untitled
viviti


*29: HUWAAAT?!*

 

 

“What does Dylan want from me, Dennis?” Dinaanan namin lahat ng booth. Para ngang nasa plano yun sa pakikipag-usap ko kay Dylan, eh.

 

“Mamaya pa yun. Sakay muna tayo sa mini horror train!!” Hinila niya ako papunta dun.

 

Madami pa kaming sinakyan nun… Pumasok din kami sa Horror House, Fantasy World, Jail Booth, bumili ng cotton candy na sobrang laki at siya lang din naman ang nag-ubos lahat. Ang dami rin niyang nilaro. Halos thirty minutes ang naubos naming time. Nanghuli pa siya ng isda na hindi naman niya nagawa. Laging nabubutas yung net na binibili niya. Sa huli, sumuko din siya.

 

“I guess it’s time.” Nasa likod ko si Dennis.

 

“Come again?”

 

“Sorry talaga, Harrow, napag-utusan lang ako ng kapatid ko.” Naramdaman ko nalang, piniringan niya ako.

 

“Dennis, what’s this all about?!” Sinuotan pa niya ako ng handcuff at hinila na naman.

 

Pasikot-sikot ang mga dinaanan namin. Daig ko pang bulag nito… Sa wakas, nag-stop na kami. Tinanggal niya ang blindfold. May nakapalibot sakin na mga guard ba yung mga yun? Ewan...

 

“Dennis, tanggalin mo na nga handcuff ko.” Nasa wedding booth kami.

 

“Bawal. Bantayan niyong mabuti yan baka makatakas.” Sabi ni Dennis na feel na feel ang pag-uutos.

 

“Yes, Master!” Sumaludo pa ang mga guards.

 

“Nasaan na ang kapatid ko?” Tanong ni Dennis kay Fuji. Nandoon rin ang ibang Thew maliban lang kina Ruke at Eiji na naiwan sa HRM Room, pati si Dylan na eto nga at tinatanong na ni Dennis kung nasaan.

 

“May pinuntahan lang si Dylan. Babalik din yun agad.”

 

“Tingnan niyo ang ugali ng kapatid kong yun, siya nagplano, siya ang umalis.”

 

“Kumusta ka na pala, Harrow?”

 

“I’m fine, Ayame…” Humarap ako sa kanila. “But would you please tell me what’s happening here?”

 

“As of now, we can’t. May hinihintay pa tayo, right guys?.” Ano ba talaga ang nangyayari dito?

 

“You’re right, Rei.”

 

“Don’t worry, mayaya, magiging happy ka na.” Magiging masaya ako?? Sa ano?

 

“Yeah Tori, that’s for sure.” What are you talking about, guys??

 

“So as early as now, we want to congratulate you.” Huh?

 

“For what?” Nalilito na ako.

 

“Basta…” Nginitian lang nila ako. One hour na akong naka-upo lang dun. Sila Dennis naman, mukhang inip na inip na rin.

 

“Does anyone know where my brother is?” Nababagot na tanong ni Dennis.

 

“We don’t have any idea, Dennis.” Tiningnan ni Tori ang relo niya. “Tawagan mo na nga, Dennis.” Lumabas si Dennis para siguro tawagan si Dylan. Nang bumalik siya, nakangiti na. Kinuha niya ang bell tapos pinatunog. May nagsilabasan na mga babae.

 

“Bihisan niyo na siya.” Tinuro ako ni Dennis. Nilapitan naman agad ako ng mga babae.

 

Papapasok na kami sa Dressing Room ng marinig ko ang sinabi ni Dennis. “Tama ba namang paghintayin niya bride niya?” Nagimbal ako sa narinig. Huwat?!

 

 

 

 























 

 

Papakasalan ako ni Dylan???

 




 

*30: MY GROOM*

 

Pagkapasok ko sa walk-in closet dressing room kasama ang mga… errr… chambermaids? Saka lamang ako nila tinanggalan agad ng hand cuff. They gave me a white dress na pwede na ring pangkasal. Inayusan ng buhok then nilagyan ng make-up.

 

“Cool!” Yun ang mga sinabi nina Dennis, Fuji, Rei, Ayame, Tori pagkalabas ko. Wala akong sinabi dahil sa hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Papakasalan ba talaga ako ni Dylan? Pero bakit ako pa?

 

“Let go of me! Let go of me!” Napatingin kaming lahat sa labas ng Wedding Booth pagkarinig ng boses ni Ruke. Nagpupumiglas siya kay Eiji. Pulang-pula na ang buong mukha dahil sa galit.

