*17: JEALOUSY?*
Napatakip ng tenga sina Dennis sa lakas siguro ng sigaw ko.
“Ano ba talaga ang nangyari dito kanina, Saggy?” Tinulungan ako ni Dennis na tumayo.
“Captain…” Halatang shock pa rin si Saggy sa kung ano man ang ginawa ni Ruke kanina. “Nagtanong lang ako kanina tungkol kay Dylan, pinapatanong kasi ni Mr. Principal. Eh, best friend naman sila ni Captain kaya nagbakasakali akong alam niya kung bakit absent pa rin si Dylan hanggang ngayon. Tapos ayun na… Bigla nalang siyang nagwala. Sabi niya, ‘don’t you ever say that name again or else I’ll kill you’, malapit na nga akong suntukin, eh. Buti nalang, hindi niya itinuloy.” Hinang-hina talaga si Saggy.
Naggulat naman si Dennis. “Galit si Ruke kay Dylan, Harrow?” Aba! Malay ko! Bakit ako ang tinatanong niya?!
“I don’t know, Dennis. Then after that, Saggy, what did he do?”
“He kicked the locker. May binubulong siya na hindi ko maintindihan. Nabanggit niya ang pangalan mo, Harrow, and the CP number, I think? It’s not clear, really. But I’m quite sure about this, Harrow, hindi lang ang locker niyo ni Captain ang nagulo, nadamay rin pati yung samin.”
Umangal agad ang lahat.
“Stupid kid.” Napapailing na sabi ni Ahia.
“Pero mas malala ang sa inyo, Harrow kasi sinadya talagang guluhin ni Captain.” Isa-isang binuksan ni Ahia ang mga locker.
“What the…”
“Oh my God…”
“This is not happening!!”
“Awww! Such a nightmare… Tsktsktsk.” Diyos ko po! Parang pinagsama ang bagyo, tornado, tsunami sa nangyari sa mga locker.
“I don’t need those reactions right now, guys. Let’s start cleaning.” Utos ni Ahia samin. Tulung-tulong kaming lahat sa paglilinis. Nasugatan pa nga ako dahil ang daming nabasag na perfume. Ang mamahal pa naman, sinayang lang ng bruho!
Kahit si Dennis nakisali na rin samin. Hindi ko masasabing nakakatulong talaga si Dennis sa pagtutupi ng mga damit dahil inuulit ko naman ang gawa niya. Kahit kasi sinabi ko na sa kanyang wag na siyang tumulong sakin, pinagpipilitan pa rin niyang may alam siya sa pagtutupi ng damit. Pinayagan ko nalang baka magtampo pa sakin.
“Two days kong inayos ang locker kong ‘to, tapos iba lang pala ang manggulo? Papagalitan ako ni George nito.” Naiiyak na sabi ni Miggy.
Hindi na rin nakapag-practice pa ulit ang Thimbleweed ng araw na yun. Kahit ang basic training nga ng mga new members, pagtutupi ng mga damit ang kinalabasan. Gabing-gabi na rin kaming nakauwi lahat atagod na pagod pa! Si Ahia, dun nalang sa bahay namin matutulog paa maihatid ako.
“I never thought Ruke could be that possessive.” Namamanghang sabi ni Ahia habang nagdra-drive siya ng kotse.
“Baliw yun, eh.” Hindi pa rin naaalis ang inis ko kay Ruke.
“Ikaw naman… Patawarin mo na, nagseselos lang yun kay Dylan. Hinihingi pala ni Dylan ang number mo sabi sakin ni Dennis. O, andito na pala tayo. Tulog na ka agad.” I nodded and kissed him on the cheeks.
Pagpasok ko sa kwarto, humiga agad ako. Papikit na ko ng mag-ring CP ko. Unregistered ang number. Naisip ko agad na si Dylan.
“Hello? Dylan, is that you?” Sagot ko.
“Bakit ba siya nalang lagi ang iniisip mo?!” Nagulat ako ng malaman na si Ruke pala ang kausap ko. Paano niya nalaman number ko?
“Ruke… What do you want?!” Sinigawan ko rin siya. Naalala ko kasi ang ginawa niya sa mga lockers.
“Great! Nang malaman mo lang na hindi ako si Dylan, na-dissapoint ka na agad! Well, fine!” He hung up. I tried to call Ruke again but he didn’t bother to answer. Natulog nalang ako. Bukas nalang ako makikipagtuos sa kanya.
*18: LOVE LETTER*
Kahit hindi nakangiti si Ruke habang nakikipaglaro sa mga ka-teammates niya, nahalata ko agad na masaya siya. There’s something with his expression today.
“What with him?” Tanong ko kay kay George.
“Harrow, andito ka na pala!” Tinulungan niya ako sa paglalapag ng mga towels ng Thimbleweed.
