*21: OVERREACTING*
Napatingin na rin ako sa kamay ko.
“Ah, ito ba? Nasugatan.”
Tumingala siya sakin. Nakaupo kasi siya, ako naman nakatayo sa harap niya..
“Why? Ang dami naman nito.”
Tinaasan ko siya ng kilay.
“Dahil sayo.”
Halata sa itsura niya na hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
“Me?! Why me?!”
“Madaming palang nabasag na perfume nung nagwala ka. Hindi ko namalayan, nakaharang kasi ang mga damit eh.” Paliwanag ko naman.
“Saggy didn’t tell you what happened?” Alam kong may masama na namang mangyayari. Sisisihin na naman niya ang ibang tao dahil sa topak niya.
“He did but it was too late. No need to worry, okay lang naman.”
“No!” Tinadyakan niya ang damit niya. Susme!
“Hey, ano ba?! Masisira ang damit mo.”
Tumingin siya kina Ahia na nakatingin pa rin samin hanggang ngayon.
“The hell I care! Saggy!” Tawag niya dito.
Nakita ko agad n namutla si Saggy at nag-aalangang lumapit samin ni Ruke.
“Saggy, don’t mind Ruke. Wag ka nang lumapit samin.” At baka kung ano pa ang gawin niya sayo.
“Come here!”
Napipikon nang utos ulit ni Ruke.. Si Saggy naman, hindi na malaman kung sino ang susundin saming dalawa. Hinawakan ko ang mukha ni Ruke at pilit na ihiharap sakin.
“Ruke, huwag mong isisi sa iba ang kasalanan mo!”
“It’s not my fault! Kung sinabi sana agad ni Saggy sayo, hindi ka sana nasugatan!”
“Kung hindi ka sana nagwala, hindi sana ako nasugatan. Besides, okay nga lang sakin.”
“It’s not okay with me! Saggy, I said——–“
Binatukan ko nga. Ang kulit kasi.
“Huwag mo sabing idadamay si Saggy eh! Ang OA mo!”
Natahimik naman siya bigla.
“Humanda ka talaga sakin mamaya Saggy.” Bubulung-bulong na sabi niya. Mabuti nalang narinig ko.
“Binabalaan kita, Ruke, don’t.”
“Fine, I won’t.” Umupo na ulit kaming dalawa.
“Dadalhin ko nalang ‘to sa bahay, ako na maglalaba.” Nilagay ko ang tee-shirt niya sa bag ko.
“Alam mong may sugat ka pa!” Hinablot niya sa bag ko ang tee-shirt.
“May washing machine naman ——-“
“No. We have a laundry.” Sinara na niya bag niya kaya wala na akong nagawa. Hinawakan ulit niya ang kamay ko.
“You should be checked by a doctor.” Tiningnan-tingnan niya isa-isa ang mga daliri ko.
“I already did, Ruke. Wala namang bubog.” T
ouched ako sa pag-aalala niya sa totoo lang. Nginitian niya ako. Mas bagay pala sa kanya ang nakangiti ng totoo. Hindi ngisi.
“By the way, where did you get my number?” Tinawagan pala niya ako kagabi ngayon ko lang naalala.
“Jiaolian… He gave it to me and guessed what.” I hate guessing game.
“What?”
“Sabi ni Jiaolian, mas bagay daw tayo kaysa kayo ni Dylan.” Parang bata si Ruke na ngumingiti-ngiti dun.
URGGGG! Malilintikan ka sakin Ahia!


bravenet.com