untitled
viviti


*28: AMBUSH*

 

“Do I really have to wear this shit?” Alam kong inis na inis na si Ruke nun.

 

“Cute kaya…” Sinuot ko sa kanya ang necktie.

 

Kanina kasi, nakaupo lang si Ruke sa dulo kaya humingi ako ng favor sa kanya. Pumayag naman agad siya kasi nga masaya siya ngayon dahil sa cake niya. Testing lang yun pero nag-work naman. Pero nung sabihin ko sa kanya na tulungan niya kami sa pagtitinda, dun na siya umayaw. Dahil sa pride, napilitan na rin. Sabi pa nga niya, ‘may isang salita ako’.

 

Ngayon naman, costume ang pinag-iinitan niya. Sa araw na ito ko lang din nalaman na dapat may costume pa pala.

 

“Ayoko niyan!” Ang sinasabi niya ay yung necktie.

 

“Kailangan.” Tinulak ko na siya papuntang counter. “Pagbutihin mo, ha?” Simangot lang ang iginanti niya sakin.

 

Pumasok na ulit ako sa loob ng kitchen room at ipinagpatuloy ang pagbabantay sa niluluto ko. Sobrang init na sa HRM Room. Punung-puno na at nag-sisiksikan na ang mga tao.

 

“What do you want?!”

 

“Arnold, take over ka muna dito.” Napatakbo ako sa labas ng kitchen ng di oras sa narinig. Sino na naman kaya ang inaaway ni Ruke?

 

Wala na akong customer na naabutan pagkalabas ko. Lahat nagsitakbuhan na. Susme! Kung ganito ba naman ang ugali na pagbabantayin niyo sa tindahan, wala pa yatang isang minuto, bankrupt na negosyo mo.

 

“Ruke, you’re scaring the customers.” Sayang! Ang dami pa naman.

 

”They’re pissing me off!” Hinablot niya ang necktie niya. Nakita ko namang papalapit samin sina Dennis at Eiji.

 

“Malulugi tayo nito, sige ka…”

 

“Mabuti nga yun eh! I looked like a damned waiter here!”

 

Tumawa ng malakas ang dalawang makulit. “Ahh…. Wahahahahahaha! Waiter!!!” Tingnan niyo ang mga ugali ng mga ‘to… Pikon na nga si Ruke, mas lalo pa nilang pinikon.

 

“Shut up!!” Sigaw ni Ruke sa kanila.

 

Inakbayan ni Dennis si Ruke. “Alam mo, waiter… este Ruke..” Tumawa na naman si Dennis. “Bagay naman sayo, eh kaya wag ka nang magalit diyan.”

 

“You… moron!” Palag ni Ruke.

 

Patuloy pa ring tumatawa ang dalawa. Parang hindi naapektuhan sa sinabi ni Ruke.

 

“Pabili kami ng chocolate cake, Waiter Ruke.” Lumapit sina K1 at K2 sa counter.

 

Ako na ang nag-asikaso sa kanila. Mukhang sasabog na kasi si Ruke sa galit. “Pero wala naman kaming chocolate cake.”

 

“Wala??” Disappointed na naman si Dennis. “But why? Naubos na naman ba agad? Late ba kami ng dating?”

 

“Banana cake and Pandan cake ang niluto namin. Bonus lang naman yung chocolate cupcake kahapon.”

 

Nalungkot ang dalawa sa sinabi ko. “Ay… Nabitin pa naman ako kahapon kaya bibili sana ako ngayon.”

 

“Ang daya naman… Ako nga hindi nakatikim kahit isa eh…”

 

“Pandan cake nalang samin, Harrow.” Pansin ko lang, parang pati ang barkada ni Ruke, ayaw din sa Banana cake.

 

“Isa?” Kumuha ako ng ribbon.

 

“Make it two.” Tinalian ko ang two boxes ng pandan cakes then sinuklian sila. Bumili na din sila ng steak at juice. Nag-standby muna sila, pinagtutulungan na naman si Ruke na asar na asar na.

 

“Order niyo…” Sabay serve sa kanila. Naki-upo na rin ako.

 

“Wala ka bang ibang gagawin, Harrow?” Kaninang-kanina pa talaga ako parang gustung-gustong paalisin ng dalawang makukulit sa hindi malamang dahilan.

 

“I’m finished with my job.” Nagtinginan ang dalawang kumag. Mabilis tinapos ni Dennis ang pagkain niya.

 

“Mabulunan ka Dennis. Dahan-dahan lang naman.” Pagpapaalala ko.

 

Tumayo siya. “That won’t happen to me. Kung wala ka na palang gagawin, halika na, Harrow.” Inalalayan niya akong tumayo.

 

“Where are you taking her, Dennis?” Napatayo na rin si Ruke.

 

“Dylan wants to talk to her.” Hinila na ako ni Dennis.

 

“Oooopppssss… And where do you think you’re going?” Akala mo, nagpapatintero sina Ruke at Eiji. Ayaw kasing padaanin ni Eiji si Ruke.

 

“I will go too.” Ruke said while trying to escape.

 

“Si Harrow lang ang kakausapin ni Dylan. Ako naman ang kakausap sayo. I have to tell you something.”

 

“Like friggin’ hell I am interested with what you wanted to say!”

 

“Trabaho lang ‘to, Ruke, pare. Pasensiya ka na.” Hindi pa rin makatakas si Ruke. Magkasinglaki ang naman sila ng mga kaibigan niya. Senenyasan kami ni Eiji na umalis na.

 

Tumalima naman agad si Dennis. “Bilisan mo na, Harrow.”

 

“Stay out of way, idiot!!!” Sigaw na Ruke.

 

“Pero si Ruke—-“

 

“You need not to worry about him. Eiji won’t hurt him.” Kabaliktaran naman ang inaalala ko sa sinabi ni Dylan, eh. Kung pano mapapakalma ni Eiji si Ruke...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

It’s already  his problem I guess. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com