untitled
viviti

Tori Mine’s most unforgettable priestly lines: “So now, I pronounce you, errr…  bread and wine??”

Ruke Kruger’s childlike attitude: “Bye...”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 




 

“Wife!”

 

 

*31: THE UNBELIEVABLE PRIEST*

 

 

Naka-tuxedo na si Ruke pagkalabas nila ulit. Kung kanina todo simangot siya, ngayon naman ngiting-ngiti na siya. Nilapitan niya ako.

 

“Bakit hindi mo sinabi sakin na gusto mo pala akong pakasalan?”

 

Tinaasan ko siya ng kilay. “Nagulat din kaya ako. At kahit kelan, wala akong balak at hinding-hindi ko babalaking pakasalan ka.”

 

Tinaasan niya din ako ng kilay, halatang hindi naniniwala. Kapal niya, ha. “Sabi sakin ni Dennis, ikaw daw ang nag-plano nito.”

 

Sumabad bigla si Dennis na nakikipag-biruan kanina kay Eiji. “Oi! Huwag mo nga akong isasali sa kalokohan mo, Ruke!” Hindi man lang pinansin ni Ruke ang sinabi ni Dennis. Nagpatuloy siya, mas pinalala pa nga ang sitwasyon.

 

“He even told me that you planned the whole thing.”

 

“What?!” Malilintikan ka talaga sakin, Dennis.

 

Nag-react na naman si Dennis. “I didn’t say anything like that! Believe me, Harrow.” Kahit na maloko si Dennis, parang mas gusto ko pa siyang paniwalaan ngayon kaysa kay Ruke.

 

“Hindi pa ba tayo magsisimula?” Inip na tanong ni Ruke.

 

“Si Dylan na lang ang hinihintay natin. Tawagan mo na kaya, Dennis.” Cool na cool na sabi ni Tori. Siya ang magkakasal samin.

 

Tinawagan nga ulit ni Dennis si Dylan. “Okay… Sure, we understand. Bye.” Binaba ni Dennis cell phone niya. “Guys, Dylan won’t come. There’s an emergency.”

 

“O, sige… Magsimula na tayo…” Naka-ready na si Tori akala mo totoong pari talaga.

 

“Kailangan pa ba talaga ng marching na yan?”

 

“Natural.” Sagot ni Ayame.

 

“Bakit? Dapat kasal na agad, yun naman ang talagang purpose dito. This is not a parase nor a fashion show.”

 

Binatukan siya ni Rei. “Reklamo ka ng reklamo diyan. Di ka ba makapaghihintay?” Sumimangot si Ruke.

 

“Mag-ready ka na, Ruke. Mas pinatatagal mo pa. Don’t frown.” Saway ni Fuji.

 

Dinala ako ng mga chambermaids sa pinakadulo. Nakapila kaming lahat. Tinotoo ba naman. Apat lang sa mga Thew ang bestman ni Ruke. Sina Eiji, Fuji, Rei, Ayame. Dapat pito talaga pero hindi naman makakapunta si Dylan. Si Tori, kaya di kasali kasi siya nga yung pari kunwari. Si Dennis naman, siya ang nagpia-piano para sa background music. Ang galing nga niya, eh.

 

“I will give up everything, before I separate myself from you…” I thought Dennis would just play the piano. Kakanta din pala siya?! Ganda ng boses niya!! Nag-start nang lumakad… “I was all by myself from the longest time… so cold inside…” May papikit-pikit pang nalalaman si Dennis. “Until you saved my life…”

 

They shook Ruke’s hand then smiled at me. “Way to go, Ruke.”

 

“Thank God I found you… I was lost without you… My every hope and every dream somehow became reality...”

 

Ruke held my hand. “Ang lamig naman ng kamay mo.” At nanginginig pa. “Okay ka lang, Ruke?”

 

“Ha?” Namutla siya. “Ah… Oo..” Narating na kami kay Tori.

 

“We gathered here…” Tumikhim si Tori. Mukhang nakalimutan ang lines niya. “Aherm… You see, our brod here, Ruke Kruger… is an impatient guy…” Nagtawanan ang mga kaibigan nila. Sira-ulo talaga ang Tori na ‘to. Comedy rin.

