untitled
viviti

*14: SKETCH*

 

Dahan-dahan na sana akong aalis sa upuan ko para kunin ang sketch pad dahil bored na bored na ko sa kawalan ng magawa nang hindi matuloy dahil nagising si Ruke. Himala sa lahat ng mga himala! Ang bilis niyang magising ngayon! Sayang lang ang effort ko. Hinila niya ang blouse ko kaya napaupo ulit ako.

 

“Where are you going?” Kinusot-kusot pa nito ang mga mata.

 

“Huwag mong kusutin.” Pinalo ko ang kamay niya.

 

“Saan ka nga kasi pupunta?!” Kagigising pa lang, demanding na agad!

 

“Kailangan ba talagang sumigaw ka pa diyan?”

 

Sumimangot agad siya. Tumayo naman ulit ako.

 

“Kukunin ko lang po ang sketch pad ko, Sleeping Prince.” Tinuro ko ang cabinet na kinalalagyan ng mga at materials namin.

 

Hindi man lamang niya tiningnan ang tinuro ko. Inayos niya ang pagkakasandig ng ulo niya at pumikit ulit.

 

“Don’t call me that. Bilisan mo na, babantayan mo pa ko, eh.” Ano tingin niya sakin?! Ginawa ba naman akong yaya! Sa laki niyang yan, kelangan pa ba talaga niya ng bantay?!

 

Kinuha ko nalang ang sketch pad ko at bumalik na agad sa pwesto namin. Hindi na ako tumabi ulit sa kanya. Ang ginawa ko lang, umupo ako sa pinakamalapit sa kanya. Hindi kasi ako makakapag-drawing kapag sa upuan ko ako bumalik. Doon kasi nakasandig ulo niya sa table ko.

 

Nakakailang ulit, bura, at punit na ako sa sketch pad ko, wala pa rin akong magandang maisip na i-drawing. Napatingin ulit ako kay Ruke na mahimbing na natutulog. Aha! Siya nalang kaya??

 

Natagalan ako sa pag-examine kay Ruke. Pano ba naman, ang likot-likot matulog. Kamot dito, kamot dun. Galaw dito, galaw dun. Tapos sisimangot pa. Ah-meh-zeng! Kahit tulog, nakasimangot pa rin! Sa tingin ko, hindi ko matatapos ang balak kong ‘to. Aabutin siguro ng forty-eight years! Kaya ang ginawa ko, kinuha ko cell phone ko at pa-sekreto na nagpicture. Mahirap na, baka magising at magwala na naman.

 

Mabuti nalang, nung nagbell *lunch time naaaa! sarap pa naman ng baon ko ngayon!* tapos ko na siyang kunan ng picture at naitago ko na ang sketch pad ko sa bag at nagising na rin si Sleeping Prince sa wakas!

 

“What time is it?” Tanong niya na papikit-pikit pa ang mga mata.

 

“12:20. Lunch time na.” Kinuha ko ang lunch box ko.

 

“What’s that?” Sabi niya sabay turo niya yung lunch box ko.

 

“Obvious ba? Lunch box ‘to.”

 

“Great! Gutom na ko. Akin na yan, ako na magdadala.”

 

Sabay kuha sakin ng lunch box ko. Aba! Nag-iba yata ang ihip ng hangin ngayon. Naging gentleman si Ruke! Naniniwala na talaga ako sa himala! Una, nagising agad siya kanina tapos ngayon naman, ito na.

 

Pagpasok naming sa canteen, as usual, nagtinginan lahat ng tao saming dalawa. Nagbulungan na naman at pinagchismisan na naman kami.

 

“I thought they broke up?”

 

“I thought so, too.”

 

“They’re back together?”

 

“I think they are.”

 

Blah, blah, blah. Big deal masyado. Nauna siyang lumakad sakin papunta sa pwesto nila. Kami lang dalawa. Wala yung mga kaibigan niya ngayon.

 

“Where are your friends?”

 

Nagkibit-balikat lang siya. Binuksan na niya ang lunch box ko. Kukunin ko na sana ng pigilan niya ako.

 

“Wait. Do me a favor, buy some food.”

 

Binigyan niya ako ng 1000 pesos. May sukli ba ang canteen namin dito?

 

“Why don’t you do me a favor and buy yourself a food.” Hindi ko inabot ang pera.

 

“Pagod ako.” Pagod?! Ano ang nakakapagod sa pagtulog?!

 

“Natulog ka lang kaya! Ano nakakapagod dun?”

 

“I’m not fully awake. Baka lokohin ako at kulang pala ang ibigay na sukli sakin.”

 

Ay! Napakagandang reason! Naniwala ako! Sobra! Para namang may maglalakas loob na lokohin siya! Pero para wala nang away, inabot ko nalang ang pera at pumunta sa counter. Pagbalik ko, natutulog na naman siya. Ano ba naman ang lalaking ‘to? Tulog ng tulog.

 

“Ruke…” Yinugyog ko siya ng konti.

 

“Hey Ruke…” Umayos agad siya ng pagkaupo.

 

“Here.” Nilagay ko sa harap niya ang binili ko. Two-piece chicken joy ang binili ko. Naupo na ko.

 

“No. Here.”

 

Ibinalik ulit niya ang lunch ko sa harap niya at nilagay naman niya ang binili ko sa harap ko. Nagsimula na siyang kumain. Ang pinakamamahal kong lunnnnncccchhhh……… Kaya pala siya ang nagdala kanina dahil may masama siyang binabalak! Aagawin pala niya sakin ang lunch ko! Akala ko pa naman, naging gentleman na siya! Nakakainis!!!

 

“Why are you looking me like that?” Napansin niyang nakatitig lang ako sa kanya.

 

“Lunch ko lang naman ang kinakain mo!” Inis na sabi ko.

 

“Ahh.. Okay..” Yun lang?! Yun lang ang masasabi niya?!

 

“I don’t eat foods here. Cheap.” At ako ngayon ang pakakainin niya ng cheap foods na sinasabi niya?! How noble!

 

Kumain nalang ako. Ang bruho, hindi man lang nag-alok ng pagkain ko sakin kahit man lang in a plastic manner! Ang kapal talaga!

 

Tahimik lang kaming kumain. Hindi ko siya tiningnan at masama pa rin loob ko. Pinaghirapan ko pa namang lutuin ang mga yan tapos iba lang ang makikinabang?! Inayos niya ang pagkakalagay ng lunch box ko ng matapos siya. Ako, kumakain pa rin. Tumayo na siya.

 

“Here.” Sabay lagay sa side ko.

 

“Ang bagal mong kumain. Di na kita hihintayin. May practice kami.”

 

Tinanguan ko lang siya. Walang gana. Hindi nga masarap ang pagkain sa canteen. Cheap nga talaga.

 

Nag-umpisa na siyang maglakad papalayo ng biglang bumalik.

 

“Hindi ka naman pala masarap magluto, eh. Sana yan nalang kinain ko. Nagsisi tuloy ako.” Umalis na siya pagkasabi nun. Ang bruho! Bumalik lang para insultuhin ako!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Binuksan ko ang lunch box ko. Hindi raw masarap! Eh kahit isang butil ng kanin, walang natira! Bruho talaga!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com