*25: GROCERY DEBATE*
Kumuha kami ng isang cart lang. Hindi naman kasi sobrang dami ng mga bibilhin namin, eh. Siguro naman kasya na sa isang cart lahat-lahat.
“Sino magluluto sa Cook Fest?” Kahit papano, hindi na mainit yung ulo ni Ruke nang pumasok kami sa mall. Mabuti nalang...
“Ako.” Chineck ko ang nakasulat sa listahan na nakuha ko na.
“Ruke, can you please lend me the mashed ripe bananas?” Masyado kasing mataas kaya hindi ko naaabot.
“No.” Nakasandig lang siya sa cart.
“Ruke, nagmamadali tayo.” Bakit ko ba naisapang isama ang bruhong ‘to? Wala namang naitutulong.
“Like I care.” Ang tigas talaga ng ulo!!!
“Ano ba ang silbi mo dito?” Pati ba naman sa mall, mag-aaway pa rin kami? Haaaayyy...
Napikon siguro siya kaya inagaw niya sakin ang listahan.
“Banana cupcake again?! Hindi ba sila nagsasawa dito?!” Sabi niya ng matapos basahin ang nakasulat sa listahan.
“What’s wrong with banana cupcake?” Salubong na salubong ang kilay ni Ruke.
“Ayoko nito, gusto ko chocolate cupcake.” Pinunit-punit na ang listahan. Syeeeet!
“Bakit mo pinunit?!” Hindi ko pa naman memorize ang mga ingredients!
“Chocolate cupcake nga gusto ko!” Tinulak niya ang cart papuntang chocolate section.
“Mahal masyado, Ruke. 10,000 lang budget natin.” I explained but as usual, he didn’t listen.
Kumuha siya ng chocolate fillings. “Basta, ito ang gusto ko!”
“Magkukulang pera natin, Ruke.” Sabay balik ng mga kinuha niya.
“Ba’t mo binabalik?!”
“Pinagbigyan ka na sa dish, sila naman ang pagbigyan mo.”
“But I don’t eat banana cupcake!” Ayun, nag-umpisa na namang na madabog na naman ang bruho.
“Eh hindi naman para sayo yun, eh.” Hinila ko siya.
“Ito…” Inilagay ko sa cart ang Stuffin na chocolate flavor. “Ito lang muna habang wala pa tayong budget.”
“Ayoko niyan! Gusto ko may chocolate sa loob!” Nakasimangot na naman siya.
“May chocolate naman talaga ‘to sa loob.” Tinuro ko ang picture.
“That’s so cheap, I won’t eat that.”
“Try to understand, Ruke, next time nalang kita gagawan. Okay na ‘to.” Suko na talaga ako sa bruhong ‘to...
Kinuha niya yung Stuffin sakin at binato ba naman! Susme!
“Nakakapikon ka na, Ruke! Wag kang mag-eskandalo dito!”
“Ayoko nga niyan eh! Gusto ko totoong luto!” Ano naman akala niya sa Stuffin? Fake?
“Akala ko ba hindi ka kumakain kapag cook fest?”
“Noon yun.”
“Hindi ka namin isinali sa mga bibigyan ng pagkain sa members dahil ayaw mo naman daw.” Mas lalong siyang nagwala dun dahil sa sinabi ko.
“Nagbabayad ako tapos di ninyo ako bibigyan?!” Oo nga naman! Gamit ang pera ni Dylan.
Para na kaming mga tanga dun na nag-aaway. Napapatingin tuloy ang mga taong namimili rin samin. Akala siguro nila, mga baliw kami.
“Baka mag-short tayo.”
“Ako naman magbabayad, eh!”
Pinulot ko muna ang tinapon niya habang siya, nilagay ulit yung mga pinaglalalagay niya kaninang chocolate fillings.
“O, o, ayan… ayan… Masaya ka na?” Kapag hindi nasunod ang gusto, nagwawala talaga!
Hindi siya sumagot. Kumuha lang siya ng mga ingredients na gusto niya sa chocolate cake. We ended up with three carts. Ang laki din ng binayaran namin. Paano namang hindi, ang mamahal ng mga kinuha niya.
Taxi na din ang sinakyan namin pabalik ng school dahil kulang nalang, magwala na naman siya.
Diyos ko…
Ano ba namang parusa ‘to?


bravenet.com