 

“So now, I pronounce you, errr…  bread and wine??” Tumpak! Nakalimutan na nga niya ng tuluyan lines niya. Humalakhak na sina Dennis dun. Mas lalo tuloy napraning si Tori. “I mean…” Tumingin siya sakin. Napahawak pa siya sa noo niya. “Sorry about that, Harrow.”

 

Napa-iling si Ruke. “What an idiot.” Narinig kong bulong niya.

 

“Aherm… I now pronounce you, husband and wife…” Tiningnan niya si Ruke. “You may now kiss the bride.”

 

Syeeeet! Meron pala nun, ba’t ko ba nakalimutan?! “Harrow…” Napatingin ako kay Ruke na nakayuko na pala! Instead of kissing me on my cheek, he ended up kissing my lips. Nanlaki ang mga mata naming dalawa…

 

*32: FIRST KISS*

 

 “Whoa!” Halatang nagulat din ang mga Thew.

 

“Nice one, Ruke! Now, you’re finally awake after one hundred years of sleeping!” Sinabayan pa ng malakas na tawa ni Dennis ang sinabi.

 

“Nawala na ang sumpa sayo, Sleeping Prince!” Dagdag pa ni Eiji.

 

Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Ruke. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Hinawakan niya ang bibig niya. “Pinagsamantalahan mo ako, Harrow…” Bigla niyang sabi sakin pero tulala pa rin.

 

Binatukan ko siya. “Luku-luko.”

 

“Ninakaw mo sakin ang pagkalalaki ko.” Hirit na naman ng bruho. Sunud-sunod ang ginawa kong pagbatok sa kanya. “Shit! Hey! Ouch! Stop! “ Lumayo siya sakin ng konti. “I was just kidding!” Nakasimangot niyang sabi. Aba! Marunong pala siya nun?!

 

“Best wishes!”

 

“Congratulations!”

 

“Ruke, dude, we’re expecting many kids!”

 

Nagpasalamat nalang ako kahit naiinis pa rin ako sa nangyari. Si Ruke, feel na feel talaga. “Thanks, guys! I owed you one.” Nagsimula na akong maglakad para bumalik sa booth namin. “Alam ko na ngayon kung bakit mo ko binigyan ng cake.” Nakasunod pala ang bruho sakin.

 

“Malamang. Sinabi ko na sayo kanina, eh.”

 

“Hey guys! Congrats! Punta kayo sa party mamaya, okay?!” Pahabol ni Fuji samin.

 

“Sure!” Sagot naman ni Ruke. “Not that. I know there’s a reason behind it.” Kinabahan ako bigla kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya. “Cake para sa wedding natin yun, noh?” Pinataas-baba pa niya ang mga kilay.

 

I rolled my eyes. Akala ko pa naman, alam na talaga niya. “Yeah, right. Whatever.” Kung saan ka masayang bruho ka.

 

“Patay na patay ka pala talaga sakin, noh?” Diyos ko, Ilayo niyo po ako sa lalaking ‘to.

 

“You’re dreaming again, Ruke.”

 

Ngingiti-ngiti pa rin siya. Tumingin siya sakin. “Tama ba naman yun?”

 

“Alin?” Tinotopak na naman.

 

“Daig ko pa ang napikot nito, eh.” Lord, alam ko pong masama ang pumatay, pero di ko na po talaga kaya.

 

“Baliw ka, Ruke! Baliwwwwww!” Asar-talo na naman ako. Kelan nga ba ako nanalo sa kanya?

 

Inunahan niya akong maglakad. Bigla siyang humarap sakin, huminto at hinawakan ako sa balikat. “Alam mo, Harrow…” Seryosong-seryoso na naman ang mukha niya. “Ang baliw na sinasabi mo…” Tinuro pa niya sarili niya. “Ay ang one and only love mo!” Pagkasabi nun, tumakbo  agad ng mabilis. Parang batang tawa siya ng tawa. “Hey! Punta ka kina Eiji mamaya, ha? Hihintayin kita!” Pahabol niya. “Bye...”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Wife!”






























Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com