untitled
viviti


*26: CHOCOLATE CUPCAKE*

(part 1)

 

“Matagal pa ba yan?” Yun na yata ang pang-isang daang beses na tanong ni Ruke sakin. Ngayong araw na kasi ang Free Taste Activity, eh. Dito namin malalaman kung ano ang gusto ng mga estudyanteng bilhin bukas. Pero bonus lang ang chocolate cupcake, masyado kasing magastos. May voting sa fair. Pandan Cake vs. Banana Cake. Steak vs. Barbeque.

 

“Malapit na.” Paborito pala talaga ni Ruke ang chocolate.

 

“Kanina mo pa sinasabi yan!” Sumimangot siya halatang hindi na makapaghintay.

                                      

“Because I’m telling you the truth.” Natatawa kong sabi.

 

“Pero bakit hindi pa rin luto?” Parang batang sinilip na naman niya yung oven.

 

Hindi naman talaga totoong matagal. “Atat ka kasi masyado.” Every second, tanong siya ng tanong.

 

“I’m hungry…”

 

Pinindot ko ang tungki ng ilong niya. “Kung banana cupcake ang pinili mo, kanina ka pa sana busog.”

 

“I’ll never ever choose that.” Sinubo niya ang natirang chocolate fillings.

 

“Bakit nga ba?”

 

“Allergy. Nagkakaroon ako ng mga pantal kapag kumakain ng saging, eh.”

 

Nagulat ako sa nalaman. “Kaya ba pinipilit mong chocolate cupcake ang i-bake namin?”

 

“Yes.” Tinignan na naman  niya ang oven. “Pwede na ba?”

 

“Excited ka naman masyado, eh. 5 minutes nalang. So, pinababalik mo lagi ang mga luto na ibinibigay ng team sayo noon dahil bawal kang kumain ng saging?”

 

“Right again.”

 

“But you shouldn’t have insulted them. Kung ayaw mo palang kainin, ibinabalik mo dapat ng maayos.”

 

“If they just listened to me, I wouldn’t have done those things. Sinabi ko nang ayaw ko, pinagpipilitan pa rin nila.” Noon namin narinig ang pagtunog ng oven. Pinaka-una talagang lumapit ay si Ruke. Sinuot ko ang pot holders sa mga kamay ko.

 

“Tumabi ka muna diyan, Ruke, baka mapaso ka.” Sumunod naman agad siya sa sinabi ko. Basta maibibigay mo gusto niya, nagiging mabait siya sayo. Nilagay ko ang tray sa mesa. Ginaya na rin ako ng iba na tumulong din sa pagkuha ng iba pang chocolate cupcakes sa oven.

 

Kinalabit ako ni Ruke. Hindi na siguro nakatiis. “Can I have one already.”

 

Ngayon lang ba makakakain ng chocolate cupcake ang isang ‘to? “Ayaw mo na bang palamigin muna?”

 

Umiling-iling siya. “It’s okay. Pareho lang naman ang lasa. Sige na kasi… Bigyan mo na ako!” Di pa siya nakontento, hinila-hila pa blouse ko. Gutom na nga siguro siya kaya nilagyan ko ng dalawang piraso ang paper plate at inabot sa kanya.

 

“Dalawa lang?” Aba, ilan pa ba ang gusto niya?

 

“Tigdadalawa lang naman talaga ang napag-usapan, ah.” Kumuha ako ng dalawa pang chocolate cupcake. Bibigay ko nalang sa kanya ang parte ko tutal naman nakakain na ako ng luto ko noon. “O, ayan pa. Kumain ka na dun.” Mabuti nalang at hindi na siya nakipag-away pa. Kumain na din ang iba naming ka-group habang ang iba ay tinutulungan ako sa pag-aayos ng free taste para mamaya.

 

“These cupcakes taste so bad…” Narinig kong sabi ni Ruke pero nguya naman ng nguya. Nilakasan pa talaga niya ang pagkakasabi nun na parang gustung-gusto niyang iparinig sakin. I don’t know if I would believe him or what.

 

“Do you agree with me, Arnold?” Seryoso ang mukha niya pero ang boses niya parang nanloloko lang.

 

“M-masarap naman para sakin…” Nag-aalangang sagot naman ni Arnold na halatang nagulat nang kausapin siya ni Ruke.

 

Nagkibit-balikat naman ang bruho. “Sabagay… May kanya-kanya naman tayong opinions, eh. Pero para sakin, hindi pa rin masarap.” Parang tuwang-tuwa na nagpatuloy na naman siya sa pagkain. Lakas ng trip niya in fairness. Nang maubos ni Ruke ang cupcake niya, lumapit ulit siya sakin. Kukunin na sana niya ang isa pang paper plate na may dalawang cupcake nang paluin ko kamay niya.

 

“Anong gagawin mo diyan?”

 

“Kakainin.”

 

Tinarayan ko siya. “Akala ko ba hindi ka nasarapan? Bakit kukuha ka pa?”

 

“Gusto ko, eh.” Hindi na siya nagpapigil.

 

“That’s not yours, Ruke. Apat na nga kinain mo eh. Akin na yan.” Nilagay ko ulit sa mesa.

 

“I want more!”

 

“Hindi naman masarap diba?” Nilagay ko pa ang mga kamay ko sa baywang.

 

“Kaya nga kakainin ko para sa kanila kasi hindi naman masarap. Magsisisi lang sila.”

 

“I thought you don’t care about them? Then why are you sacrificing yourself?”

 

“Basta…” Kinuha niya pa pati ang isang cupcake ni Arnold.

 

“Ibalik mo nga yan kay Arnold, Ruke! Lugi na nga sila sayo, eh.”

 

“Pero gusto ko pa!”

 

“Bukas naman.”

 

“Ako naman ang halos nagbayad ng ingredients, eh! Kaya okay lang dapat kahit ilan ang kainin ko!”

 

Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng pera. Para wala nang away, babayaran ko nalang siya. “Here. Bayad na kami sayo.” Nilagay ko sa kamay niya ang 5,000 pesos.

 

“Nakakainis ka!” Nag-umpisa na siyang magwala. Pinagtatadyakan niya ang mga upuan… Binato ang pera… Nagsisisigaw… “Nakakainis ka!” Deadma lang ako. Nasasanay na rin naman ako sa kanya, eh. Wala talagang araw na hindi siya pwedeng magwala. Nang mapagod, umupo na naman siya sa dulo na nakasimangot na naman ng todo.

 

“Ibigay nalang natin sa kanya, Harrow.”

 

“Oo, Harrow, totoo naman ang sinabi niya eh.”

 

“No. Aabuso si Ruke kapag lagi siya ang pinagbibigyan. Pabayaan niyo siya. Mamaya pagkagising niyan, tanggal na ang topak niyan.” Hindi nagtagal, dumami na ang mga estudyanteng pumila sa booth namin kaya nakalimutan na nila ang pagpipilit sakin na pagbigyan si Ruke.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com