untitled
viviti

 

*22: FLASY STARS*

 

 

Pagod na pagod na ako nang makarating sa harap ng nakasarang pintuan ng HRM room. Inakyat ko lang kasi mula first floor hanggang sixth floor. Ang tagal kasi ng elevator, hindi ko na nahintay, late na late na pa naman ako. Kinausap ako ng Shellacian Cook Fest Adviser namin tungkol sa theme ng cintest this month.

 

Nang pihitin ko yung doorknob, naka-lock at wala akong marinig na kahit konting ingay sa loob. Asan ba sila? Kumatok ako ng malakas.

 

“Akala ko walang tao. Nandito pala kayo.” Sabi ko ng buksan ng mga ka-group ko ang pinto.

 

“Shhhhh…” Sabay-sabay pang sabi nila. Inilagay pa nila ang daliri sa tapat ng mga labi nila.

 

“Anong problema niyo?” Nawe-weirdohan na ako sa ikinikilos nila. May itinuro sila sakin. Nakita ko si Ruke na natutulog sa dulo ng classroom.

 

“Kanina pa siya dito?” Himala! Naisipang umatend ng bruho!

 

“Oo.” Pabulong pang sabi ng leader namin sakin.

 

“Nagulat nga kami. Wala naman siyang pakialam sa event na ‘to dati, eh. Di nga siya umaatend.” Sumang-ayon kaagad ang iba.

 

“What you’re trying to say is, this is exactly his first time?” Ano ba ang pinagkaiba noon, at ngayon lang niya naisipang umatend?

 

“Oo, ngayon lang talaga. Yung budget nga, sa part niya, pera ni Dylan yun. Si Dylan ang nagpapabigay kasi laging busy kasi si Ruke sa basketball.”

 

Grabe naman si Ruke. Pati ba naman sa ambagan ayaw ring magbigay? Pera pa pala ni Dylan ang sa kanya? Naaawa tuloy ako sa kanila. Kahit na inaaway-away sila ni Ruke, mababait pa rin sila sa kanya. May special treatment pa nga, eh. Tingnan ninyo ngayon, hindi sila gumagawa nang kahit konting ingay dahil natutulog si Ruke.

                                                      

“Oo nga pala, pag-usapan muna natin ang theme para sa activity.”

 

“What did our adviser say?”

 

“Anything but it should be unique.” Nag-suggest isa-isa nang magandang gagawin namin. Nang makabuo kami ng plano, nag-start muna kami sa pagsasabit ng mga flashy stars.

 

“Pakisabit naman ito Arnold.” Masyado kasing mataas ang ceiling ng classroom namin at siya ang sumunod na pinakamatangkad sa grupo. Si Ruke ang una kaso natutulog, eh.

 

We settled on the late night picnic theme. Tutal gabi naman ang event, pwede naming patayin ang mga ilaw. Sumunod agad si Arnold sa inuutos ko, ang problema nga lamang, kahit 5’9” na ang height niya, hindi pa rin niya maabot.

 

“Masyado talagang mataas, Harrow.” Napapakamot sa ulong sabi niya at ibinalik sakin plastic bag na kinalalagyan ng mga flashy stars.

 

“Pansin ko nga rin.” Si Ruke  nalang talaga ang pag-asa. “Teka, gigisingin ko muna si Ruke.”

 

“Huwag na, Harrow, magpalit nalang tayo ng theme.” Nasobrahan naman yata ang takot nila kay Ruke? What? We’re going to ditch all our ideas just because they’re Ruke? No way! Matagal-tagal na rin naming plinano yun, ngayon lang na-approve talaga.

 

“We don’t have so much time left.” 500 flashy stars yun. Tapos wala pa yung sa surroundings namin.

 

“Pero—-“ Takot talaga.

 

“Don’t worry, ako naman ang gigising sa kanya kaya sakin siya magagalit.” Wala na silang nagawa nang makapunta na ako sa dulo kung saan natutulog si Ruke.

 

“Ruke.” Wa epek.

 

“Ruke…” Wala pa rin.

 

“Hey, Ruke!”

 

Binuksan niya ang isa niyang mata. “What?!” Tapos pumikit na naman siya.

 

“Pakilagay naman ‘to, o. Bumalik ka nalang sa pagtulog mo mamaya.”

 

“What’s that?!” Nakapikit pa rin siya.

 

“Flashy stars.”

 

“What?!”

