*16: SPLIT PERSONALITY *
Bagong ligo na si Ruke ng lumabas siya mula sa locker room tapos tumabi na naman siya sakin.
“Ang bango ko, noh?”
Kahit kailan talaga, pamatay ang mga hirit ng bruho.
“You are assigned for the grocery, Ruke.”
Pang-iiba ko agad sa usapan. Feeling ko kasi, ako na naman ang mapipikon kapag pinatulan ko pa ang kayabangan niya. Sa totoo lang, nakakatuwang makita si Ruke na ganito, aatakihin ka nga lamang sa puso pag first time mo.
“What do you mean?”
Nanlilisik ang mga mata niya. Sabihin niyo nga ang totoo sakin, may split personality ba ang bruhong ‘to? One second ago, tuwang-tuwa pa siya na asarin ako, the next second, mainit na naman ang ulo. Haaaay...
“Shellacian Cook Fest. Task mo ang mag-grocery.”
Sa sinabi ko, mas lalong nanlisik ang mga mata niya. Kaya ngayon, nauunawaan ko na kung bakit walang naglalakas-loob na kalabanin si Ruke. Nakakatakot kasi ang itsura. Parang papatay ng tao.
“Oh, that nerd leader guy is asking me to do that? Hah! Ang lakas din naman ng loob niya! Let’s see what he’s got.”
Tama siya---- the nerd, este, yung leader namin! Nanunugod nga si Ruke at mukhang may balak siyang gawin iyun sa oras na ito.
Kinabahan agad ako. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila pabalik.
“Hoy, teka lang…” Huminga ako ng malalim. “Okay, okay, I won’t force you if you don’t want to come with me. Huwag ka lang gagawa ng gulo, sinasabi ko sayo, Ruke. Ako ang nagpilit sa kanila na gawin kang ka-partner ko. Unfair kasi na sila lang ang naghihirap at nagpapagod para sa event na ito pero may grade ka pa rin.”
Natigilan siya. “You’re also in Shellacian Cook Fest?” Tiningnan ko naman siya ng hindi makapaniwala. Ni hindi man lang niya tiningnan ang bulletin board?!
“I don’t care about that activity. Alam ko na din na sa SCF ako kaya di ko na tiningnan kung sino ang mga kasali pang iba!” Nakasimangot na paliwanag niya sakin. Nabasa pala niya ang iniisip ko.
“Oo na. Wag kang sumigaw diyan. Di na rin kita isasama baka mang-away ka pa diyan.”
“Sasama na ko.” Nasimagot pa rin siya.
“Why?” Skeptical na tanong ko. Ano ang nakain ng bruho at biglang nagbago ang isip?
“Gusto ko eh! Bakit ba ang dami mong tanong?!” Ano ba ‘to? Sigaw ng sigaw, hindi naman ako bingi!
Tinanguan ko nalang siya. “Siguraduhin mo, hindi mo ginulo ang locker.” Kumuha pala ang bruho ng damit dun ngayon ko lang napansin. Kaayos ko pa lang kasi ng super duper kalat na locker namin kahapon.
Hindi niya ako pinansin. Nakaupo lang siya. “Ruke, hindi ako nakikipagbiruan sayo.” Naiinis na ako.
“Eh di tingnan mo!” High blood talaga! Pumunta ako sa locker room. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang maayos pa naman ang locker. Pagkalabas ko, kausap na ni Ruke si Dennis. Sabay pa silang napatingin sakin.
Kinawayan ako ni Dennis na lumapit sa kanya. “Hi, Dennis! What are you doing here?” Tanong ko ng makalapit ako sa kanila.
“Eh, kasi, inutusan ako ni Dylan na hingin ko daw number mo.” Napakamot pa siya ng ulo nun.
“Ha? Bakit?” Ano kaya ang kailangan ni Dylan sakin?
“Honestly, I don’t know what’s with him. Sabi niya lang, gawin ko nalang ang pinag-uutos niya.” Sabi niya tapos sumimagot.
“Pinagalitan pa nga ko. Tinatanong ko lang naman kung ano ang kailangan niya sayo.” Tapos nun, ngumiti ulit siya sakin. “Bibigyan mo ba ko? Bigyan mo ko ha? Pleaseeeee… Ayoko talagang mapagalitan ulit.”
Wala naman akong balak na pahirapan si Dennis. Naaawa din kasi ako sa kanya. Nakita ko kasi kung pano magalit si Dylan. Katulad ng isang bruho sa likod ko. Kinuha ko CP koTapos sinabi kay Dennis yung number ko. Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong pumasok ulit si Ruke sa locker room tapos nagulat nalang kaming lahat na nasa labas ng makarinig ng kalabog na nanggaling sa dun.
Maya-maya lang, lumabas si Ruke na nakasimangot na naman at mukhang galit na galit. Dala-dala ang mga gamit niya. Mukhang balak nang umuwi. All eyes lang kami sa kanya habang papunta siya sa pintuan ng gym. Tinadyakan pa nga niya ang isang bola na tumalbog sa harapan niya, eh.
“Anong problema nun?” Nagtatakang tanong ni Dennis sakin. I just shrugged kasi hindi ko naman talaga alam kung bakit biglang naging bad mood na naman siya, eh. TSKTSKTSK! Sinumpong na naman ang loko. “Ha-Harrow… Ang locker niyo…” Hiningal pa si Saggy ng lumapit sakin. Nadun rin pala siya sa locker room kanina.
Nagtaka naman ako. “Ha? Bakit? Anong nangyari?” Hindi ko na siya hinintay na sumagot, tumakbo agad ako papuntang locker room. Wala namang kakaiba ah. Nakasara naman. Naramdaman kong naki-usyoso rin ang iba sa pangunguna ni Dennis. Nasa may pinto silang lahat. Binuksan ko ang locker.
“Shit!” Narinig kong sabi ni Saggy.
Konti pa lang ang bukas ng pintuan ng locker ng may mahulog na damit ni Ruke. Yumuko ako at pinulot iyon.
“Harrow!! Look out!!” Nag-aalalang sabi ng lahat sakin. Initial reaction, imbes na lumayo ako, nagtataka pa akong tumingin sa kanila. Naramdaman ko nalang, bumagsak lahat ng mga gamit sakin mula sa locker namin ni Ruke.
“Ruuuukkkkeeeeeeeeeeeeeeeeee!!! Walanghiya ka talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!”


bravenet.com