untitled
viviti

*23: THANK YOU, RUKE!*

 

 

“Ano nga pala ang napagdesisyunan ninyong lulutuin natin para sa free taste bukas?” Nagulat pa sila sa ng magsalita ulit ako. Ngayon lang ba sila nakakita ng nag-aaway?

 

“Pandan and banana cupcake para sa dessert. Barbeque and java rice sa midnight dinner.”

 

“Ilang pieces ba lahat-lahat ang gagawin natin?”

 

“600 all in all. First come first serve ang policy sa booth natin. 570 for the students, 30 for us.”

 

“30 lang satin?”

 

“Yes. Ganyan naman talaga every year.”

 

“But I thought we are sixteen in our group? Kulang pa. Dapat 32 yung satin.” Lumungkot ang itsura nila.

 

“Eh kasi, Harrow, hindi naman kumakain si Ruke ng luto namin eh.” Ha?! Ang takaw-takaw nun, eh.

 

“Bakit naman?”

 

“Di rin namin alam. Noon kasi binigyan namin siya pero pinabalik niya samin kasi sa itsura palang daw, hindi na masarap.”

 

Nakakainsulto naman yun! Iniba ko na agad ang topic. Nakakahiya talaga ang mga pinaggagagawa ni Ruke noon at ngayon!

 

Pagkatapos naming makahingi ng mga gamit sa storage room, bumili kami ng pagkain sa Jollibee. Doon nalang namin naisipang bumili dahil kulang na kulang kami sa budget. Kailangan, magtipid na. Nagpaalam muna ako saglit sa kanila para pumunta sa Starbucks. Malakas kasi ang kutob ko na hindi kumakain si Ruke sa fast foods. Kahit naman naiinis ako sa kanya kanina, naaawa din ako. Okay na din sakin na at least, umatend siya.

 

Bumalik kami sa classroom ng makabili na lahat. Na-shock kami nang makitang puno na ng mga stars ang ceiling. Nadagdagan pa nga ng shooting stars, moon, aurora, black hole, warm hole, rockets, spaceship at meron pa ngang artificial cherry blossom trees. Wala naman kanina ang mga yan sa plastic bag, ah. Basta, ang ganda-ganda na ng classroom. Kulang nalang, picnic place at mga pagkain.

 

“Wow…”

 

“This is so amazing…”

 

“Awesome!”

 

“Ang ganda naman dito!”

 

Halos lahat kami na kadarating pa lang ay namamangha. Ang iba napatulala, may napanganga pa nga, eh.

 

Ibinigay na ng mga kasama ko ang snack namin. Ako naman, nilapitan si Ruke na nakaupo sa dulo. Nilagay ko sa table ang pagkain naming dalawa.

 

“You did all of these things alone?” Namamangha pa ring tanong ko sa kanya.

 

Umiling siya. “My guards helped me.”

 

“Then I should give these foods to your guards?” Biro ko.

 

“But the ideas came from me!” Ayaw talagang patalo basta pagkain.

 

“Still, sila ang naghirap sa paggawa.”

 

Hindi siya nakaimik. Maya-maya lang, tumayo siya.

 

“Okay, if that’s what you want.” Nagtatampong sabi niya. Marunong pala siya nun?!

 

Bago pa siya makalayo, hinawakan ko kamay niya at hinila pabalik.

 

“Oii… Joke lang yun. Kaw naman.” Inusog ko ang pagkain sa harap niya. “Ilan ang nasabit mong stars?”

 

“600 pieces.” Kinain na niya ang cake niya.

 

“You’re kidding!”

 

Tiningnan niya ako.

 

“I’m not. The guards helped me with the trees, the rockets, the aurora, etc., but I worked on the stars alone.” Kaya pala basa na likod niya at gutom na gutom.

 

“Di ko alam kung paniniwalaan talaga kita but thank you, Ruke.” Natutuwa talaga ako sa kanya ngayon. Ang bait-bait pa niya. Mukhang natuwa rin siya sa sinabi ko pero kumain na siya at hindi na ako pinansin.

 

Nang matapos kumain ang lahat, nag-usap-usap ulit kami tungkol sa isa pang dish bukod sa barbeque.

 

“How about sushi?” Suggest ni Arnold.

 

“No. I don’t eat that crap. I want steak.” Steak?!

 

“Ruke, that’s so expensive.”

 

“But I like steak!” Sana pala, inabuso ko nalang ang pagiging mabait niya kanina. Once in a blue moon lang pala nangyayari yun.

 

“Harrow, 10,000 lang budget natin. Kasama na pati sa props for picnic.” Kinakabahang sabi ni Mr. Leader.

 

“What are you implying at, nerd guy?”

 

“Ruke!” Saway ko sa kanya pero hindi siya nakinig. Tama ba namang harap-harapang insultuhin ang isang tao?

 

“Inaayawan mo suggestion ko?” Umiling agad si Mr. Leader. “Good. I thought you’re—-“

 

“Okay, why don’t we cast a vote here?” Singit ko agad kay Ruke. Magkakagulo na naman kasi kapag pinabayaan ko pa siyang magsalita ng magsalita.

 

“Anyone in favor of sushi?” Walang nagtaas ng kamay. Kahit si Arnold na nag-suggest kanina ay mukhang nagbago na ng desisyon.

 

Tumikhim ako.

 

“How about steak?” Lahat sila nagtaas ng kamay. Nakita kong napangisi si Ruke. Haaaayyyyy, buhay nga naman.

 

“I guess we have steak for the other dish…” Wala na akong nagawa. Buo na desisyon nila, eh. Hindi kaya ng powers nilang kalabanin si Ruke.

 

“Kunin mo na ang listahan sa leader natin, Ruke.” Utos ko sa kanya. Hihingin ko din kasi ang pera para sa grocery.

 

“Bakit ako ang kukuha?! Bakit hindi nalang siya ang mag-abot sakin?!” Ang hirap talagang maging mayaman!

 

“Kukunin mo ba o hindi kita isasama?” Sinimangutan muna niya ako bago nilapitan na ang leader namin.

 

“Where’s the damn list?!” Maya-maya narinig kong sabi ni Ruke.

 

Mas nataranta tuloy ang leader namin sa paghahanap ng listahan. Saan ba kasi nila inilagay? Nilapitan ko sila.

 

“What happened here?” Pagsaklolo ko agad.

 

“T-the l-list… Na-nawawala, H-Harrow.” Nanginginig na sa takot ang leader namin.

 

“Oh great! Now, I’m gonna wait here until you—-“

 

“Shut up, Ruke!”

 

Tinulungan ko na ang leader namin sa paghahanap. Si Ruke naman, nakatingin lang samin, busangot ang mukha.

 

“Nahanap ko na!”

 

Nakahinga ng maluwag na sabi ng leader namin tapos inabot kay Ruke ang listahan. Tinitigan lang ni Ruke ang papel.

 

“You really have the guts to——-“ Ako na ang kumuha ng papel.

 

“Let’s go, Ruke.”

 

“Just wait. I’m —-“

 

“Halika na sabi, eh!” Hinila ko na siya palabas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Bruhong ‘to! Napaka-war freak talaga.  

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com