*26: CHOCOLATE CUPCAKE*
(part 2)
“Meron ba nito bukas?” Tanong ng isang babae sakin.
“Wala, eh. Bonus lang talaga yan.” Madami na ang nagrequest na chocolate cake nalang ang itinda namin bukas.
“Sayang naman… Ang sarap-sarap pa naman nito.” Sumang-ayon agad ang ibang nakakain na. Nakisali pa nga nag mga ka-group ko, eh.
“Ikaw ba ang nag-bake ng chocolate cupcakes?” Tanong naman ng isang lalaking mataba na nakapila.
“Oo.”
“You really are good.” Sabi naman ng babaeng kasama niya.
Nginitian ko sila. “Thank you.”
For two hours, naging busy kaming lahat sa pag-aasikaso ng mga customers. Three thirty na nang mawala yung mga tao sa HRM Room. Si Ruke pala, nakalimutan ko na. Pagkatapos niyang sirain halos lahat ng gamit sa HRM Room, nakatulog na naman siya. Nilapitan ko siya at tinabihan sa pag-upo.
“Ruke…” Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at tiningnan ako ng masama. May topak pa rin ang bruho?
“Ayaw mo pa bang umuwi?” Ang iba naman kasi naming ka-group, umalis na kanina pa. Konti nalang naman ang gagawin. Kailangan bukas energetic kaming lahat dahil siguradong wala talagang pahinga buong araw. Ibinaling niya ang ulo niya sa wall. Talikuran daw ba ako! Napansin kong basa na ang buhok niya dahil sa pawis. Nasira kasi ang aircon kanina, bukas pa maaayos. Ang dami-dami na rin niyang kagat ng lamok. Iniwan ko muna siya saglit para kumuha ng pamaypay at panyo.
“Mainit pa rin ulo ni Ruke?” Pabulong na tanong ng leader namin.
“Oo, eh…” I didn’t expect that either. Madalas naman kapag nagigising sa siya, nakalimutan na niya ang ikinagalit niya. Ngayon lang talaga nangyari ‘to. “Is it okay to save him even just two cupcakes?”
“Sure.” Naglagay siya ng tatlo pang cupcakes sa styro at binigay sakin.
“Thank you.” Nagsara na kami. Ubos na ang paninda namin.
“Harrow!!” Dennis?? Tama nga ako. “Ay! Wala nang chocolate cupcake?” Parang nalugi ang itsura ni Dennis.
“Nahuli ka na kasi ng dating.” Napatingin sakin si Dennis… Then sa hawak ko… Oh… oh…
“Chocolate cupcakes!! For me??” Puno ng pag-asa ang mukha.
Napangiwi ako. “Actually… no. Para kay Ruke ‘to, eh. Sorry, Dennis.”
“Akin nalang yan. Bibilhin ko kahit magkano… Pleaseeeeeeeeee???” Pagmamakaawa niya.
Pano na? “Errrr… Isa lang, ha?”
“Talaga?! Bibigyan mo ko?” Namilog ang mga mata nito. “Thank you!! Kanina ko pa gustong pumunta dito kasi ang daming nagsasabing ang sarap daw.” Tinikman niya. “Masarap nga! Kaso ayaw akong payagan ng adviser namin na lumabas.”
“Ah…” Ang daldal naman niya.
May kinuha siya sa bag niya. “Pakibigay pala ‘to kay Mickey. Nakalimutan ibigay ni Eiji, eh. Invitation card yan para sa party nila ni Fuji and—-“ Natigilan siya. “Aherm. Never mind, hehe.” Ngumiti siya na parang may itinatago.
Sayang! Madudulas na sana siya. “Mickey is still absent. I don’t know where she is.”
Napa-isip saglit si Dennis. “Ganun ba? Ako nalang pala ang magbibigay sa kanya. Punta kayo ni Ruke, ha? Kayo pa naman ang———“ Natigilan na naman siya. “Mapapatay ako nina Dylan nito…” Sa totoo lang, matagal ko nang napapansin na ang way ng pagbulong ng barkada ni Ruke, naririnig ng lahat. Tumingin ulit si Dennis sakin. “Basta punta kayo… Sige!! Alis na ko!! Bye-bye!! Thank you sa cupcake!!” Tumakbo na siya pagkatapos sabihin yun.
“Kami nalang maglilinis dito, Harrow, uwi nalang kayo ni Ruke.”
“Hihintayin nalang namin kayo.” Pinuntahan ko ulit si Ruke at pinaypayan. Pinunasan ko na rin pawis niya. Buti nga at hindi nagalit sa ginawa ko. Suddenly, someone knocked on the door. “Hello po.”
Isang matanda pala. “Andito po ba si Master Ruke?” Huh? Master?
“O-opo.” Ngumiti ang matanda.
Hindi talaga ako huminga nang gisingin ng matanda si Ruke. Akala ko sasaktan niya ang matanda dahil madaming nagsasabi na ayaw na ayaw ni Ruke ang ginigising siya lalo na at maganda ang tulog niya tapos bad trip pa talaga siya ngayon.
“Aalis na po tayo, Master Ruke.” Nakahinga ako ng maluwag nang tanguan lang siya ni Ruke at nauna ng lumabas ng HRM Room. “Tara na po, Miss Harrow.”
“Ha?” Saan?
“Sabi po kasi ni Master Ruke, ihahatid daw kayo.”
“Po?” Kailan naman sinabi ni Ruke yun? “Wala naman po siyang sinabi kanina.”
“Sigurado po akong yung ang gusto niyang gawin ko, Miss Harrow.”
“Pano niyo po nalaman?” Hindi pa rin ako naniniwala.
“Simula po ng ipinanganak si Master Ruke, ako na ang nag-alaga sa kanya. Kahit wala siyang sinasabi sakin, nahuhulaan ko po ang gusto niya sa kilos lang.” Ang galing naman niya. “Tara na po.”
Kahit kinakabahan, pumayag na rin ako. Nakasandig si Ruke sa kotse. Pinagbuksan kami ng matanda at nag bow pa. Sa loob, wala kaming pansinan ni Ruke. Nakatingin lang kasi siya sa labas ng kotse. Kinuha ko sa bag ko ang ointment.
“Akin na yang braso mo, lagyan natin ng ointment ang mga kagat ng lamok para gumaling agad.” Hindi niya ako sinunod. Parang walang narinig na nakatingin pa rin siya sa labas.
Napabuntung-hininga ako at ako nalang ang kumuha ng braso niya. Hindi naman siya pumalag. Nilagyan ko isa-isa ang mga kagat niya. Tapos, sa mukha naman. Tahimik lang siya. Nang matapos ako, nakarating na rin kami sa bahay ko. Kinuha ko yung styro na may laman na chocolate cake at inilagay sa upuan.
“Eto na pala chocolate cupcake mo.” Nginitian ko siya habang siya naman ay nakatingin sa styro. “Daig mo pa ang bata kung magtampo. By the way, thanks for the ride.” Pagkatapos sabihin yun, bumaba na ako agad ng kotse.


bravenet.com