untitled
viviti

*15: COOKFEST TEAMMATES*

 

“Yesterday, we were called out, right?”

 

It was Professor Gary.

 

“The reason of that unexpected meeting was all about the activity of the month in its third week. Now, if you happened to pass by the corridor and read the bulletin board where it’s being posted, you would see there that within this week the plan should be ongoing. But because of the hectic schedules for the past weeks, the regional tournaments, the academic contests, the outdoor challenges, we haven’t prepared anything yet. So, the launching of the booth fair will be held next month. Most probably, on its first week.”

 

“Oh yeah!”

 

Sabay-sabay na sabi ng mga classmates ko.

 

“Why are you guys so happy about it?”

 

Pabulong na tanong ko kay Ropy. Wala pa rin kasi si Mickey. Absent pa rin siya hanggang ngayon. Sinubukan naming tawagan siya sa CP niya, pero out of reach naman. Siguro naka-off. Nung tumawag naman kami sa bahay nila, umalis daw kasama ang buong pamilya niya kaya di na kami nag-alala.

 

“Pssstt… Just listen.”

 

Sagot naman ni Ropy kaya nakinig nalang ulit ako.

 

“So, it has been decided that today is the start of the preparation which means, no boring classes.”

 

Naghiyawan na ang lahat. Tawa naman ng tawa si Professor Gary.

 

“The list of the members are posted outside. See you around, guys, and have a nice week.”

 

“Ditto, Prof!”

 

Umalis na si Professor Gary. Nagsilabasan na rin ang iba. Saan kaya sila pupunta? Hinila ako ni Ropy palabas. Nag-stop kami sa harap ng pinto.

 

“Hanapin mo na pangalan mo.”

 

Isa-isa kong tiningnan ang mga papel na naka-post. Ito pala yung sinasabi ni Professor Gary kanina. Kung saan ka tutulong sa paggawa ng booth. Hinanap ko ang pangalan ko. Hindi ko makita.

 

“Wala naman dito, eh.”

 

Nagtatakang sabi ko kay Ropy.

 

“Baka sa Shellacian Cook fest ka.”

 

What?! Magluluto ako?! Nang tingnan namin, dun nga nakalagay ang pangalan ko.

 

“Saan ka nga pala naka-assign?” Naalala kong tanong sa kanya.

 

“Overall props. Lagi naman, eh.”

 

Binasa ulit niya ang mga pangalan doon.

 

“Hey, kasama mo pala boyfriend mo, o!”

 

 Ha? Sinong boyfriend ko ang pinagsasabi nito. Nabasa ko ang pangalan ni Ruke. Kung minamalas ka nga naman! Bakit ko ba kasama ang bruhong yun? Lalaitin na naman nun ang luto ko for sure.

 

“O, bakit ganyan itsura mo? Di ka ba masaya na magkasama kayo?”

 

Obvious ba?

 

“Akala ko ba okay na kayo? Iniwan ko nga kayo nung isang araw sa classroom di ba?”

 

“Wag ka ng umasa na magkakaayos kami ng unggoy na yun.” Natawa lang si Ropy.

 

“Pumunta ka na nga sa meeting niyo!” Tinulak niya ako.

 

“HRM room.” Iniwan na niya ako.

 

Nagche-check na nang attendance pagkarating ko sa HRM room. Isa lang naman ang malakas ang loob na hindi umatend. Nahuhulaan niyo naman siguro kung sino. Na-assign ako sa paggro-grocery at pagluluto ng dessert. Ako raw ang bahala kung ano ang pipiliin ko.

 

“Ano nga pala ang gagawin ni Ruke?”

 

Naisip kong itanong para ako nalang ang magsabi sa unggoy na yun. Nagtinginan silang lahat sa isa’t isa. Tumikhim muna ang leader namin.

 

 

“Noon kasi, nung bigyan namin siya ng task…” Napakamot pa siya ng ulo.

 

“Nagwala, eh. Sabi niya, wala daw kaming karapatang utus-utusan siya.  Kaya simula nun, pinababayaan nalang namin siya.”

 

This time, ngumiwi naman siya.