 

“Flashy stars! Open your eyes so that you’ll know.” Nawawalan na ako ng pasensya sa kanya, ha.

 

“Why me?! They can do that.” Napakatamad talaga ng burhong ‘to kapag kagigising palang. Sabagay, sa paglalaro lang naman ng basketball hindi siya tinatamad.

 

“Yes, I know that but they aren’t that tall.”

 

“Arnold can do that. He’s tall, too.” Ang dami namang rason nito!

 

“I know that Arnold is tall and he tried, okay? But the thing is, he didn’t make it. C’mon, just 50 pieces.” Kailangan kasing makita namin kung maganda ba ang kalalabasan hangga’t maaga pa.

 

Padabog na umayos siya sa pagkakaupo. “Ano ba ang gagawin ko diyan?!” Ang kulit!

 

“Isasabit mo nga sa ceiling. Madali lang naman, eh. The hooks are already there.” Tumingala siya.

 

“Bakit hindi nalang ang naglagay ng hooks ang pinalagay mo niyan?” Nakasimangot na ang bruho.

 

“May iba din silang gagawin.”

 

“Dapat, pinasabay mo na.” Naiiritang sabi na naman niya.

 

“Kabibili pa lang namin nito.” Mahinahon ko pa ring sabi.

 

“Bakit ba kasi kailangan pa niyan?!”

 

Napabuntung-hininga na ako. Bakit din ba kasi ang dami mong tanong?

 

“It’s in the criteria, Ruke.”

 

“Ang dami-dami namang arte! We are assigned for foods not props! Dapat yun ang gagawin natin, not this! Kaya nga cook fest, eh!” Natin?! Bakit?! Tumutulong ka ba?!

 

“It makes the surroundings more pleasing.”

 

“Mabubusog ka ba sa katitingin sa mga props na yan?!”

 

“N-no.” I stuttered. “But it can help to sooth you.”

 

“Oh, how I believe in that crap! Ano ba ang gamit niyan? Kaya nagtatagal, eh. Para namang makakain ang mga yan. Ano ba ang pinagkaiba ng may props sa wala? Wala. Hindi naman mapapansin yan kapag gutom na ang mga tao, eh. Minsan, nilalait pa nga, tapos sasama ang loob dahil hindi naman naappreciate. Sino ba ang nagsabing maglagay ka niyan?! Hindi ka naman mamamatay kapag wala niyan di ba? Bakit ang mga mahihirap, nakakakain kahit pa nga napakadumi ng paligid nila. You should focus more on foods because that’s what every customer aiming for not—-“

 

“Alam mo Ruke, kung ayaw mong tumulong, sana sinabi mo agad! Mas lalong hindi namin kailangan ang mga sermon mo!” Binirahan ko siya ng alis. Nakakainis! 50 pieces lang yan ha, reklamo ng reklamo na agad. Hindi pa nga niya nagagawa kahit isa! Sino naman kayang hindi maaasar niyan, di ba?

 

Sumunod naman agad siya sakin. “Akin na nga yan! Tutulong na ako, nakakaawa naman kayo.” Inilayo ko sa kanya ang plastic bag.

 

“Hindi na. Salamat nalang sa pagmamagandang loob mo.” Bwisit ka!

 

Nakatingin lang ang mga kasama namin samin ni Ruke. Umupo ako at sinulat ang mga materials na bibilhin namin mamaya.

 

“I’ll help.” Sinubukan ulit niyang kunin ang plastic bag. Alam kong nagi-guilty na siya.

 

“No. Baka makaistorbo pa kami sayo, nakakahiya naman.” Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

 

“Sige na kasi! Tutulong na nga ako—-“

 

“I said no! Matulog ka na nga dun! Wala namang kwenta ‘to di ba?!” Sinigawan ko na talaga siya. Mukhang hindi niya inaasahan yun kaya tumahimik nalang siya sa tabi ko pero hindi siya natulog ulit. Nakatingin lang siya sa mga pinaggagagawa ko.

 

Nang matapos ako, umalis ako sa tabi niya at nakipag-usap sa iba kong ka-group para magpasama sa pagkuha sa mga materials. Paalis na kami ng harangan ako ni Ruke.

 

“Hey…” Sabi niya pero di ko siya pinansin. He sighed.

 

“I’ll take care of this.” Dahil hindi ako nakatingin sa kanya, naagaw niya sakin ang plastic bag. Pumasok na ulit siya sa loob kaya pinabayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com