untitled
viviti

*24: FIRST-TIME JEEP RIDE*

 

“Ang hilig-hilig mo talagang makipag-away, Ruke.”

 

Sermon ko sa kanya habang naglalakad kami.

 

“And so?” Walang pakialam niyang sabi sakin. Bruho talaga!

 

“Kinakawawa mo kaya sila!”

 

“Their fault, not mine!” Paano naman kaya na naging kasalanan nila yun?

 

“Ikaw kaya lagi ang nauuna.”

 

“I hate stupid people like them. Why are we walking, anyway?!” Kasi tinitipid ko budget natin dahil sayo. May steak-steak ka kasing pang nalalaman diyan!

 

“Malapit lang naman ang mall, ah.” Totoo naman kasi yun.

 

“But I hate walking!” Lahat naman ng bagay ayaw mo, gusto ko sanang sabihin sa kanya pero nagpapara ako ng jeep. Kahit mas magandang maglakad nalang, napilitan akong mag-commute baka topakin na naman ang bruho.

 

“What the hell are you doing?!” Tanong niya nang pumara na ang jeep sa harapan namin.

 

“Sasakay.” Nilingon ko muna siya bago sumakay.

 

“I will not ride on this shit!” Tinadyakan niya ang jeep. My goodness!

 

“Akala ko ba ayaw mong maglakad? May sasakyan na tayo papuntang mall, ayaw mo ding sumakay.” Hirap mong intindihing bruho ka!

 

“Not with this! Let’s take taxi instead.” Aba… sosyal!

 

“Ano ba?! Sasakay ka ba o hindi?!” Sinigawan ng driver si Ruke. Kaya ayon, mas lalo tuloy na bad trip.

 

“You little freak!” Sumugod si Ruke sa unahan. Lagot naaaa!

 

“Ruke, bata yan!” Nagmamadali akong bumaba sa jeep. Hula ko kasi, teenager pa lang ang driver.

 

“I believe you’re saying something… to me.” Hinila ni Ruke ang kwelyo ng bata na labis na nagulat.

 

“J-joke l-ang p-po y-yun, S-sir…”

 

“Too bad I didn’t find it funny!” Ang sama na talaga ng tingin ni Ruke dun sa bata.

                             

“Tama na yan, Ruke! Nasasaktan na siya!” Pinilit kong ilayo si Ruke pero masyado siyang malakas.

 

“S-sorry p-po.. Hi—hindi na po mauulit…” Naluluha sabi ng batang driver. Nasasaktan na siguro.

 

“Ruke—“ Mabuti nalang talaga at walang sakay ang jeep at hindi matao ang lugar.

 

“Sorry?! Ano ba ang pinagmamalaki mo, ha?! Itong bulok mong sasakyan?! Baka gusto mong pasabugin ko ‘to?!” Terrorista ba ang lalaking ‘to?

 

“Wag p-po, S-sir! Ma-maawa po kayo.”

 

“Who do you think you are to ask, ouch!” Binatukan ko nga siya! Ayaw kasing tumigil, eh.

 

“Why the hell did you do that?!” Nabitawan na niya ang batang driver nun at ako naman ang inaway.

 

“Ang tigas kasi ng ulo mo! Kanina pa kita sinasaway! Hindi na siya makahinga!” Tiningnan ni Ruke ang bata na namumulta.

 

“He shouted on me!”

 

“That’s because of your stubbornness! Hindi lang ikaw ang pasahero, Ruke!”

 

“Bakit siya pa kinakampihan mo?!” Sino naman ang gusto niyang kampihan ko? Siya?!

                                                                           

“Natural, ikaw ang mali sa inyo!” Nilapitan ko ang bata. “Okay ka lang?” Tumango lang yung bata sakin. “Pasensya ka na sa kanya ha?”

 

“Okay lang po, Ate. Sasakay pa po ba kayo?” Hindi makatingin na tanong niya sakin.

 

“Okay lang ba?” Alam kong hindi pa rin siya panatag lalo na kay Ruke.

 

“Try to say no and I will kill you.” Singit ng bruho sa likod ko.

 

“O-opo. Kung gusto niyo po, libre nalang.” Ang bait naman niya.

 

“Magbabayad kami.” Hinila ko na si Ruke para sumakay. “O, iabot mo ang pamasahe natin.”

 

“Sabi niya, libre tayo, di ba?!” Nakasimangot na sabi niya. Alangan na alangan si Ruke sa jeep. Nakayuko na siya sa pagkakaupo dun dahil sa sobrang tangkad.

 

Ako nalang ang nag-abot dahil halatang walang balak magbayad si Ruke. “Baguhin mo nga yang ugali mo. Kung sinu-sino nalang inaaway mo.”

 

 

Deadma lang siya. Hindi nagtagal, may ibang sumakay. At dun na nagsimula ang mga reklamo niya.

 

“Bakit ba dito tayo sumakay?! Ang init-init!” Traffic kasi nun.

 

“Huwag ka ngang maingay.” Pinagtitinginan na kami ng mga tao na kasakay namin.

 

“Ang baho-baho pa, at ang usok! What kind of transportation is this?!”

 

“A jeep.” Naiinis na sabi ko.

 

“Ang sikip! Nagtiya-tiyaga ka sa ganito?! This is as bad as hell!” Galaw siya ng galaw.

 

“Pwede ba, Ruke, pinagtitinginan na tayo. Nakakahiya ka.” Bulong ko sa kanya.

 

“You got some problem?!” Sabi niya sa mga taong nakatingin samin. Goodness gracious! Nagsimula na naman ang pagiging war freak niya. Sabay-sabay na umiling ang mga tao. Mukhang nastakot kay Ruke.

 

“Umurong ka nga dun! Ang lagkit ng braso mo!” Sumunod naman agad ang katabi niyang mukhang gangster. Siya pa ang natakot kay Ruke?!

 

Mabuti nalang, medyo malapit na kami sa mall. “Para.” Nauna na akong bumaba. “Ano pang hinihintay mo? Andito na tayo.”

 

“Malayo pa kaya!”

 

“Pwede na nating lakarin mula dito.” Hindi pa rin siya natinag.

 

“Bahala ka na nga diyan!” Iniwan ko na siya kaya ayun, napilitang bumaba nalang.

 

“Bakit ba dito tayo bumaba?! Pwede naman dun, eh!” Tinuro niya ang mall na dalawang tindahan nalang ang layo sa kinatatayuan namin.

 

“Nakakahiya na kasi sa mga tao sa jeep, reklamo ka ng reklamo. Ang arte-arte mo. Tapos nanghahamon ka pa ng away. Hindi mo ba nakita yung pinaurong mo kanina? Mukhang gangster yun, Ruke. Sanay yun sa pakikipag-away. Paano kung napikon yun?” Nakasimangot lang siyang nakatingin sakin kaya tumigil na ako.

 

“Bilisan mo na.” Super simangot na siya na sumunod sakin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com