 

“Sumama ka na kasi ng maayos.” Hinila ni Eiji si Ruke papasok sa Wedding Booth, pero hinila rin ni Ruke si Eiji palabas. Naka-posas ang dalawa.


”Moron! Bitiwan mo ako!” Pati ang ibang taong napapadaan sa floor na yun, napapatingin na rin kina Ruke dahil sa lakas ng sigaw niya.

 

“May pupuntahan nga tayo, ang kulit mo naman.”

 

“Where?! Ikaw ang makulit! I don’t want to go!”

 

“To the Wedding Booth.” Tinuro ni Eiji ang booth na nasa harapan na nila pero di man lang yun tiningnan ni Ruke.

 

“Ano naman ang gagawin natin diyan?!”

 

“Obviously, magpapakasal.”

 

Mas lalong nagpumiglas si Ruke sa nalaman. “What?! You got to be shitting me?! You fag! Ayokong magpakasal sayo!” Muntik na kaming matawa sa sinabi ni Ruke. Hindi lamang natuloy dahil sinigawan na rin siya ni Eiji si Ruke. Mukhang nainsulto ata sa sinabi ni Ruke sa kanya.

 

“I’m not a gay, you idiot! Sino naman ang nagsabi sayong tayo magpapakasal?!” Kapag nagpatuloy pa ‘to, magkakasuntukan na yata  ang dalawa.

 

“Ganun naman pala, eh! Bakit pinipilit mo pa akong sumama sayo?!”

 

“Ikaw ang magpapakasal!”

 

“Bullshit! Pakawalan mo na ako!” Nagpumiglas na naman siya.

 

“Bakit ba kasi gusto mong makawala?!” Parang nawawalan na ng pasensiya si Eiji nun.

 

“Hahanapin ko pa si Harrow!”

 

Napipikong itinuro ako ni Eiji. “Ayan si Harrow, o! Have you gone blind?!” Dahil sa sobrang galit, hindi na ako napansin kanina ni Ruke.

 

Tumigil si Ruke sa pagwawala at tiningnan ako. “You got a ring…” Tinitigan niya ang singsing na suot ko palagi. “You got a ring!” Nagsimula na naman siyang magwala. “Dylan! You son of a bitch! Come here, you traitor!”  Pati tenga ni Ruke, namumula na rin. Sina Dennis, tumulong na din kay Eiji para pigilan si Ruke.

 

“Ruke… It’s not what you’re thinking—-“ Nag-try akong magpaliwanag pero hindi siya nakinig.

 

“Pakawalan niyo ako!” Tumingin siya sakin. “I hate you! I—“ Sabay-sabay siyang binatukan ng mga kaibigan niya.

 

“Shut up, Ruke! Listen to us very carefully…”

 

“No! Not ever! Pare-pareho kayong lahat! Mga——–“

 

Binatukan ulit siya ni Tori. “Idiot! You’re getting the wrong idea here.”

 

“What do you mean?!”

 

“Paanong magpapakasal si Harrow, eh wala naman ang groom niya kanina?”

 

“Yeah… And we’re definitely talking about you.” Dugtong naman ni Rei. Ako naman, nalito na. Akala ko ba si Dylan ang pakakasalan ko? Mamaya nalang siguro ako magtatanong kapag okay na ang lahat.

 

“I am her groom?” Tumango sila. “Not Dylan?” Umiling naman sila.

 

“How the hell it would be my twin brother? You know he has a girlfriend.” Pagtatanggol naman ni Dennis sa kapatid.

 

“But you said Dylan wanted to talk to her and she got a ring.”

 

“Yes, Dylan wanted to talk to her not marry her.” Natahimik si Ruke. “And she always wears that ring, am I right, Harrow?” Tumango ako. Natahimik naman si Ruke.

 

Tiningnan ni Ayame si Eiji. “Ang tagal niyo namang dumating. Kanina pa naghihintay ang bride.”

 

“Sisihin niyo si Ruke! Napakaarte. Ayaw sumama.”

 

“Hindi mo kasi sinabi agad!” Paninisi pa ni Ruke kay Eiji.

 

“Kanina ko pa sinasabi sayo! Di ka lang nakikinig!” Hindi naman nagpatalo si Eiji.

                                                            

“That’s enough. Magbihis ka na nga Ruke. Nakakahiya sa bride mo. Dapat nga groom ang nauunang dumating.” Napapailing-iling si Fuji. Sinamahan na nga nilang magbihis si Ruke…














Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com