 

“Bakit hindi niyo ba siya isinumbong?” Ewan ko ba kung bakit ako pa ang nahihiya sa kanila.

 

Umiling ang leader namin.

 

“Walang naglakas loob eh.” Tumawa siya ng mahina.

 

“Pero kahit naman magsumbong kami, wala din mangyayari. Baka nga lumala pa ang sitwasyon. Nanunugod yun, eh.”

 

Ang itim talaga ng budhi ng lalaking yun! “Sorry about that. Don’t worry, I’ll just take him with me. Partner ko nalang siya sa paggro-grocery. Para naman hindi unfair sa inyo.”

 

Mukhang natakot naman sila.

 

“Kahit huwag na, Harrow. Okay lang naman talaga samin.” Sincere naman ang pagkakasabi nila nun kaya mas lalo akong nainis sa ginawa ni Ruke.

 

“Hindi ko naman kayo isusumbong. Ako na bahala.” Pangungumbinsi ko sa kanila.

 

Nginiti-an nila ako. “Thank you talaga, Harrow.”

 

“Welcome.” Pumayag silang pumunta na ako sa gym tutal naman, wala na kaming ginagawa. Tutulong na din ako sa new members ng team. Kailangan kasi ng basic training nila.

 

Nang makarating ako sa gym, Eksaktong patapos na ang game. 82-65 ang final score. Lamang ang team ni Ruke. Inilagay ko ang mga gamit ko sa bench at umupo. Nakita kong tumakbo si Ruke papunta sakin. Inagaw agad niya ang dala-dala kong mineral water.

 

“Gimme that!” Hindi na ako nakapalag dahil nainom na niya.

 

“Alam mo ikaw… Lagi mo nalang akong inaagawan.” Pa-shoot na itinapon niya ang bote sa trash can. Inubos talaga niya ang tubig ko. Wala talagang patawad ang isang ‘to.

 

“Ikaw naman nauna eh. Gumaganti lang ako.” Ano daw? Anong ako ang nauna? Siya nga itong kumain ng lunch ko kanina. Ni hindi nga nag-thank you!

 

“Ano na naman ang pinagsasabi mo diyan?” Hindi kaagad niya ako sinagot. Pagod nga siguro siya. Hinihingal pa, eh.

 

“Inagaw mo ang locker ko.” Pinunasan niya pawis niya.

 

“Share kaya tayo!” Totoo naman, ah.

 

“Inagaw mo pa rin. Dapat ako lang gumagamit nun. Captain ako ng basketball club, eh. Yun din ang nakasulat sa contract na ibinigay sakin. Binabayaran ko yun.” Ganun pala ang rules ng school namin. Kapag captain, malaki ang locker. Unfair!

 

“Eh di, aalisin ko nalang gamit ko ngayon.” Para lang sa locker, magsisimula na naman giyera sa pagitan namin. Tumayo ako para pumunta sana sa locker room.

 

Hinawakan niya kamay ko at hinila paupo.

 

“Don’t bother. Alam ko namang matagal mo nang pangarap makipag-share ng locker sa crush mo, eh.” Napatingin ako sa kanya. Ang cheap ko naman kung yun lang ang pangarap ko sa buhay!

 

“And where do you think you’re going?” Tanong ko ng tumayo siya.

 

Yumuko siya para tingnan ako.

 

“Hindi pa nga ako nakakaalis, namimiss mo na ako agad.”

 

Amuse na amuse ang itsura niya. Iba kaya ang tanong ko! Binibigyan agad niya ng meaning! Tiningnan ko siya ng masama. Feeler talaga masyado!

 

“Alam ko kung bakit mo tinatanong kung saan ako pupunta kahit alam mo naman talaga kung saan.”

 

Magtatanong ba ako sa kanya kung alam ko naman talaga kung saan siya pupunta?! Paabot nga ng itak!

 

“Magbibihis ako. Sama ka?” Ngumisi siya.

 

“Excuse meeeee!” Palag ko agad.

 

“Ikaw din… Mahihirapan ka pa sa pamboboso sakin mamaya.” Gaya ng ginawa niya sakin noon...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Tinakbuhan na naman ako ng bruho!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com