”
“Bigay ni Harrow ‘to sakin. Cake para sa kasal namin. Siya ang nag-bake kaya hindi masarap.”
“Oh… By the way, congratulations for the both of you.” Nag-shake hands pa ang dalawa.
“Ikaw ang nagplano, right?” Singit ko sa usapan.
Natawa si Dylan. “Yeah…”
“Pero siya ang mastermind, right?” Tinuro ako ng bruho.
Halatang nagulat si Dylan sa tanong ni Ruke. “Oo naman… Di ba, Harrow?” Pa-sekreto na kinindatan ako ni Dylan. Siguro, sinasakyan nalang niya ang pinag-iisip ni Ruke. Tumango nalang ako. Minsan ko lang kasing makita si Ruke na masaya, eh.
“Pahingi pa ako.” Nilagyan ko ulit ang plato niya ng cake.
“I thought you didn’t like it?” Nagtataka na si Dylan kay Ruke.
“Yeah… But no one would dare to eat this except me.” Napa-iling nalang ako sa rason niya. Napaka-childish niya!
“Why? How did it taste?”
“So baaaaad…” Nag-act pa siya na parang diring-diri talaga. “Lahat nang niluto ni Harrow, hindi masarap.”
“So, nakakain ka na rin pala ng ibang luto niya?”
Tumango-tango ang bruho. “Noon, binigyan niya ako ng lunch.”
“Anong binigyan? Inagaw mo kaya.” Pagtatama ko.
“Why are you so mad about it? Hindi naman masarap yun, eh.” Sinungaling!
“And then, what happened?” Naa-amaze na siguro si Dylan sa kadaldalan ng kaibigan niya ngayon.
“Kaya pala kahit isang butil ng kanin, walang natira.” Ultimo, isang patak ng sabaw ng curry, hindi mo sinanto, burho ka!
“Alam mo Harrow, mahalaga sakin yun…” Tumigil muna siya sa pagkain, umayos ng upo tapos tiningnan ako ng mabuti. Pati si Dylan, mas naging interesado sa sasabihin ni Ruke. “Dahil ang bawat butil ng kanin, pinaghihirapan ng mga magsasaka. Now, tell me, why would I do such a thing? Ang dami-daming mahihirap dito sa Pilipinas ang hindi nakakakain ng kanin tapos sasayangin ko pa ang pagkain? Kahit sabihin na nating hindi masarap ang luto mo, hindi pa rin sapat na reason yun para magsayang ako. Kaya ko namang tiisin, eh. Mas gugustuhin ko pang kainin ang mga luto mong hindi masarap kaysa magutom. Besides, the county is facing rice crisis. Maswerte na ako, at nakakakain pa ko ng mahal na bigas.” Nag-bow pa siya pagkatapos ng speech niya.
Tuwang-tuwang ginulo ni Dylan ang buhok ni Ruke. “I agree with you, Ruke.”
“We are suffering from high prices things these days… Even the middle class people are buying NFA rice. Lahat na ng mga tinda ngayon tumataas na… Si Gloria nalang ata ang hindi tumataas.” Halos gumulong na si Dylan sa kakatawa dun. Sira talaga si Ruke. Kahit ang Presidente ng Pilipinas, na wala namang ginagawang masama sa kanya, hindi rin naman siya apektado sa kahirapan na nararanasan ng ibang Pilipino ngayon, hindi pa rin pinaligtas sa pang-iinsulto niya. Kasalanan ba na naging pandak si Gloria tapos naging matangkad siya? Kahit ganun siya, humanga pa rin naman ako sa mga ideas ng bruho tungkol sa mga bagay-bagay. Lagi naman siyang may point at magaling talaga siya sa mga reasoning. Yun nga lang, sa huli, dinadagdagan niya ng ka-epalan niya.
“Alright, I’ll sacrifice myself, too. Tutulong na rin ako sayo sa pag-ubos ng chocolate cake na hindi masarap.” Amuse na amuse pa rin talaga si Dylan.
Napa-isip saglit si Ruke. Akala ko hindi siya papayag pero tumango siya. “Sure. Since you helped Harrow to execute her plan to marry me.”
“Hey! I helped, too! Ako pa nga nag-isip ng music!” Lakas naman ng pang-amoy ni Dennis basta pagkain.
“If it was not for me, you wouldn’t have been able to marry Harrow.” Pati ba naman si Eiji?
“Ako ang nagkasal sa inyo… Bayad mo nalang sakin ang chocolate cake.” Oo nga naman, Father Tori, ikaw na yata ang pinaka-walang kwentang pari na nakilala ko sa buong buhay ko.
“Best men kami!” Fuji, Rei, Ayame chorused. Parang nagdadalawang isip pa si Ruke kung magbibigay ba siya ng chocolate cake.
Sa huli, lahat kami masayang nakakain…


bravenet.com