“Ganadung-ganado ata ang bruhong yan?” Nginuso ko si Ruke na nagsho-shoot ng three points. Of course, pasok naman.
Natawa si George sa sinabi ko. “Ewan ko nga ba diyan sa boyfriend mo, Harow.” Pati ba naman siya?! Ruke is not my boyfriend, for your information, Georgina! Yan ang complete name niya. “Nang dumating yan kanina, ilag na ilag kaming lahat. Mukhang mainit kasi ang ulo.”
“Eh, bakit siya masaya na ngayon?”
“Nag-umpisa yan nang buksan niya ang locker ninyong dalawa” Napansin naman ni George na nataranta ako. “No need to worry, it seems like he just checked it then you know, he started acting like that. He’s so weird.” I couldn’t argue more.
“Wala ba siyang kinuha?” Nagbubukas lang kasi si Ruke ng locker kapag may kinukuha o kapag may ilalagay.
Napaisip sandali si George. “Now, come to think of it, meron nga siyang kinuha dun pero hindi namin nakita. Tinago kasi niya agad sa bag niya, eh.”
“Ah…” Ano nga kaya yun?
“Pakilipat naman, Harrow. 85 na sina Ruke. Inspired talaga siya ngayon.” Pansin ko nga din.
Game set 107-68, panalo team ni Ruke. ¾ nang score, puro kay Ruke lang. Di rin naman siya masyadong ginaganahan, noh? Dinistrubute namin ni George isa-isa ang mga towels.
“Pinaka-pawisan samin ay si Captain, Harrow. Dapat siya ang bigyan mo ng towel.”
“Paki-abot nalang sa kanya, Mitts.” Ang dami pa kasing arte. Doon pa siya nakaupo sa dulo ng gym. Nakakatamad tuloy pumunta kasi ang layo samin.
“Sis, ikaw na kaya. Pagod pa sina Mitts.” Oo nga pala! Katatapos pa lang pala ng game nila. Kumuha ako ng dalawang towel para kay Ruke.
“O, towels mo.” Sabay abot sa kanya. “Bakit ka ba kasi nandito sa dulo? Ayaw mo ba kaming makatabi? Ang layu-layo mo, ah.”
“Wala lang. Gusto ko dito, eh.” In all fairness, hindi niya isinigaw ang sagot niya sakin. Good mood nga ang bruho.
“Masaya ka ata?” Tinabihan ko na siya.
Nginitian niya ako nang… kakaibang ngiti. Sa ngiti kasi niyan iyon, parang may alam siyang hindi ko alam. Kakaiba ang ikinikilos niya.
Umurong siya papalapit sakin. “Secret lang natin ‘to, ha?” Parang siyang bata habang sinasabi yun. Hininaan talaga niya ang boses niya na para bang maririnig kami ng mga kasama namin doon sa gym.
“Sige, sige.” Pakikisakay ko nalang sa kanya. Ang cute-cute kasi ng itsura niya. Nakakatuwa!
Yumuko siya nang konti para magka-level na mga mukha namin. “I received a love letter.” Yun lang?! Ano naman ang nakakamangha dun? Mas magugulat pa nga ako kapag wala siyang natatanggap.
“Sa lagay na yan, di ka pa pala sanay?” Tinaasan ko siya ng kilay.
Sinimangutan niya ako. Wow! Welcome back, Ruke! “No. I didn’t receive any of those since I was in my grade school years.”
“Why?” Kahit nahuhulaan ko na kung bakit, tinanong ko pa rin.
“Kasi…” Namula si Ruke.
“Kasi????” Pangungumbinsi ko.
“Do you really have to know?!” Asus… Nahihiya pa ang bruho. Meron pala siya nun kahit konti? Hahahahaha!
“No. Not really. Let’s see, pinunit-punit mo ang mga letters nila sa harap ng napakaraming tao, ininsulto at binantaan?”
Napamulagat sakin si Ruke. “How did you know?”
“Nahulaan ko lang.” Simula pala pagkabata, topakin na si Ruke. Oh well...
“O, eh bakit ngayon hindi ka nagwala na nakatanggap ka na naman ng love letter? Ano bang sabi sa letter?”
Natigilan siya tapos tiningnan niya ako na parang isa akong baliw.
“Hindi mo alam?”
“Malamang hindi.” Ano ba naman ‘tong si Ruke?
“Bakit hindi mo alam?” Skeptical na tanong na naman niya. Nababaliw na ba talaga siya? Natural, hindi ko pa nababasa, eh!
“Dapat ba alam ko?” Tinanguan niya ako. Mas lalo tuloy akong naguluhan sa kanya. “Why? Sino ba ang nagbigay sayo ng love letter?”
Tinitigan muna niya ako bago sinabing…
“Sino pa, eh di ikaw!”
“Ah…” Siya naman ang tiningnan ko na parang baliw.
“Anoooooooooooooooooooooooooooooooo??!”


bravenet.com