untitled
viviti


*27: CHOCOLATE CAKE JUST FOR YOU*

 

“A banana cake, I see…” Mahinahon man ang pagkakasabi ni Ruke nun, nagbabanta naman.

 

Inilayo ko siya agad sa mesa na kinalalagyan ng banana cakes bago pa niya magawa ang masamang binabalak.

 

“Bakit mo ako hinihila?!” Nagtanong ka pa!

 

“Baka sayangin mo na naman kasi ang pagkain, Pinaghirapan ko pa naman yun.”

 

Sumimangot agad siya. “Bakit banana cake ang ginawa mo?! Alam mo namang hindi ako kumakain nun, eh!”

 

“Sino naman nagsabi sayo na kakain ka nun?”

 

“Nakakainis ka…” Tiningnan niya ako ng masama.

 

“Alam ko kung bakit mo ginagawa ‘to.” May hinanakit na sabi niya sakin.

 

“Bakit?”

 

“Gumaganti ka kasi hindi kita kinausap kahapon!” Anong akala ng bruhong ‘to sakin? Katulad niyang isip-bata?

 

“Ewan ko sayo. Kung totoo ang sinasabi mo, bakit ginawan kita ng chocolate cake?” Nasa likod niya ang chocolate cake.

 

There were two reasons why I rejected those requests yesterday. About the chocolate cake, I mean. Una, masyadong mahal talaga ang mga ingredients. Kahit naman pang-mayaman ang school namin, hindi lahat ng nag-aaral dito ay mayaman talaga. Ang iba, maykaya lang sa buhay samantalang ang iba naman ay dahil lamang sa scholarship. Pangalawang reason naman kung bakit nag-settle kami sa banana cake, dahil malulugi kami. Si Ruke lang ang makikinabang sa chocolate cake kung saka-sakali.

 

Kinuha ni Ruke ang box.

 

“You made this?” Namimilog ang mga matang tanong niya. Para talagang bata.

 

“Yes.” Mabuti naman at wala na siyang rason para magwala sa araw na ito.

 

“Really? Akin lang ‘to?” Ayyy… Ang babaw ng kaligayahan.

 

“Yes.”

 

“Ako lang ba ang binigyan mo?” Paninigurado niya.

 

Masama ba kung may bibigyan pa akong iba? “Oo naman. Natutuwa kasi ako sayo. I still couldn’t believe how you really loved chocolates.”

 

Napangiti siya. Wow! “Bakit mo ko binigyan?”

 

“Bakit? Ayaw mo ba?”

 

Umiling-iling siya. “No. I mean yes. Errr…” Nalilito na yata ang bruho. “Basta, gusto ko na binigyan mo ko.”

                       

“I’m glad you love it.”

 

Nakatitig lang siya sa chocolate cake niya. Ngiting-ngiti pa nga, eh. Pero hindi nagtagal, natigilan siya…. Unti-unting kumunot ang noo… Nagsalubong ang mga kilay… Tapos parang nagagalit… Naiinis… Natigilan ulit… Halo-halo na ang reaksyon niya.

 

Tumingin siya sakin na hindi maipinta ang mukha.

 

“Anong nagyayari sayo?” Ang hirap talagang intindihin ng mga retarded.

 

“Naubos lahat ng ingredients kahapon diba?”

 

What’s the connect? “Oo.”

 

“You went to the grocery store again? Yesterday?”

 

“Yeah…” Oooppppssss… Wrong answer!!

 

“And you didn’t even tell me?! Bakit hindi mo ko sinama?!” Hala… Mag-uumpisa na….

 

“Galit ka kasi sakin kahapon. Natatakot akong kausapin ka.”

 

“Liar! Alam kong hindi ka takot sakin! Nakakainis ka! Nakakainis ka! Nakakainis ka!”

 

Oo na! Oo na! Oo na!

 

“Alright. Calm down would you?” I composed myself.

 

“Kung isinama kita kahapon, malalaman mong bibigyan kita ng chocolate cake. Hindi na siya surprise.”

 

Huminahon naman siya kahit papano dahil sa sinabi ko… Please naman, sana maniwala siya sa pang-uuto ko… Hindi ko siya isinama kahapon dahil nga mainit ang ulo niya. Tapos kapag isinama ko pa siya, hindi na naman matutuloy ang balak naming banana cake ang i-bake. Sigurado akong ipagpipilitan niyang chocolate cake ang gawing dessert. Ang mamahal pa naman ng mga kinukuha niyang ingredients. Ang gulo-gulo pa niya sa mall. Nakakahiya. Masyadong mareklamo, mas maarte pa sakin. Kaya ang ginawa ko, ginawan ko siya ng sarili niyang cake kagabi sa bahay.

 

“Fine….” Napatingin ulit siya sa cake niya.

 

“Since you gave me a cake, palalampasin ko ang ginawa mo.” Yes! Nauto ko rin siya!

 

“But… You’re hiding something from me and I must find it out.” Ay… Hindi pala!

 

“Gusto mo bang kainin na?” Change of topic baka magkabukuhan pa.

 

“No. Mamaya nalang. Ipapasikat ko pa kay Dylan.” Nilagay niya sa ref ang box tapos nagpaalam na para sa pratice. Ipapasikat? At kay Dylan lang talaga, ha? Napa-iling ako.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Napaka-isip bata talaga…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com